NAIDA POV
Gusto pa sana akong samahan ni Von hanggang sa bahay nila Jonald pero buti nalang ay napilit ko sya na sa susunod nalang kaya hanggang sa labas lang sya ng subdivision. Buti nalang ay tinulungan ako ng mga guard na dalhin hanggang sa bahay nila Jonald itong mga gamit na dala ko
"At wow nagshopping pa talaga ang bruha" salubong agad sa akin ni Love pagkapasok ko sa loob
"ANO TO? SAAN KA KUMUHA NG PERA PARA SA MGA TO?! sabi pa nya at binuksan lahat ng paper bag maging ang box kung saan nakalagay ang gagamitin ko para sa competition
"Love pwede po ba hayaan nyo ako dahil wala akong ginagawang masama sa inyo" pinipigilan kong mainis na sabi kay Love, muntik naman nya akong saktan buti nalang dumating si Jonald
"LOVE!" sigaw ni Jonald na agad namang lumapit sa amin
"I told you stop harassing Naida!" pagpipigil ni Jonald at itinago nya pa ako sa likod nya
"Jonald sya ang nauna! Binastos nya ako! Tinatanong ko lang naman sya kung saan sya nakakuha ng pera pambili ng mga yan!" at itinuro pa nga ni Love ang mga paper bag at Box na dala ko na syang alam na ni Jonald pero hindi ako nagbayad ng mga iyan kahit na iyong card ni Jonald ay hindi ko nagamit dahil binayaran lahat ni Von
"SAKA BAKIT BA PALAGI MO SYANG KINAKAMPIHAN HA!?" sigaw na sabi ni Love, hinawakan ko naman ang kamay ni Jonald kaya napatingin sila sa akin. Gulat na gulat naman si Love sa ginawa ko
isa lang naman kasi ang alam ko na paraan para tumigil na itong si Love, naririndi narin kasi ang taynga ko sa kanya. Wala syang ginawa kundi magalit at sumigaw.
"Sorry Jonald pero kailangan nya malaman para matapos na to" mahinahong sabi ko kay Jonald. Gumanti din si Jonald sa pagkakahawak ko sa kamay nya atsaka ngumiti
sabay naming tiningnan si Love
"shes my wife Love, we are married" napabagsak naman sa sahig si Love sa kanyang narinig at kitang kita ko ang pagkagulat at hindi makapaniwala sa mukha nya, tumutulo narin ang luha nya
"kaya palagi kong kinakampihan si Naida dahil asawa ko sya. Pakiusap ko sayo tama na Love" maging ako ay nagulat sa sinabi ni Jonald
tinulungan naman nya akong ayusin ang mga damit ko na nagkalat na atsaka umalis na pumunta ng kwarto ko, wala parin naman imik si Love
"pack your things Naida go back to your room" sabi ni Jonald na syang ginawa ko naman, tinulungan naman nya akong dalhin ang mga gamit ko pabalik sa dati kong kwarto
"sorry ah" sabi ko habang nag aayos kami
"its okay malalaman at malalaman din naman nya sooner or later" sabi naman ni Jonald na nagpabungisngis sa akin
ang cute kasi talaga nya kapag nagtatagalog sya, hindi naman sya ganun ka slung magsalita ng tagalog okay na nga eh sadyang lumalalim pa lalo ang boses nya
"so Von paid for all these clothes?" pag iiba sa topic ni Jonald kaya tumango naman ako at alanganing sinabi sa kanya ang nangyari kanina
"Ano pa kasi Jonald pumayag ako na ligawan ni Von kaya siguro sa MU palagi mo na kami makikitang magkasama" sabi ko
nakita ko naman ang pagkunot noo nya
"Do you like him?" seryosong sabi ni Jonald kaya tinigil ko ang ginagawa ko at lumapit sa kanya
"matagal ko ng sinabi sayo na hindi ko sya gusto, ikaw ang gusto ko kaya wag ka sanang magselos dun ah" sabi ko habang hinawakan ang mukha nya
hinalikan naman nya ako ng mabilis sa labi
"okay" nakangiting sabi nya saka tumayo
"i go to Love to talk to her ah" ngumiti nalang ako hanggang sa makalabas na sya ng kwarto ko
mahalaga parin naman sa kanya si Jonald kaya nga hanggang ngayon ay nandito parin si Love, may nakaraan silang dalawa at may pinagsamahan kaya siguro iintindihin ko nalang.
LOVE POV
umiiyak parin ako habang nakatulala dito sa pool habang umiinom ng wine. Masakit lang kasi na kinasal sa iba si Jonald! Doon pa talaga sa babaeng iyon! Shes a nobody, shes nothing compared to me! Kaya pala unang kita ko palang don sa babae na iyon iba na ang nararamdaman ko sa kanya! Nilandi nya si Jonald! Ang harot nya! Sya pala ang kaagaw ko kay Jonald!
Matatanggap ko sana kung ipagpapalit ako sa iba ni Jonald doon sa alam kong mas higit pa sa akin pero the hell lang dahil doon lang pala sa klaseng babae na iyon! Hindi ko matanggap! at hindi ko kayang tanggapin!
Alam ko naman kasi na makakahanap sya ng iba habang nasa malayo ako, maiintindihan ko iyon at handa ako don dahil kahit ako mismo ay may mga naging boyfriends and flings sa ibang bansa.
