Isa na yata sa goals na nagawa ni Sheena ay ang umuwi at magbiyahe pauwi na walang suot na panty. Di niya alam kung goals ba 'yon pero—nawa'y wag naman sana siya gayahin ng ibang babae. Ghad, ano bang pumasok sa isip niya? Really? Bakit, nag-iwan pa siya ng remembrance? Bigla siyang napraning. Paano pag ipa-trace nito ang location niya gamit iyon? Is that possible? O kaya gumamit ito ng K-9 pagkatapos ay ipa-locate kung nasaang parte siya ng Laguna nagtatago? O kaya ipa— DNA test? Baka may buhok... di pa siya nakapag-shave. Teka, teka... Napahawak siya sa ulo niya. Feel niya sumasakit ang ulo niya. Bumangon siya sa kama niya. Mataas na ang sikat ng araw. Kailangan na niyang bumangon. Maya-maya ay narinig na nga niya ang mga katok ng kanyang ina sa pinto ng maliit na silid niya. "'Nak,

