bc

Forbidden Love

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
independent
brave
drama
secrets
wife
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

NAOMI GONZALES LOVES CHARLES FERRERO.

CHARLES FERRERO LOVES DIXIE JIMENEZ

Bilang resulta ng mga kaganapan kay Naomi naging siya ang dahilan ng pagkamuhi ni Charles sa lahat. Kinamumuhian siya ng husto.

“Naomi Gonzales, this isn’t the first time you’ve shamelessly climbed into my bed while i was sleeping!”

Ng dahil sa pagmamahal ni Naomi pinaparamdam niya kay Charles ang pagmamahal niya kahit pa lagi siyang iniiwasan nito.

Kaya naman hinayaan ni Charles ang iba na mabully at kamuhian si Naomi para lang bumalik ang pinakamamahal niyang si Dixie Jimenez.

“Pero hindi mo sila mapaghihiwalay!”

“Naomi, i advise na umalis ka na sa Ferrero Family bago pa man palayasin ka ni Young master Charles”

“Pag hindi mo ginawa hindi kita mapapatawad!”

“Look at yourself, you need to meet some standards before you try to capture a man’s heart”

Pero syempre parang kasabihan lang yan. Mararamdaman mo ang pang aabuso pag ginawa ng ginawa sayo.

If there’s another chance, you will know how it ends.

chap-preview
Free preview
Birthday Celebration
Naomi’s POV Nasilaw ako sa sinag ng araw kaya dahan dahan kong minulat ang aking mata. Napansin kong may katabi ako kaya binaling ko ang aking tingin sa kabila. Nabigla ako at napaupo ng makilala ko kung sino ang lalaking nasa tabi ko. Oo tama kayo lalaki ang katabi ko, kinakabahan ako at mabilis ang t***k ng puso ko. Charles Ferrero. Si Charles lang naman ang katabi ko, siya lang naman ang all time crush ko since highschool. Ilang taon din akong nabulag sakanya paano ba naman kasi ginawa ko naman ang lahat para mapansin niya ako pero waepek. Napatakip ako ng bibig ko. Ano bang namgyare? Bakit ko siya katabi. Take note wala siyang saplot kaya napatingin ako sa sarili ko at nanlaki ang mata ko wala din pala akong saplot. Hinawakan ko ang ulo ko at pilit kong inaalala ang nangyare kagabi kung bakit ko siya kasama sa kwarto at pareho kaming walang saplot. Flashback... CHARLES FERRERO’S 20TH BIRTHDAY Madaming tao sa party na ito, ano pa nga ba ang iexpect ko bilyonaryo siya at talagang napakayaman ng pamilya nila. May mga ilan na classmate namin nung highschool ang ilan naman naka formal attire at business attire halatang kagagaling lang ng trabaho. Nasa gilid lang ako ng buffet hawak hawak ang inumin at nagmamasid lang din sa mga bisita. Magisa lang ako dahil hindi ko din naman close ang mga classmates ko dati na nandito ngayon. Masayang nagkekwentuhan ang mga bisita nila buti nalang at wala din lumalapit sakin para makipag usap. Hindi din kasi ako magtatagal dito. “Charles diba si Naomi yun?” Napukaw ng tingin ko ang dalawang magkasama na medyo malapit lang sa pwesto ko. Charles? Lalo siyang pumogi at tumangkad. Matangos parin ang ilong niya at makinis ang kanyang balat. Namiss ko siyang tignan sa malayo. Hinila ng si Charles ng kaibigan niya papunta sakin. Nakita kong inis na inis si Charles sa ginawa ng kaibigan niya. “It’s been a long time. Bakit hindi mo man lang kami nilapitan at batiin itong si Charles?” Napatingin siya sa baso ko at ngumiti “Mukhang hindi mo pa nagagalaw ang inumin mo napansin ko lang” Nakalimutan ko na ang pangalan ng kasama ni Charles pero alam ko na kaibigan niya ito dahil lagi silang magkasama nung highschool pa kami. “Eh iinomin ko na sana kaso lumapit kayo sakin” nag fake smile ako at napakamot sa ulo. Jusko pinagpapawisan ako kahit fully air conditioned itong lugar. Kasi naman all time crush ko talaga si Charles at siya ang first love ko, sabi nga nila first love never dies kaya hindi ako magtataka na bumalik ang nararamdaman ko ng masilayan ko siya. Bumaling ang tingin sakin ni Charles “Did Dixie invite you?! Or did you shamelessly came alone?” Walang ganang tanong ni Charles sakin Naikuyom ko ang kamay ko saglit bago ako nagumpisang harapin siya. “Charles Ferrero, ganyan kaba talaga sakin? Birthday mo ngayon oh? O baka naman galit ka parin sakin? Past na yun ano kaba” Kailangan kong itago ang nararamdaman ko ngayon. Napansin kong may babae na pumunta malapit sa gawi namin. Naka white mini dress siya at naka high heels. Hinarap niya ang mga bisita. Napatingin naman ang mga bisita sakanya. “So glad that you guys could come to celebrate with Charles” ngumiti muna siya bago siya nagpatuloy “As Charle’s girlfriend, i’d like to thank everyone here” masaya niyang bati sa mga bisita. “Why are you still announcing yourself as Charle’s girlfriend? Pag nakuha mo na ang approval ng pamilya niya ngayon tiyak na mapapalitan na ang title mo into Mrs. Ferrero” Hindi ko alam kung sino yung nagsalita pero parang may kumirot sa dibdib ko ng marinig ko yun. “Syempre invited parin kayong lahat pag nangyare yon. And don’t try to refuse alright?” Nakangiti niyang tugon dun sa nagsalita at nagpalakpakan ang mga bisita. “ESPECIALLY YOU NAOMI GONZALES” Napatingin siya sakin at nabigla ako ng makilala kung sino siya. Dixie Jimenez. Classmate namin siya at may gusto din siya kay Charles hindi ko lang iniexpect na siya pala ang girlfriend ni Charles ngayon. Nagiba na siya lalo siyang gumanda siguro nagpa plastic surgery to kuminis na din kasi ang balat niya. Hindi ko alam na nakalapit na pala siya samin. Nakatingin parin ako sakanya mata sa mata at wala din lumalabas sa bibig ko. Binago ko ang expression ng mukha ko at dahang dahan ngumiti. Ayokong ipakita sakanila na apektado ako lalo na lagi akong nabubully dahil crush ko si Charles. “I won’t” tipid kong sambit sakanya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nangyayare. “That’s good to hear. Nagwoworry kasi ako baka kasi nalungkot ka sa mga nasabi ko sa mga bisita. Akala ko nga hindi ka makakapunta ngayon dahil crush mo si Charles ng ilang taon” nakangiti niyang sambit sakin. Kailangan kong maging malakas at hindi apektado sa mga pinagsasabi niya. “Dixie” pagpipigil ni Charles pero ngumiti lang si Dixie sakanya. “Guys it’s all in the past. There’s no need to talk about it anymore” pakamot kamot na singit ng kaibigan ni Charles. Sumenyas si Dixie sa waiter na may dala dalang alak. Dali daling lumapit agad yung waiter at kumuha si Dixie ng dalawa. Ang isa ay kay Charles at ang isa naman sakanya. “Naomi galit kaba samin?” Sambit ni Dixie habang pinapaikot ikot niya ang alak sa baso. Muli kong naikuyom ang kamay ko “Hindi syempre, classmates tayong lahat at hindi ko sineseryoso ang lahat” nakangiti kong sambit sakanya Uminom ng kunti si Dixie “That’s great. Hindi na tayo bata tulad ng dati, we are all grown ups now” Hindi na ako nagsalita pa at patuloy na umiinom habang nagkkwentuhan silang tatlo. Na out of place ako kaya dumistansya ako ng kunti sakanila. “Which university are you studying right now” pang iiba ng topic nung kaibigan ni Charles. “Yeah right, that year you are the only one who didn’t tell us your dream after filling the form secretly. I wasted a lot of resources to find you” Kinindatan niya ako na may halong ngisi sa kanyang labi. Napayuko ako sa narinig ko. Bakit kailangan pa nilang malaman yun? “Dixie why are you so curious to know which university she went to?” Nagtatakang tanong ni Charles sakanya. Buti naman at nagsalita kana. Hina-hot seat ako ng jowa mo oh tsk! Napa buntong hininga nalang ako. Parang any time hindi ko na kakayanin at manatili pa dito pero bakit pa ako pumunta dito kung aalis ako basta basta. “Curious lang ako babe, nothing more”muli siyang kumindat kay Charles. Kung alam niyo siguro ang totoo pagtatawanan niyo ako. Hindi kasi ako pumapasok sa kahit anong university. Tumalikod na sila sakin at nagumpisang maglakad palayo ni hindi na sila nagpaalam sakin. Well sino ba naman ako? Isa lang naman akong nobody dito since highschool pa. Lumapit naman ako sa waiter na may dalang alak. Kumuha agad ako ng isa at nilagok na yun ng maubos ko agad kumuha ulit ako. “Hinay hinay lang po sa alak lalo na magisa niyo lang po dito sa sulok” Hindi ko na siya pinansin at kumuha ulit ng panibagong inumin. Nilagok ko ang dinks at kumuha ulit ng alak tapos nilagok na ito agad. Hindi na sana ako bumalik pa, Nagsisisi na talaga ako kung bakit bumalik pa ako sa lugar na to. END OF FLASHBACK Ang mga bagay bagay ay maaaring mangyare ng napakabilis. Muli akong mapahawak sa ulo ko, nakaramdam ako ng pananakit ng aking ulo Nabalik ako sa reyalidad ng mapansin kong bubukas na yung pinto. Napahawak ako ng mahigpit sa kumot. Natatakot ako na baka pamilya ni Charles ang nasa pintuan kaya pinikit ko ng mariin ang aking mga mata naghihintay ng susunod na mangyayare.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook