NAIDA POV
"Good afternoon class" nakangiting bati ni Jonald sa amin, hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil nga kailangan ko syang iwasan pero paano ko naman magagawa kung professor ko sya dito sa MU?
"Good afternoon sir Jonald" bati naming lahat sa kanya
mas lalong ngumiti si Jonald "Good, you all know me" sabi nya sa amin at sinulat ang pangalan nya sa white board
"sir can i ask?" taas kamay na sabi ng kaklase naming babae, nasa unahan ito nakaupo
"Sure go ahead" ngiti nitong sagot.
Ang bait mo talaga kahit kailan Jonald. Tsk. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon dahil hindi lang sya sa akin mabait.
"m-may girlfriend kana po ba sir?"
kahit ako ay hinihintay ang sagot ni Jonald dahil gusto ko rin malaman galing sa kanya. Kung may girlfriend na ba sya at kung sino ang girlfriend nya?. Napansin kong napasulyap sa akin si Jonald
"wala" sabi nya na sa akin nakatingin, umiwas naman ako ng tingin
dug dug dug
Hindi ko alam kung natutuwa ba ako sa nalaman na wala syang girlfriend. Eh ano nya si maam Reagan?
"may nililigawan ka po ba?" segunda naman na tanong ng isa pa naming kaklase na babae
"Is this an interview guys? haha" napakamot sa batok si Jonald at ang cute nya tingnan ngayon
nagtawanan naman na para bang kinikilig ang mga kaklase ko, halos kanina pang umaga ganito ang mood dahil sa magaganda at gwapo ang guro namin, nakakaengganyo makinig at mag aral.
"but stop about me lets talk about you guys, introduce yourself here in the front and do your talent after that okay" sabi ni Jonald na may kasama pang palakpak
umupo sya sa may lamesa ng magsimula ng magpakilala ang mga kaklase namin, ang iba ay sumayaw, kumanta, nag rap, nag beatbox, nag magic at kung ano ano. Si Irish ay nag ballet habang si Diane ay nagsplit, nag tumbling and stretching na para bang wala syang buto na syang kinahangaan naming lahat.
Napakamot naman ako sa batok ng ako nanaman, at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil nga hindi ko kinakausap si Jonald.
"Whats your talent Miss Jeronimo?" nakangiti itong nakatingin sa akin, medyo malapit din ako sa kinaroroonan nya kaya naaamoy ko ang mabango nyang amoy
"Even in my heart I see
You're not bein' true to me
Deep within my soul I feel
Nothing's like it used to be
Sometimes I wish I could turn back time
Impossible as it may seem
But I wish I could so bad, baby
Quit playin' games with my heart"
para bang nagulat sya sa bigla kong pagkanta, marunong din naman ako sumayaw pero mas gusto kong kumanta ngayon, at sana sa pagkanta kong ito ay maunawaan nya kung ano ba ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Quit playin' games with my heart
Before you tear us apart (my heart)
Quit playin' games with my heart
I should've known from the start
You know you got to stop (from my heart)
You're tearing us apart (my heart)
Quit playin' games with my heart"
Oo Jonald, sana naman wag mo ng paglaruan ang puso ko kasi ako ang naguguluhan sa mga ginagawa mong kabaitan sa akin. Hindi ko na tinapos ang pagkanta ko at nagbow muna bago bumalik na sa upuan ko
"Im amazed because this batch have more talented students and very cooperative and not kill joy" komento naman ni Jonald
Hindi namin namalayan at ala singko na pala, nag enjoy kami sa talent portion ng bawat isa sa amin. Nang matapos kami ay pinapunta kaming mga tourism student dito sa garden at para bang kami nalang ang hinihintay dahil ang ibang higher year at ibang block ay nandito na. Kasabay din naman namin si Jonald na maglakad papunta dito kaya hindi ako masyadong nag iingay.
