CHAPTER 9

1403 Words
NAIDA POV Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko ang palaging pagpunta dito ni Jonald sa bahay na halos dati naman ay once a week nya lang ginagawa iyon ay kung magdadala sya ng mga groceries pero minsan ay tumatambay na lang talaga sya dito dahil napapansin nya na bumibili narin naman ako kapag nakikita kong paubos na ang stock na mga pagkain. Napansin nya rin sigiro ang pag iwas ko pa sa kanya kaya gustong gusto nya ako makausap pero ako eto palaging may rason at ginagawa ko ang lahat para nga maiwasan ko talaga sya. Ngayong araw nga ay wala akong pasok pero may trabaho ako bilang yaya ni Twinkle, mabuti marin iyon dahil ilang araw ko ng hindi nakikita ang bata at miss na miss ko na sya. "Ate Naida" masayang salubong sa akin ni Twinkle at niyakap pa ako "Hello kulit kamusta ka?" tanong ko dito "okay lang naman po, namiss po kita ate Naida" sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila at nandoon si Tito Jack na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape "Good morning po sir" magalang na bati ko dito pagkalapit namin sa kanya. nakangiting tumingin sa akin si Tito Jack "Good morning iha, ano kamusta ang pasok mo?" Tanong nya sa akin "Okay naman ho sir, naninibago ng una pero nakaka adjust narin kahit papaano" sagot ko dito Hindi rin naman kasi biro ang maging estudyante, may ilan din namang professor na napaka istriktot istrikta, iyong iba ay pala tanong kaya dapat mag aral ka talaga, ang iba naman nakakatuwang pakinggan at kung ano pa. Samantalang ako ay ginagawa ko talaga ang lahat ng makakaya ko para maging mabuting estudyante at syempre ako ang pinakamatanda sa block namin kaya ako dapat ang manguna o makapagbigay ng impluwensya sa mga kapwa ko estudyante na paigihin ang pag aaral. Ayoko din kasi mawala ang scholarship ko kaya kayod kung kayod ako, kahit na mahirap ay kakayanin ko dahil hindi ko lang naman to gusto, eto din ang gusto ng pamilya ko at hindi ko hahayaang hindi ko maabot ang mga pangarap nila sa akin. "Pero po mas gusto ko po ikaw na maging yaya kesa kay Aling Ana, hindi nya ako masyado nilalaro po eh hindi po katulad mo ate Naida" naglalaro at nagkekwentuhan kami ni Twinkle ng mabanggit nya ang pumalit sa akin na mag alaga sa kanya pero kapag wala naman akong pasok ay itetext ko agad kay tito Jack para masabihan nya si Ate Ana na wag pumasok. "Ganun ba baka kasi pasaway ka naman don?" malambing kong tanong habang sinusuklayan ang barbie na hawak ko, naglalaro kasi kami ng doll house "Hindi po ate Naida, hindi nga po iyon masyado nagsasalita. Ayoko po sa kanya ate Naida" pagsumbong pa nito sa akin Napabuntong hininga naman ako sa sinabi sa akin ni Twinkle, kahit na gustuhin ko man na ako ang magbantay sa bata ay hindi naman pwede dahil nag aaral ako. "Kulit alam mo naman na nag aaral ako diba?" masuyong tanong ko dito at mahaba ang ngusong tumango tango si Twinkle "Hayaan mo bibisitahin kita minsan kung may free ako kahit na may klase si ate okay ba iyon?" mahaba habang pagsusuyo nga ang ginawa ko kay Twinkle para mabaling sa iba ang atensyon nya. Nakakatuwang isipin na nakagaanan narin nya ako ng loob kahit na kailan nya lang ako nakasama siguro dahil magkadugo kami kaya magaan talaga ang loob nya sa akin. Hay kung pwede ko lang sabihin sa kanila na buhay pa ako, na nakaligtas ako pero natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Ayokong sumbatan nila ako na bakit ako lang ang nakaligtas. Na bakit namatay sila tita at ang isa ko pang pamangkin. Na dahil sa akin-sa amin buhay pa sana sila ngayon. Naglalakad na ako palabas ng subdivision nila tito dahil tapos na ang trabaho ko ng may magbusina sa akin na sasakyan na syang nakapagbigay ng matinding takot sa akin, naalala ko naman ang mga nakaitim na lalaki noon at iyong pakiramdam ko na palaging may nakamasid sa akin at nakasunod sa akin. "Hey are you alright?" nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko at agad ding napayakap sa kanya ng makilala kung sino ito, hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa siguro dahil sa takot na naramdaman ko "Jonald huhu" may lumabas na luha sa aking mga mata, sobrang bilis din ang t***k ng puso ko "hey" agad nya naman akong inalo habang tinapik tapik ang likod ko Isang minuto din siguro akong nakayakap kay Jonald at ang sarap sa pakiramdam dahil alam kong ligtas ako dahil nandito sya, minsan narin nya akong niligtas sa bingit ng kamatayan. "I-ikaw lang p-pala yan" sabi ko sa kanya ng kumalma ako at lumayo ng konti sa kanya "Are you okay?" nag aalalang tanong nya sa akin Hindi na ako umalma ng pinasakay nya ako sa sasakyan nya kaya napapabuntong hininga nalang ako. Malaking epekto pa pala ang nangyari sa akin noon, pilit ko lang pinapatatag ang sarili ko at sinasabing okay na ako. Pero ang totoo hindi pa pala lalo na etong ibang nararamdaman ko na palaging may nakasunod sa akin *sigh Walang umimik sa amin habang nasa byahe, hindi ko rin alam kung paano nalaman ni Jonald kung nasaan ako dahil hindi ko naman na sya nakakausap nitong mga nakaraang araw. Habang nasa daan ay bumili si Jonald ng mga bulaklak at pumunta kami sa isang lugar Napasinghap ako ng mapagtanto kung saan kami pupunta at eto nanaman ang pakiramdam ko na pinaghalo halong sakit,lungkot, pagkamiss sa kanila at kung ano pa "I should brought you here long time ago" sa sinabi iyon ni Jonald ay napahagulhol na ako ng iyak, napalaluhod na ako at isa isang tiningnan ang mga puntod "m-ma" paluhod akong lumapit sa puntod ni mama Wala na akong pakialam kung anong itsura ko ngayon sa iyak "p-papa" patuloy parin ang iyak ko ng lumapit naman ako sa puntod ni papa "bunso" ang bata pa ng kapatid ko para mamatay! "waaah t-tita!" malakas ang iyak ko ng makalapit ako sa puntod ni tita "s-si T-twinkle po" dugtong ko at naalala si Twinkle napatingin ako sa katabing puntod ni tita "k-kung buhay ka pa sana edi sana may kalaro parin si Twinkle" sabi ko umiyak lang ako ng umiyak habang tinitingnan ang mga puntod, nasa sementeryo kami ngayon at nasa isang malaking bahay at dito nakahimlay ang mga mahal ko sa buhay, nakita ko naman si Jonald na nagsindi ng kandila, nakabukas narin ang ilaw dahil gabi narin. Nakita ko din ang pagpalit nya ng bulaklak sa bawat puntod at binuksan ang dala nyang pagkain, nang matapos sya ay umupo na lang sya at saka tumingin sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak "Bakit ako lang! Bakit ako lang ang nabuhay!" "Sana namatay nalang din ako!" Hikbi ko at pinapalo palo ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko "Bakit ang daya nyo! Hindi nyo ako sinama!" Sa ilang oras na pag iyak ko ay bigla nalang dumilim ang paligid at nagising ako umaga na. Dali dali akong bumangon na kahit masakit ang ulo ko ay papasok parin ako nang bumukas ang pinto "You dont need to attend your class today i already excuse you to all of your professor" si Jonald ang nagsalita "p-pero---" aligaga parin ako dahil masakit ang ulo at bagong gising "look at yourself in the mirror and tell me if you still want to go looking like that" pahayag ni Jonald kaya dali dali akong tumingin sa salamin *gasp Hindi ako makapaniwala sa itsura ko ngayon, magang maga ang mga mata ko at hindi nga ako pwedeng pumasok na ganito ang itsura "come down and we will eat" narinig ko pang sabi ni Jonald at umalis 'Ano Naids?' tanong ko sa aking sarili habang nakatungin sa salamin 'Kapag papasok ka pag uusapan ka naman dahil sa itsura ko at alam ko uusisain ka lalong lalo na sila Irish at Diane' pinagmasdan ko pa ang mukha sa salamin Para kasi akong may malaking black eye sa mata na para bang sinuntok ako dahil medyo maga pa nga ito 'Kung hindi ka naman papasok ay sigurado mag uusap kayo nyan ni Jonald na syang iniiwasan mo diba?' pagkakausap ko pa sa sarili ko Kung ano man ang piliin ko ay siguradong may mang uusisa at siguro oras narin para makapag usap kami ni Jonald.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD