Chapter 1
Bukas na ang kasal nila ng kasintahang si Derick, sabi ng papa niya bawal daw muna silang magkita pero dahil namimiss na niya ang boyfriend, tumakas siya sa bahay nila gamit ang kotseng regalo ng papa niya, dumaan muna siya sa McDonald upang bumili ng fries na paborito ng kasintahan sinamahan na rin niya ito ng spaghetti at burger para sa kanya.
Alam niyang busy ang boyfriend para sa kasal nila bukas kaya naisip niya din itong dalawin upang kumustahin hindi sapat ang text at tawag upang matanggal ang pagkamiss niya dito ,halos isang linggo na din mula ng huli silang magkita dahil sa dami ng preparation na pinagkaabalahan nila.
Pagdating sa condo, dahan-dahan niyang pinindot ang passcode nito upang magbukas,bumungad sa kanya ang nagkalat na mga damit ng lalaki at babae ,may sapatos pang dahil ata sa sobrang pagmamadali ay tinapon na lang ng basta sa sofa , bigla siyang kinabahan pero sa isiping may tiwala siya sa kasintahan ay tinanggal niya iyon.
Subalit ang kabang pilit niyang inaalis ay hindi nawaglit dahil sa mga ungol na nanggagaling sa silid ng kasintahan, dahil bahagyang nakabukas ang silid marahil ay dahil hindi nailock sa pagmamadali , nakita niya ang nangyayari sa loob, si Derick na panay ang ulos sa babaeng hindi niya kilala habang panay ang ungol nito.
Nag-uunahang umalpas ang mga luha niya , bigla siyang nanlambot sa kinatatayuan dahilan upang malaglag ang mga pagkaing dala Niya na nakakuha ng atensyon ng dalawang nagtatalik.
Sinalubong niya ng tingin ang lalaking minahal niya sa loob ng apat na taon, pawis na pawis ito marahil ay dulot ng kalaswaang ginagawa, kung kanina'y nakapokus ang atensyon nito sa iba subalit ng makita siya'y bigla itong umalis sa kama upang lapitan siya.
"Babe", halos paos na tawag nito.
"Wag Kang lalapit sa akin Derick," humakbang ito ng Isa palapit sa kanya walang pakialam kahit nakabuyangyang ang p*********i nito sa harap niya.
"Bakit Derick,bakit mo ako niloko,ikakasal na tayo bukas diba?",hindi maiwasang tanong niya dito sa mahinang boses.
"Mahal Kita Savannah pero may pangangailangan din ako,at di mo naibibigay iyon , matagal na tayo pero hanggang halik lang ang kaya mong ibigay sa akin, si Abby andyan naibibigay niya ang pangangailangan ko."
"Putangina naman Derick, dahil lang sa s*x pinagpalit mo ang relasyon natin?Gago ka pala eh!"
Pilit pinatatag niya ang boses ,pinahid ang luha sabay sabing "You know what, magsama kayong dalawa, buti nga at natuklasan kong s*x lang pala ang katapat mo bago tayo ikasal, I'm going!, anyways the wedding is off Mr. Rosana, be happy now with your bitch."
Sabay ng pagtalikod ko'y siyang paglabas muli ng luhang mula kanina ko pa pinipigilan," lakad,lakad lang Savannah malapit na ang pintuan ,kaya mo to " ,pagkausap niya sa sarili.
"Babalik ka din sa akin Savannah, tandaan mo yan".
"Nagkakamali ka Derick, hanggang pangarap mo na lang ako simula ngayon," sagot niya dito ng hindi humaharap.
Paglabas ng pinto ay lakad-takbo ang ginawa niya upang makarating sa elevator . Pagdating sa kotse pinaharurot niya iyon hanggang sa kanilang mansyon.
Nagulat pa ang ama niya na nasa sala sa kanya, "Sav, anak saan ka galing?, Dumating na nga pala yung gown mo ,ipinalagay ko na sa mga katulong sa silid kasama ng iba mo pang susuotin bukas , teka ok ka lang ba anak ,bat parang umiiyak ka?"
"Dad, the wedding is off , wala ng mangyayaring kasal bukas, akyat lang po ako sa kwarto."
Pagdating sa silid doon ibinuhos ni Savannah ang nararamdaman, ngunit pagsapit ng gabi ay hinamig niya ang sarili , nagpalit siya ng itim na dress na hindi umabot hanggang sa kanyang tuhod, kitang kita sa salamin ang hubog ng kanyang katawan, pinaresan niya ito ng itim ding stilleto , at silver na alahas , mukha siyang aatend ng burol dahil sa kulay ng suot subalit wala siyang pakialam ang nasa isip lang niya ay ang maglasing ngayong gabi upang makalimot.
Hindi na siya nagmake up ,konting lip balm lang at talagang lumabas na ang kagandahan niya, hindi maikakailang anak siya ng dating miss universe.
Gamit ang kanyang kotse , nagdrive siya patungo sa bachelor's bar na pag aari ng kanyang kaibigang si suseth ."Dati kong inoorder , pakidagdagan ng pinakamatapang ninyong alak", sabi Niya sa bartender."Right away ma'am".
Nakakasampung bote na siya ng alak ngunit pakiramdam niya'y di pa rin siya makalimot , "bakit ba hindi ko malimutan ang lalaking iyon, leche, nandito ako para makalimot ,hindi para alalahanin pa ang tulad niya!"
Dulot ng alak, nagawa niyang sumabay sa maharot na tugtugin, giling dito ,giling doon,wala siyang pakialam kung ano ang maging tingin sa kanya ng nasa paligid
"The hell I care!" isip niya.
Nang makaramdam siya ng tawag ng kalikasan pagewang-gewang siyang nagtungo sa banyo.
"Ouch," daing niya ng may makabunggo siya , "watch where you are going,miss" anang baritonong tinig.
Nang iangat niya ang tingin ,nakasalubong ng mga mata niya ang pares ng asul na mga mata na parang bughaw na kalangitan, matangos na ilong, manipis at sobrang pulang labi, 'Greek God' , ani ng isip niya.
"Done checking me miss?", Sabi ng estranghero.
"Excuse me, I'm not checking you!" gwapo sana antipatiko naman, ingos niya.
Nilampasan niya ang estrangherong antipatiko. Pagkatapos umihi ay naghilamos siya ng mukha upang kahit paano ay mawala ang kalasingan ngunit sadyang naparami yata siya ng inom.
Tatahakin na sana niya ang daan palabas ng bar ng biglang may kumapit sa kanya at bumulong.
"Wanna have fun with me,babe?"
Tiningnan niya ang lalaki , "No thanks, I'd rather have fun myself"
"Pakipot ka lang ehh , halika na ,promise mag eenjoy ka."
"Bitawan mo nga ako," sabi niya dito sapagkat unti-unti siya nitong hinihila,inaantok na talaga siya kaya wala siyang panahon sa mga lalaking tulad nito.
"Pag sinabi ng babae na ayaw niya sayo , bitawan mo na",sabi ng baritonong tinig na pamilyar sa kanya .
"Bakit sino ka ba ha?"
"Wala ka na dun,humanap ka na lang ng iba " sabay kuha ng kamay ko sa lalaki at hinila ako palayo dito.
Dahil sa antok ay di niya namalayang nakatulog siya, naramdaman na lang niya na unti- unti siyang inihihiga sa malambot na kama.
Nang imulat niya ang mata ay mukha ng estranghero kanina ang kanyang nakita na nakatingin sa kanya.
"Ang gwapo niya talaga ,hihihi ang ganda Naman ng panaginip ko."
Sa pag aakalang panaginip lang ang lahat, namalayan niyang lumalapit unti - unti ang mukha niya sa lalaki upang halikan ang labing kanina pa niya pinagpapantasyahang halikan.
"Hmm, ang lambot ng labi niya,just what I expected"
"Miss, lasing ka lang ,baka pagsisihan mo bukas ang ginagawa mo," narinig niyang bulong ng estranghero sa panaginip niya matapos niyang pakawalan ang labi nito.
"Hihihi, ang sarap sa tenga ng boses niya"
Dahil sa hindi na niya kontrol ang sarili dahil sa alak na nainom, muli niyang inabot ang labi ng estranghero, ngayon ay mas mapusok ang halik na ibinigay niya dito hindi katulad ng nauna, maya-maya'y naramdaman niyang lumalaban na ng halik ang estranghero, habang unti-unti siyang hinuhubaran nito.
Masakit ang ulo niya ng magmulat kinabukasan, kinabahan siya ng maramdamang masakit ang p********e at upang kumpirmahin ang hinala nilingon niya ang kabilang panig ng kama.
Bumungad sa kanya ang lalaking nakatalikod at animo'y tulog na tulog sapagkat bahagya pa itong naghihilik.
"Ano ba itong ginawa ko, kaya pala parang totoo ang panaginip ko kagabi , fuckk , I need to get out of here", dahan dahan niyang isinuot ang mga damit na nagkalat sa sahig.
Hindi niya mahanap ang panty kaya hinila niya ng bahagya ang laylayan ng dress niya, hindi na niya isinuot ang sapatos sa takot na lumikha ito ng ingay at magising ang lalaking estranghero.
Pagdating sa baba ng building ay agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay nila.