"Love" hindi ko pinansin si Jonald pero napapangiti ako dahil nandito sya pinuntahan ako
Nagkaroon ako ng pag asa na may pag asa pa kamimg dalawa and i can sense na theres more story that i need to know sa kanilang dalawa nung mahaliparot na Naida na iyon.
"why are you here baka magalit ang ASAWA mo" sabi ko ng makaupo sya sa tabi ko
narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya, hindi parin ako umimik parang ayaw ko pang marinig ang sasabihin nya. Masakit parin eh. Doon palang sa may asawa na sya tumagos ng malala sa puso ko lalo na ang asawa nya ay isang mahirap. Shes a golddigger tingnan mo ang mga pinamili nya kanina, mga branded ang mag iyon!.
ANAK SYA NG KATULONG kaya i doubt if she even afford those, nasisiguro ako na winawaldas nya lang ang pera ni Jonald.
"you remember what you told me when you left me?" napalingon ako sa sinabi nya sa akin
"Are you really married or ginagawa mo lang to para layuan kita?" nagmamakaawang tanong ko sa kanya
may kinuha naman sya sa bulsa nya at pinakita sa akin napatakip ako ng bibig ng makita ito
"Why are you doing this!" umiiyak nanaman ako habang tinitingnan ang marriage certificate at ang cellphone nya kung saan nakikita ko ang litrato ng kasal nila
its a simple wedding indeed. Tahimik lang naman sya hinahayaan akong umiyak at ininom ang wine
"you told me that you will happy for me if i found someone who will love me more than you love me" sabi nya ng makita nyang kumakalma na ako
NO I CANT ACCEPT IT! I WILL NEVER ACCEPT IT! Hinding hindi ako magiging masaya para sa kanila!
"Alam mo Jonald ang masakit ang pinalit mo sa akin ay isang basura sana naman pumili pili ka ng mas hihigit pa sakin!" pinilit kong pakalmahin ang sarili ko para makausap ng maayos si Jonald
"shes better than you Love do you know why?" natahimik ako sa sinabi ni Jonald na para bang kalmado parin sya
"because she will never leave me" natameme naman ako sa sinabi nya na para bang pinapamukha nya sa akin ang pang iiwan ko sa kanya noon
pero ngumisi lang naman ako sa kanya "Yeah hindi ka nya iiwan dahil kailangan ka nya! Kailangan nya ang pera mo!" isa pa iyon sa kinaiinisan ko dahil hindi makita ni Jonald ang totoo na pineperahan lang sya ng babaeng yun!
"kung anak talaga sya ni Aling Tes, Jonald naman mahirap ang babaeng iyon sa tingin mo magugustuhan nila tita at ng kuya mo kapag nalaman nila? Alam na ba nila ang tungkol sa babaeng iyan?!" sunod sunod kong tanong kay Jonald
"thats why im asking you a favor to keep it a secret Love" mas lalo akong natuwa sa narinig ko at sapat na sa akin iyon
dahil sikreto ang kasal nilang dalawa.
"pinakasalan mo ba talaga ang babaeng iyon dahil mahal mo sya o dahil alam mong pauwi ako ng pinas at para i-pang selos mo sa akin?" tanong ko pa saka tumayo at umupo sa lap nyat nakaharap sa kanya
ang lapit ng mukha ko sa kanya
"L-Love" hindi nya naman alam kung anong gagawin
"nandito na ako Jonald at hinding hindi na kita iiwan pangako" sabi ko pa atsaka sya hinalikan
"your drunk Love come on you need to rest" sabi nya ng inilayo nya ako sa kanya pero mapang akit ko naman sya tiningnan at pinainom sya ng alak na syang ininom nya naman
"Hindi ako lasing Jonald" sabi ko at paunti unting hinubad ang damit ko
"H-hey" hindi na nya ako napigilan ng nakahubad na akong tumalon ng swimming pool
"woooah come on lets swim" pag aya ko kay Jonald pero pinulot nya ang mga damit ko na nagkalat
nang hindi parin sya lumuluson ay nagpanggap akong pinupulikat
"Ahh Jonald ang paa ko" sabi ko habang nagpapanggap na nalulunod
"Hey Love" wala naman syang nagawa kundi tumalon ng pool at pumunta sa akin
"got you there haha" humalakhak ako ng makalapit sya sa akin
"its not a good joke Love" sermon naman nya na syang hindi ko pinansin at niyakap ko naman sya agad
"hindi kita susukuan Jonald pangako, kung kailangang magsimula tayo sa simula gagawin ko maging tayo nalang ulit" paiyak na pagmamakaawa ko sa kanya
umaasa na balikan nya ako. Alam ko naman na pangit ang ugali ko at mali ang ginawa ko sa kanya pero nagbago na ako at hinding hindi ko na sya iiwan. Narealize ko na mahal na mahal ko nga talaga si Jonald, na mas mahalaga sya kesa sa career ko
"Im married now Love" kalmado lang naman sya
knowing Jonald na sanay itago ang totoo nyang nararamdaman
"Hiwalayan mo sya!" agad naman na sabi ko atsaka ulit sya hinalikan pinulupot ko ang mga paa ko sa bewang nya
nginisian ko naman si Naida na hindi makagalaw sa pwesto nya habang nakatingin sa amin ni Jonald at pinagpatuloy ang paghalik kay Jonald, doon lang sya napatakbo ng nagawa kong hubarin ang damit ni Jonald
'b***h' gigil na sabi ko sa isipan ko
PAGHIHIWALAYIN KO KAYONG DALAWA I WILL MAKE SURE OF THAT