CHAPTER 29

2437 Words

Chapter 29 Braze Inayos ko ang suot na sun glasses ng matanaw ko mula sa hindi kalayuan si Paul na kalalabas lang ng casino. Iritado ang mukha ng hayop...siguro ay natalo ito kaya ganiyan siya, Akala ko nga ay hindi na siya lalabas sa casino na iyan halos tatlong oras din akong nandito sa cafe na nasa tapat ng casino. Nakapark sa harap ng cafe na ito ang kotse ni gan na dinekwat ko lang, Hiniram ko lang dahil alam kong hindi ako papayagan ni gan kung sasabihin ko sakanya kung ano ang pakay ko. Gusto ko sanang sakyan yung motorbike niya kaya lang kasi nakadress ako at hindi bagay ang dress ko sa ganoong klase ng sasakyan. Napataas ang Isang kilay ko ng makita ang pagsakay ni paul sa isang itim na kotse kaya naman dali dali akong lumabas ng cafe at sumakay sa kulay pulang kotse ni gan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD