CHAPTER 14

1142 Words
NAIDA POV Napapabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa harap ng salamin dito sa cr dito na kasi ako dumiretso dahil kailangan ko muna ayusin ang sarili ko bago ako magpakita sa mga tao kaya yukong yuko ako habang naglalakad papunta dito tinatago ang mukha ko. Naglagay ako ng konting make up dahil medyo bumakat ang sampal sa akin ni Jonah at may ilang sugat din ako sa braso pero hindi naman halata kung hindi mo papansinin. Buti nalang talaga natuto ako mag makeup kahit papaano sa tulong nila Irish at Diane dahil kung hindi ay malalaman nila ang nangyari sa akin *sigh Tahimik lang naman nga ako habang nagkaklase at habang naka breaktime kami, hindi ko din nakita si Von mula kanina pa na syang pinasasalamat ko dahil hindi ko alam kung paano ko sya haharapin dahil kailangan ko iiwas ang sarili ko sa kanya para kay Jonah "Naida okay ka lang ba?" napatingin ako kay Diane ng tanungin nya ako "Oo naman okay lang, kinakabahan lang dahil malapit na ang competition natin" sabi ko nalang sa kanya, eto talagang babaeng to mabilis makiramdam "malapit na noh? excited na ako" natutuwang sabi naman ni Irish Hanggang sa matapos na ang klase namin at kailangan pa naming magpraktice, kitang kita ko parin ang galit sa mata ni Jonah sa akin na para bang ang laki laki ng kasalanang nagawa ko sa kanya "Naida puntahan na natin mamaya ang shop na pagkukunan natin ng mga damit" tumabi naman sa akin si Von dito sa gym dahil practice na nga namin, tatlong araw nalang kasi ay competition na at wala pa kami napag uusapan kung anong talent ang gagawin namin "sige Von mamaya" sabi ko at itinuon nalang ang attention sa practice namin, kinabisado ko kung saan ako pepwesto atsaka kung paano rumampa na syang tinuturo ni maam Reagan naalala ko na Jeronimo din pala sya, kamag anak kaya namin sya? Pero parang imposible naman kasi dahil ang ganda nya kumpara sa akin at halatang mayaman. Baka nga kapangalan lang dahil may mga ganun naman dito sa pinas 'Jonald may pupuntahan kami ni Von mamaya sa isang shop para makapamili ng mga damit sa competition' ng magkaroon ako ng tyempo ay chinat ko si Von at pinaalam sa kanya ang gagawin ko mamaya dahil baka kasi mag alala naman ang isang iyon 'Where to?' agad naman na reply ni Jonald sa chat ko sa kanya kaya napatingin ako sa kanya, hindi naman kasi talaga bawal ang cellphone dito sa practice namin. Nagkibit balikat ako habang nakatingin kay Jonald at chinat ulit sya 'hindi ko pa alam update kita mamaya' chat ko at nilagyan ko ng emoji na may puso ang mata, nakita ko namang nakangiti sya habang nakatingin sa cellphone nya Nang matapos ang practice namin ay kasama ko na nga si Von dito sa shop at may mga pinareserve na syang mga damit "Sukatin mo para malaman natin kung kasya at tama ang napili ko" sabi ni Von nag aalinlangan naman ako kung gagawin ko ba pero tama naman sya kaya ginawa ko nalang. Nachat ko narin si Jonald kung nasaan ba ako. "you look good at everything" sabi ni Von ng masukat ko na ang mga damit at ang two piece nalang ang hindi pa "one more to go then we can leave" sabi pa ni Von habang nakatingin sa bikini na pinili nya para sa akin "k-kasya naman siguro yan" sabi ko pero nagpumilit parin si Von kaya wala akong nagawa "Damn you hot Naida" komento naman nya ng lumabas ako suot suot lang ang bra at panty na halos konting tela lang ang natatakpan nito, may pagka t-back kasi ang panty habang ang bra naman ay tube bra. umikot ako at tiningnan ang sarili sa salamin "Thats very nice you being confident to yourself" napasinghap ako ng nakalapit na pala sa akin si Von at kitang kita ko ang pagnanasa sa mga mata ni Von "YOU ARE VERY BEAUTIFUL NAIDA" sabi pa nya at nagulat ako ng halikan nya ako at ng maramdaman nyang papalag ako ay marahas nya akong itinulak papasok sa loob ng cubicle kung saan pwede ka mag bihis "VON! HMMMM" agad nyang natakpan ang bibig ko "Ssshhh wala naman akong gagawing masama sayo, I just want to tell you na seryoso ako sa sinabi kong gusto kita" narinig kong sinabi nya tinulak ko naman sya para makalayo ako sa kanya ng konti dahil ang lapit lapit nya sa akin "Von salamat dahil gusto mo ako pero hindi kita gusto eh, ang bata mo pa para sa akin!" sabi ko sa kanya napangiti naman sya "Hindi na ako bata Naida" seryosong sabi nya napahilamos ako sa mukha ko kahit na ilang taon lang ang agwat ko kay Von ay hindi talaga pwede, sa 21 nyang edad at 23 naman ako. "Von look may asawa ako kaya sa iba ka nalang magkagusto" sabi ko sa kanya at pinakita ang singsing na suot ko napangisi naman sya "pero sabi mo binili mo yan at disguise lang para sa mga lalaking nagtatangkang ligawan ka" napatampal naman ako ng noo ko, nasabi ko nga pala iyon hindi lang sa kanya kundi sa buong tropa pati narin sa mga kaklase naming nagtatanong "and yes you can buy your own ring Naida kaya hanggat wala kang hinaharap sa akin na asawa mo ay hindi ako maniniwala sayo, liligawan kita simula bukas fyi lang" seryoso nyang dugtong at lumabas na nga hindi ko alam kung ilang beses akong napabuntong hininga dahil naalala ko naman si Jonah. Ang gulo gulo dahil marami pa akong kailangan ayusin, isa na don si Jonah pati narin si Love tapos dumagdag pa itong si Von, baka magalit din sa akin si Jonald at isiping malandi ako at niloloko ko sya. Pati narin sila Tito Jack dahil hindi naman pwede na hindi nila ako makilala *sigh "sorry if nabastusan ka at nasaktan sa ginawa ko pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon ipakita sayo na seryoso ako" sabi ni Von ng makalabas na ako sa cubicle, nakapalit narin ako ng damit ko *sigh "ipipilit mo talaga yan na gusto mo?" seryosong tanong ko sa kanya "give me a chance Naida please. Ipapakita ko sayo na hindi kita niloloko at hinding hindi kita sasaktan" seryoso ding sabi nya "Paano si Jonah? Gusto ka nya" sabi ko at napa cross arms pa "Hindi ko sya gusto Naida matagal na, ikaw lang. Hayaan mo kilala ko si Jonah kapag may ginawa sya sayo akong bahala sa kanya" sumingkit ang mga mata ko at lihim na napabuntong hininga hindi talaga to magpapatalo "Okay Von papayagan kita ligawan ako" sabi ko sa kanya para mapangiti sya "Pero sa akin na kung sasagutin kita or hindi sana irespeto mo iyon" dugtong ko "Oo Naida at gagawin ko ang lahat para sagutin mo ako" natutuwa nyang sabi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD