. MINSAN talaga, akala mo nakatakas ka na. Nakatakbo ka na palayo. Pero nasa treadmill ka lang pala. At iyon yata ang nangyari kay Sheena. Charles. Naramdaman niya ang unti-unting paglabo ng paningin niya, tila ba tumigil ang mundo niya habang nakatitig sa lalaking hindi niya akalaing muling makikita. Hindi siya agad nakagalaw. Hindi makapagsalita. Nanginginig ang mga daliri niyang nakapulupot sa strap ng kanyang bag. "Look who I found here," anang lalaki habang unti-unting bumalot sa labi nito ang isang ngising nakakaloko. Yung ngiti na minsan ay naging dahilan kung bakit siya nahulog. "Luck must be on my side." At siya naman ang tinakasan ng swerte, gano’n? "We meet again, Sheena. Do you still remember me?" Napamura siya sa loob-loob niya. Mabilis ang t***k ng puso niya—malayo n

