"YOU'RE hired!" Parang isang musika sa tenga ni Sheena ang mga salitang 'yon. Hawak-hawak niya ang kanyang envelope na may dala-dalang requirements habang hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Sariwa pa sa alaala niya ang kaba habang nag-aapply sa isang sikat na casino resort and hotel sa Pasay. Kasama niya ang matalik na kaibigan niyang si Marshana, na siya ring nag-refer sa kanya sa HR. “Mars, grabe ang bilis ah. Parang hindi totoo. Parang panaginip lang, swear!” bulong niya habang lumalabas ng HR office. “Shunga, kasi maganda ka. Alam mong kailangan nila ng mukhang sosyal na may s*x appeal. Hindi ka naman sa housekeeping mapapadpad, 'no. Sa casino ka. Siguradong panggabi ang duty mo.” sabay kindat ni Marshana. “Panggabi? So ibig sabihin kailangan ko na talaga maghana

