DALAWANG LINGGO mula nang dumating ang medical team na inutos niya kay Don Rafael. Katulad ng sinabi ni Tyler ay ito na nga ang naging in-charge sa kanila. Hindi na niya nakakausap pa si Rafael maging si Soledad ay hindi na niya nakikita sa loob ng mansyon. Katulad ngayon narito na naman siya sa pangpang. May lima siyang tauhan na naka-stand-by sa dalampasigan at maya-maya lang ang pagtelescope kung sakaling may pinadala na naman si Rafael upang lusubin sila. “Boss, tahimik tayo sa mga araw na nakalipas. Mukhang nagtanda na talaga si Don Rafael. Ano ang plano n’yo ngayon?” lumapit sa kanya ang si Carl, ang in-chage naman dito sa pangpang. “Tuloy ang plano. Duda ako sa gurang na ‘yon, kapag ganitong tahimik ay tiyak na may masamang pinaplano na naman. Huwag tayo maging kampante, talasan

