Pupunta pa ngayon si Charles sa Helios para bisitahin ang ongoing training ng mga magiging empleyado. Malaki ang expectations para sa proyektong ito—isa sa mga pinaka-ambisyosong nightlife destinations sa bansa. Hindi basta-basta bar o club ang tinatayo nila—Helios would be a groundbreaking indoor beach and nightclub, the first of its kind sa Pilipinas. It was meant to redefine the nightlife experience—sophisticated, elite, unforgettable. At alam ni Charles, hindi lang ang lugar ang kailangang world-class. Dapat pati ang mga taong magtatrabaho roon. Kaya sinigurado nila na ang mga kukuning empleyado ay hindi lang basta presentable kundi karapat-dapat ding kumatawan sa brand. Galing pa sa casino ng kanyang ina ang karamihan sa mga tinetrain nila ngayon—mga model-marketing cocktail waitress

