Bumukas ang pinto at iniluwal si Dixie at ang pamilya ni Charles. Dahil sa kahihiyan yumuko ako ng naluluha. Hindi ko alam kong paano ito nangyare ang tangin naaalala ko lang ay uminom ako ng uminom ibig sabihin nalasing ako. Pagkatapos nun wala na akong maalala, Sobra ka bang nalasing Naomi? Para hindi malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyare? D***
“YOU TWO!!”
Napatakip siya sandali at ang mga magulang ni Charles ay parang walang reaksyon sa nakita nila. Napalingon ako kay Charles tulog parin siya.
“WHY ARE YOU SLEEPING TOGETHER?!”
Tumulo ang luha niya, umiiyak na siya ngayon. Inayos ko ang upo ko para makapagexplain sana na wala akong kinalaman dito. Kahit gustong gusto ko si Charles hindi ako yung klase ng tao na maninira lang ng relasyon ng iba.
“This is not what you think” pagpapaliwanag ko ng umiiling iling pero umiling lang din siya at lalong umiyak.
Naramdaman kong may gumagalaw sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.
“Dixie?” Mahina niyang sambit pero bigla siyang napaupo ng makita niya ako sa tabi niya at napatingin siya kay dixie
“Charles, diba sabi mo sakin wala ka ng feelings para sakanya?!”
What?! May feelings siya sakin? Paano?
“A man and a woman in a room, I have seen enough!!” Sinamaan niya ako ng tingin at nagpatuloy sa kakaiyak habang ang mga magulang ni Charles hindi man lang nagsasalita. Nabigla din kasi sila sa nakita nila.
“Dixie, it’s not what you think!” Tumayo siya at nilapitan si Dixie niyakap niya ito ng mahigpit pero nagpumiglas si Dixie.
“Eh ano to Charles, did Naomi seduce you into doing this?” Bakit ako? Ni wala nga akong maalala.
Bumaling ang tingin niya sakin “I always knew that she liked you but can’t you have some self control for my sake?” Napaupo siya. Ramdam ko ang hinanakit niya. Kahit ako din bilang girlfriend masasaktan ako pag nakita ko ang boyfriend ko na may kasamang iba sa kama ng hubad.
Pero iba tong samin eh. Hindi ko alam ang nangyare ang tanging naaalala ko umiinom ako sa sulok.
“Dixie calm down” pagpapatahan ng magulang ni Charles
“I was drunk yesterday!” Sigaw ni Charles bigla akong napatingin sakanya sa pagsigaw niya. Halatang galit na galit si Charles.
Nilingon niya ako at ngumisi “Hindi ko din alam kong paano siya nakapunta dito sa kwarto ko”
Tinitigan niya ako ng mabuti at sinamaan ako ng tingin.
Yung titig na yun. Ganyan na ganyan yung last na titig niya sakin bago ako umalis sa lugar na ito. Bago ako tuluyang lumayo sa lugar na ito at sobrang nakakatakot ang titig na yun.
Binaling ni Charles ang tingin niya kay Dixie pero napatakip ng mukha si Dixie habang umiiyak parin muli niyang niyakap si Dixie.
“Please don’t cry. Pakinggan mo ang explanation ko at magtiwala ka lang sakin. I love you Dixie”
Pagpapatahan ni Charles. Napayuko nalang ako sa ginawa niya, nandito parin yung selos. Bakit biglanf bumabalik ang nararamdaman ko kay Charles. Mali ito sobrang mali.
Iniiwas ko ang sarili ko sakanilang dalawa. Kung bakit pa kasi ako dumalo sa birthday niya para saan pa.
Inayos ni Dixie ang kanyang sarili at nilingon si Charles “Charles, tatanggapin ko na sana ang marriage proposal mo pero anong ginawa mo? It’s best if we break up for now!”
Tinulak niya si Charles at napaatras din ito kinuha niya ang chance na yun para makatakbo siya palayo.
“NO DIXIE!” Pagpipigil ni Charles pero huli na at nakalayo na si Dixie.
Humarap sakin si Charles na puno ng galit ang nababalot sa mukha niya. Halatang iritang irita siya sa nangyare. Ayokong mag explain ng side ko dahil hindi niya naman ako pakikinggan. Sarado ang utak niya para sakin.
“You failed to do this three years ago, pero ngayon nagawa mo na. Are you satisfied?!”
Napaluha nalang ako sa huli niyang sinabi sakin. Habang siya nagmamadaling nagbihis at tumakbo para habulin si Dixie. Hindi na niya ako muling nilingon pa.
“Are you okay?” Tanong sakin ng magulang ni Charles.
Nabalot ako ng hiya kaya ang tanging nagawa ko nalang ay umiyak ng umiyak. Habang sila ay hinahagod ang likod ko para patahanin ako.
Paano ako makakapag explain ng maayos sakanila kung sarado ang utak nila para pakinggan ako?
Pilit kong inaalala kanina pa kung ano talaga ang nangyare pero sumasakit lang ang ulo ko.
“You should get dressed now honey. You still need to go to work later” masayang tulak ng mama ni Charles sa papa niya. Tumango lang siya at lumabas na. Isinarado naman ng kanyang mama ang pinto at nilock ito.
Nagtaka ako sa ginawa niya pero nangingibabaw sakin ang kahihiyan na nagawa ko ngayong araw.
“I’m sorry ma’am. Hindi ko din alam ang nangyare” umiling iling pa ako at yumuko.
Nilapitan niya ako at niyakap.
“Aalis po ako agad. Hindi po ako magtatagal” pagpapatuloy ko.
Kumalas siya sa yakap at nginitian ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.
“It’s not your fault”
Natigilan ako sa sinabi niya habang siya seryoso ang tingin sakin.
“All of this was my plan”
Kinabahan ako sa sinabi niya. Bakit anong rason niya para iset up ako sa ganitong nangyare. Nananahimik na ako at wala ng plano pang guluhin si Charles dahil sa nangyare three years ago.
Umupo siya sa tabi ko “We don’t like Dixie Jimenez. Nalaman namin recently na ang kanyang ama ay isang gambling addict. Ever since naging sila ni Charles, hindi namin alam kung magkano na ang nakuha nilang pera kay Charles” sambit niya na may halong pag aalala.
What? Kaya pala parang wala silang reaksyon o pakialam man lang kay Dixie kanina at halos hindi sila nagsasalita. Ito pala ang dahilan kung bakit ayaw nila kay Dixie.
“Of course, money is just a small problem. The real problems will come when they manage to form ties with our family”
Nanahimk lang ako at nakikinig ng mabuti sa sinasabi niya. Naaawa ako kay sa magulang ni Charles. Alam na niya kaya na isang gambling addict pala ang papa ni Dixie? Sus importante paba yun kung talagang mahal niya tatanggapin niya.
“That’s why i plotted today’s scene to make them give up on each other” nilingon niya ako kaya naman tinignan ko siya ng nag aalala.
“But ma’am, what you’ve done here will cause me a lot of trouble” napayuko ako at alam kong may consequences ang lahat ng ito dahil naranasan ko na to dati.
Hinawakan niya lang ang aking mga kamay kaya inangat ko ang tingin ko sakanya.
“How can that be? You and Charles were classmates in your childhood. Besides you are an orphan with a clean background. If you are willing to take it, the title of Mrs. Ferrero could be yours” nakangiti niyang saad
Mali ito, madami namang mga mayayaman jan na bagay kay Charles. Tinanggal ko ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Hindi ako nababagay kay Charles kahit pa na mahal na mahal ko siya hindi ko pinangarap na ikasal kami. Sapat na sakin ang nangyare dati.
“Ma’am, kung talagang hindi niyo po gusto si Dixie dapat kausapin niyo si Charles or hanapan niyo nalang po siya ng mapapangasawa niya yung kasing yaman niyo po”
Tinitigan ko siya ng mabuti at sineryoso ang aking mukha
“Peeo hindi po ako papayag na makasal sakanya” napatayo siya at tinitigan ako ng mabuti
“Naomi, don’t you like Charles anymore?”
Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko ang anak niya pero hindi ito sapat para mapunta sa komplikadong sitwasyon si Charles. Hindi ko magagawa yun sakanya. Nginitian ko lang siya
“Ma’am love is a feeling between two people”
Ayaw ko din kasing makasal sa taong hindi ako kayang mahalin, ayaw kong mapilitan si Charles dahil kamumuhian niya ako.
“But if i don’t take this chance to eliminate Dixie, i can assure you Charles will be destroyed in her hands” pagmamakaawa niya pero binaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko. Parang kinokonsensya pa ako sa mangyayare sa anak niya.
“I’m sorry, hindi ko kayang gawin to kay Charles”
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko din pagsisihan sa huli pag pumayag akong ikasal kay Charles. Napabuntong hininga siya at tinalikuran ako.
“Take your time to think about it properly. I’ll wait for you”
Mukhang desperada na talaga siya para lang hindi magkasal ang dalawa. Hindi ko ginusto na maipit sa sitwasyon na to. Ano ba tong nangyayare sobrang pagsisisi ko na pumunta pa ako sa birthday ni Charles.