"Jonald" napabagsak naman ang balikat ko ng makita ko si maam Reagan at tinawag nya si Jonald ng makita nya ito
silang dalawa ang professor na nandito ngayon
"Good afternoon students, kami ang hahawak sainyo para sa mangyayaring paligsahan sa pagpili nang muse at escort ng Tourism course" mahabang paliwanag ni maam Reagan sa amin
"And we were also the judge to choose who will be the most worthy to be a muse and escort in tourism course" sabi naman ni Jonald
"Lahat pwedeng sumali guys kaya wag kayong mahiya" nakangiting sabi ni maam Reagan
"Those students who wants to join the competition please dont hesitate to come here at the front. This is the line for the muse and this is the line for the escort"
unti unti na ngang nagsitayuan ang mga gustong sumali
"Hindi ka sasali sissy?" tanong sa akin nila Irish at Diane ng tumayo sila at pupunta na sana sa unahan
"Hindi" sagot ko naman
wala naman akong ipaglalaban dahil hindi naman ako maganda.
"Are you sure?" tanong pa ni Diane kaya tumango ako
wala naman silang nagawa kaya kibit balikat silang pumunta sa unahan. Wala naman kasi akong hilig sa mga ganito at kahit na sumali ako ay alam ko naman na hindi ako mananalo
"Those scholar of MU you are required to join every event here in MU" napatayo ako agad sa biglang sinabi ni maam Reagan
ay oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan, haaay buhay. Nakita ko naman ang lihim na pagngiti ni Jonald ng lumalakad na ako paunahan. Scholar nga pala ako dito, kasi naman ang mahal ng tuition fee at nakita ko ang babayaran ko kung hindi ako scholar ay two hundred fifty thousand pesos sa pitong subjects lang.
"Akala ko ba hindi ka sasali?" tanong naman ni Diane at si Irish ay tumango tango naman ng lumapit ako sa kanila
"Oo nga" segunda naman ni Irish
"Scholar no choice" kibit balikat kong sagot sa kanila
"Aah" sabay nilang sabi at nakinig na sa mga sinasabi nila maam Reagan at Jonald
"Please fill up this form and get one of this paper" si Jonald ang nagsalita, may mic na syang hawak dahil medyo nagkakagulo na dito sa unahan. Ginawa na nga namin ang instructions ng dalawa naming professor at sa papel na kinuha namin ay nakalagay ang schedule ng paligsahan.
Lahat ng nandito ay puro Tourism at mga piloto mula first year college hanggang higher year. At sa tingin ko 60% ang sumali sa paligsahan na ito
"Hi girls" lumapit sa amin sila Alex at Mike na kasama din si Von
"sumali din kayo?" tanong agad ni Irish sa mga ito
"Yes, actually every year sumasali kami" proud na sabi ni Alex sabay kindat kay Irish na syang ikinakilig ng bruha
"Tayo ang partner bhie" nag akbay naman si Mike kay Diane kaya agad syang nakatanggap ng malakas na siko sa tyan
"Dahan dahan at wag ka masyadong mabilis" natawa nalang kami sa naging reaksyon ni Diane sa ginawang pag akbay sa kanya ni Mike
"Ang harsh mo talaga sakin" paubo ubo pa nitong sabi habang hinihimas ang nasiko na tyan
Ginawa kasing by partner para mas mapabilis ang pagtapos ng kompetesyon dahil sa isang libo na sumali sa kurso lang namin na ito. Kami ang magdidisisyon kung sino ang gusto naming kapartner at kung wala ka naman mapili ay sila maam Reagan at Jonald nalang ang pipili sayo.
"Tara gala muna tayo" pag aya samin ni Von dahil pinauwi narin kami at next week pa magsisimula ang contest para makapaghanda kami sa kung anong kakailanganin namin.
Hindi narin naman ako tumutol kahit na alam kong delikado ang buhay ko dahil sa mga lalaking nakaitim noon, hindi ko ba alam kung natrauma na ba ako at kung ano ano na ang naiisip dahil sa mga sasakyang pakiramdam ko ay sinusundan ako.
At isa pa gusto ko na munang iwasan si Jonald hanggat maaari.