Dalawang linggo nang nagte-training si Sheena bilang cocktail waitress sa Helios Manila—ang bagong luxury indoor beach and night club na itatayo sa tabi ng Palazzo Casino Resort. Hindi pa man ito bukas sa publiko ay sikat na agad dahil sa eksklusibong marketing at celebrity endorsements. Pakiramdam ni Sheena ay sobrang blessed siya na napasama sa unang batch ng mga model waitresses. Kahit probationary pa lang, ang laki na ng sahod. Malaking tulong iyon sa kanila ng mama niya, lalo’t mag-isa na lang itong nasa probinsiya. Sa loob ng dalawang linggo, hindi naging madali ang training—may physical screening, etiquette workshops, bar knowledge exams, at pati gym sessions. Kahit sanay na siya sa pressure ng modeling at events, ibang klaseng disiplina ang hinahanap ng Helios. At hindi niya hahay

