bc

Contract Marriage: CEO's Sweet Love 2

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
family
HE
friends to lovers
powerful
boss
sweet
bxg
lighthearted
campus
office/work place
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Si Alondra Marquez, sa hindi malamang dahilan ay kahawig ng namayapang asawa ni Norman. Tinanggap ang alok ng lalaki at pumirma sa isang contract marriage sa ngalan ng pera.

Ngunit hindi inaasahan ni Alondra na mahuhulog ang loob niya kay Norman na tahasang sinasabi sa kanya na tanging ang namayapang asawa lamang ang kanyang mamahalin.

Makakayanan ba niya ang sakit na maging panakip butas siya at substitute sa isang babaeng matagal ng wala? Makakayanan ba niyang makipaglaban sa isang taong alam nila na kailanman ay hindi na babalik?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Alondra “I'm Norman Aldeguer and I would like to offer you a contracted marriage.” Hindi ko maintindihan kung bakit ako pinatawag ng aming manager kanina. Nananahimik ako habang naglilinis ng table na inalisan ng customer ng bigla akong papuntahin dito sa medyo tagong bahagi ng restaurant. May gusto daw kumausap sa akin. At heto, kaharap ko nga ang lalaki at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Kulang ang salitang gulat para idescribe ang nararamdaman ko. Sino ba namang siraulo ang bigla na lang mag-o-offer ng ganon sa isang taong hindi niya kilala? “Bakit ako, Mr. Aldeguer?” “Because you resemble my wife.” Natigilan ako. Seryoso? “Hindi kayo eksaktong magkamukha. May mga pagkakataon at anggulo na siya ang nakikita ko sayo.” Walang kagatol-gatol na tugon niya, parang hindi man lang niya naisip kung ano ang mararamdaman ko. “Contract marriage ito, pero indefinite ang term.” “Bakit indefinite?” “Magdedepende kung makakabuti ka ba o hindi sa sitwasyon ng anak ko.” Bigla akong naguluhan. Pero isang bagay ang pumasok sa isip ko. “Indefinite pero lumalabas na ikaw lang ang magdedecide kung kailan tatapusin? Paano naman ako? Parang pabor lang sayo.” “You will be well compensated.” Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ibang klase din naman talaga ang mga mayayaman, ang akala mo ay madadaan lahat sa pera. “I know this sounds absurd. But I am not doing this for myself. Mahalaga sa akin na maging maayos at masaya ang anak ko. Kung iniisip mo na lahat kayang bilhin ng pera, nagkakamali ka. Marami ako non pero I'm still here at kailangan ng tulong mo.” Bigla akong nahiya sa naisip ko tungkol sa kanya kanina lang. Ang seryoso ng kanyang mukha, halatang mabigat ang kalooban pero hindi ko maramdaman na para sa akin o dahil sa akin yon. Tumikhim muna ako bago nagtanong. “Ikakasal tayo ng totoo?” “Oo.” “Hindi mo man lang ako tinanong kung may asawa na ako.” “Alam kong wala at alam ko rin na kailangan mo ng pera.” Nagsalubong ang kilay ko. “Pinaimbestigahan mo ako?” “Gusto kong makasiguro na hindi mo sasaktan ang anak ko, na mabuting tao ang pakikisamahan ko. Knowing na mapagmahal ka sa pamilya, kahit papaano alam ko rin na hindi ka mananakit ng bata.” Nakakainis pa rin kahit na alam kong valid naman ang reason niya. Ang lalaking kaharap ko ay si Mr. Norman Aldeguer, ang CEO ng Aldeguer Group. Isang diversified company at kinikilala din siyang isa sa mga pinakamayaman sa bansa. Bakit ko alam? Regular customer siya ng restaurant na pinapasukan ko at siya lang naman ang bukambibig ng mga staff dito. Mayaman, matipuno at gwapo ba naman eh. Pangarap siya ng mga kababaihan at hindi namin alam na may asawa na