MASIGLANG nagising si Adam kinabukasan. Kaagad siyang nagpush-up sa gelid ng kama. Pagkatapos ay naligo siya sa banyo at kasalukuyan siyang nagsasabon nang mapatay ang ilaw. Mabuti na lang at patuloy ang tubig sa shower. Tinapos niya na ang pagligo at nagsuot lang siya ng short at white shirt at lumabas na ng kuwarto. “Bakit walang ilaw?” agad niyang tanong kay Jhonson na kasalukuyang nagbubukas ng delata. “Naputol na ang connection pero inaayos na ni Tyler ang solar, bro.” Tugon ni Jhonson. “How about Rafael? has the new video been sent yet?” tanong muli ni Adam. Tumango si Jhonson. Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng kape. “Soledad is sick,” wika ni Jhonson. “And?” tamad na boses ni Adam. Napailing na lang si Jhonson at pinagpatuloy ang paghiwa ng sibuyas. Nagtungo si Adam sa

