Chapter 30 Braze Hindi mapugto pugto ang ngiti ko sa labi habang naglalakad ako papasok sa mansion ni gan. Paniguradong sa mga oras na ito ay natagpuan na ng mga tao ang bangkay ni paul. Hmmm hindi ko naman siya pinatay dahil may ibang pumatay sakanya habang naglalaro kami. Flashback: "You rotten b***h!" Sigaw sa akin ni paul ng matagumpay niyang mahiwa ang hinalalaki niya, Masakit iyon dahil bakas na bakas na nakakainis na mukha ng lalaki. Pero ano bang pakialam ko sa nararamdaman niya? May pakialam ba siya sa akin noong sinaktan nila ako at binaboy?! May pakialam ba sila sa amin noong inambush nila ang sinasakyan namin at walang awa nilang pinatay ang handler at driver ko?! "Sisiguraduhin kong mapapatay kita pag nakatakas ako rito!" Galit na galit na sigaw ng lalaki pero imbes na