pala siya. Ni minsan kasi ay wala pa siyang babae na sinama dito. Palagi lang siyang mag-isa. Pero kahit na regular siya dito, ni minsan ay wala siyang kinausap sa amin maliban na lang kung o-order na siya at magpapasalamat. At ang lalaking ito ay inaalok akong maging asawa para sa kapakanan ng kanyang anak. Unusual, yes. At ang buong akala ko ay sa pelikula lang nangyayari ang ganito. “Bakit kailangan na kahawig pa ng asawa mo? Hindi ba mas mahirap na makita mo ako?” “Don't get me wrong, Ms. Marquez. I love my wife so much and I don't think na may kagaya niya sa mundo. She's one of a kind.” “Kung mahal mo bakit kayo naghiwalay?” “Sinong may sabi sayo na naghiwalay kami?” Kung hindi sila naghiwalay, bakit- Nanlaki ang mga mata ko. “I don't need your pity, Ms. Marquez. Wala na talaga akong balak na mag-asawa pa, pero hindi ko rin pwedeng pagkaitan ang anak ko. Madalas akong wala sa bahay and I need someone na makakasama siya na iintindi, uunawa at magmamahal sa kanya.” Hindi na ako nakapagsalita. Wala akong alam sa kung ano ang nangyari kay Mrs. Aldeguer. Pero sa mga sinabi ng kaharap ko, siguro naman ay mabuti siyang tao. “Hindi ko rin itatanggi, ikaw ang dahilan kung bakit palagi akong nagpupunta dito.” That’s unexpected. So, anong ibig sabihin non? “Think about it, Ms. Marquez. When we get married it's going to be real. Pipirma ka ng prenuptial agreement pati na rin ng contract kung saan nakalagay ang mga matatanggap mo during our marriage. Gaya ng sinabi mo, I will be the one to decide kung kailan tayo maghihiwalay kaya bukod sa compensation, I will be taking care of your family's financial needs.” “Paano tayo? Ikaw na ang may sabi, magpapakasal tayo ng totoo.” “If you're talking about intimate wife's duty, wala kang dapat alalahanin. Hindi ako namumuwersa ng babae. Though I still have my needs, hindi sapat ‘yon para pwersahin ka..” Yaya lang naman pala ang hanap niya bakit kailangan pang magpakasal? “I want a woman na pwedeng ipakilala kong Mommy ni Rylie na aking anak, at hindi mangyayari yon kung hindi tayo magpapakasal.” Nagulat ako, nabasa ba niya ang iniisip ko? “Hindi ko gustong isipin ng anak ko na imoral ang mga magulang niya. I promise my wife na tuturuan ko siyang maging mabuting tao at may takot sa Diyos.” Kung sa bagay, pabor din naman sa akin ang magpakasal sa kanya. Malulutas ang problema ko financially. Ang problema lang, paano kung hindi ako magustuhan ng anak niya? “Pag-isipan mong mabuti, Ms. Marquez.” Dinukot niya ang wallet sa kanyang bulsa at kinuha ang isang calling card, nilapag sa lamesa at tinulak palapit sa akin. “Call me kung pumapayag ka.” Dinampot ko ang card at tinignan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang kilalang negosyante na si Mr. Aldeguer ay nasa harapan ko ngayon at inaalok ng isang contract marriage. Maaaring pabor sa akin ang offer na ito. Magiging asawa ako ng pinakamayamang lalaki sa bansa. Hindi naman ako mukhang pera, pero parang sampal naman sa akin ang prenuptial agreement. Parang sinasabi niya na pagtatangkaan kong angkinin ang pera niya. Huminga ako ng malalim at tumayo matapos kong ibulsa ang kanyang card. “Kung wala na kayong sasabihin ay babalik na ako sa aking trabaho.” Ilang segundo akong naghintay kung may sasabihin pa siya ngunit dahil nanatili siyang tahimik ay tuluyan ko na siyang iniwan. Nagbalik na ako sa trabaho at kita ko sa mukha ng mga kasamahan ko ang curiosity. Ang manager namin na siyang tumawag at nagpapunta sa akin sa table ni Mr. Aldeguer ay titig na titig din sa akin. Lumipas pa ang ilang saglit at tuluyan ng umalis ang lalaki. Doon lang ako tila nakahinga ng maluwag. Natapos ang shift ko at hanggang sa nagpaalam ako ay kakaiba pa rin ang tingin na natatanggap ko mula sa mga katrabaho ko. Pero kahit isa sa kanila ay wala namang naglakas ng loob na tanungin ako. Ang kaibigan at ka-close ko sa trabaho ay naka-off ngayon kaya naman nagpapasalamat ako at hindi ko kailangan na magkwento. Ewan ko na lang bukas. Pagdating sa bahay ay gusto ko sanang magpahinga. Nadatnan ko ang aking ina na naglilinis at dahil may sakit ito ay malamang na 10 years pa bago siya matapos. “Kumain ka na ba?” tanong niya matapos kong magmano. “Alam niyo naman na sa restaurant ako nagtatrabaho tapos tatanungin niyo pa ako.” “Gusto ko lang makasiguro na hindi mo pinapabayaan ang sarili mo.” Gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya. “Tapos ang sarili niyo ang pinapabayaan niyo?” balik kong tanong. “Hindi anak,” agad niyang sabi. “Bakit kayo naglilinis dyan? Hindi ba at sinabi ko ng hayaan niyo na ang mga kapatid ko ang gumawa niyan?” “Nag-aaral sila, gusto ko na makapagfocus sila doon.” Huminga ako ng malalim. May katwiran siya. Panganay ako sa amin tatlong magkakapatid. Ang sumunod sa akin ay babae at nasa 2nd year college na habang ang bunso naman ay lalaki na nasa grade 12. Ako ang kumakayod para sila makatapos, idagdag pa ang maintenance ni Mama sa kanyang highblood tapos may sakit pa sa puso na nito lang ay nagkaroon ng unang atake. Bayarin sa kuryente, tubig, pang-araw-araw na pangangailangan at higit sa lahat, bayad sa utang namin. Wala kaming kamalay malay na nangutang ang aming ama. Hanggang sa namatay siya at pinuntahan kami ng kanyang pinagkakautangan na naging dahilan ng unang atake nga ng aking ina. “Ang mabuti pa po ay magpahinga na kayo at ako na ang bahalang maglinis dyan.” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon at agad na inakay papunta sa kanyang silid. Hapon na at wala pa ang mga kapatid ko. Gusto kong makatapos sila pero dapat din silang matuto na magligpit ng kalat. Hindi naman siguro nila ikabobobo o ikabababa ng grades nila kung maglinis sila bago pumasok sa paaralan. Mabilis akong kumilos at ng makatapos ay sarili ko naman ang nilinisan ko. Nasa harap na ako ng salamin kaya hindi ko napigilan na pagmasdan ang aking sarili. “Walangya, kakaligo ko pa lang pero mukhang hagardo versoza pa rin ang looks ko,” pagkausap ko sa aking sarili. “Tapos inaalok pa ako ng kasal?” Napailing ako. Hindi kaya nananaginip lang ng gising si Mr. Aldeguer para masabi niyang may hawig ako sa namayapa niyang asawa? Naalala ko ang card na binigay niya sa akin kaya dali-dali kong kinuha ang hinubad kong pantalon at kinuha iyon sa bulsa. Tapos tinitigan kong mabuti. “Norman Aldeguer, CEO, Aldeguer Group of Companies” Napabuntong hininga ako at muling humarap sa salamin tsaka tinignan muli ang aking sarili. “Hay naku, Alondra! Mahirap ang papasukin mo, mabuti na yung magbanat ka ng buto at least alam mo na pinaghirapan mong kitain ang pera. Baka mamaya ay may kung anong sapi pala ang lalaki na yon no!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
27.0K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
44.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.1K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
100.2K
bc

The Forgotten Wife

read
42.9K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.8K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook