Chapter 7

889 Words
Kinagabihan, niyaya siya ni Suseth na pumunta sa bar nito, hindi na siya nakatanggi dahil nagdrama ito sa kanyang madalang na niya itong bisitahin. After she took a bath, she chose a cute short that she paired with a bralette that has an overshirt. Isang 3-inch heels ang kanyang ipinampaa. Bitbit ang kanyang clutch bag na naglalaman ng kanyang importanteng gamit, dire-diretso siyang bumaba sa hagdan ng kanilang mansion. “Where are you going?”, the brute asked her habang pinapasadahan siya nito ng tingin. “Saan sa tingin mo?”, nakataas ang kilay na balik-tanong niya dito. “Tinatanong kita ng maayos Addy”, nakatiim-bagang na wika nito. “Alright fine, I’m going to club, happy now?,pwede na ba akong umalis?” “Wearing that?,kulang nalang makita ang kaluluwa mo” “Bakit ano bang mali sa suot ko ha?, alangan namang mag daster ako doon, and may I remind you BAR ang pupuntahan ko hindi simbahan,” pagalit na wika niya. “Magpalit ka Addy” “No!”, pagmamatigas niya “And besides sino ka ba para makialam sa suot ko ha?” “Your my responsibility, sa akin ka ibinilin ng Daddy mo, so just f*****g go to your room and change, or else…” “Or else what ha KUYA?”, pang-iinis niya dito Kitang-kita niya ang pag-iigting ng panga nito marahil ay dahil sa pagtitimpi.Akmang iirapan niya ito ng bigla nitong kinuyumos ng mapagparusang halik ang kanyang labi. Biglang nanlambot ang kanyang tuhod, kinailangan pa siya nitong kapitan sa bewang upang hindi siya tuluyang matumba. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla ng putulin nito ang halik. “Say that KUYA again at hindi lang halik ang ibibigay ko sayo, dadalhin kita sa kama ko, and you’’ll end up moaning my name while writhing in pleasure, now change, sasamahan kita”. Tila nahihipnotismong tumango lang siya, napakabilis ng t***k ng kanyang puso, tila nakikipagkarera ito. She end up wearing jeans and a crop-top that she paired with ankle boots. Pagbaba niya’y bahagya lang siyang pinasadahan ng tingin ng lalaki at bahagyang tumango, nakapagpalit na din ito ng damit, desidido talagang samahan siya. Sakay ng sasakyan nitong Jaguar na hindi niya alam kung kailan napunta sa kanilang garahe nagtungo sila sa bar na pag-aari ng kaibigan. “Don’t come near me when we are inside”, sabi niya sa lalaki ng nasa parking area na sila. “Bakit?, ayaw mo bang makita ng kaibigan mo na magkasama tayo?”, nakataas ang kilay na wika nito. “ Anong ibig mong sabihin ha?, balak mo ba talaga akong bantayan habang nasa loob, jeez this is my life, wag mo akong kontrolin”, naiiritang wika niya “Okay fine, I’m not going to push my luck on you, drink to your heart’s content, dance with your friend , sino nga ba naman ako diba,” he bitterly said to her pagkuwa’y hindi na ito umimik. Dire-diretso siyang pumasok ng bar at hindi na ito inantay. “Savvy, sa wakas dumating ka na,kanina pa ako nag-aantay”, sabay beso sa kanya ng kaibigan. “Sorry about that, medyo nagkaproblema lang kaya natagalan ako”,hinging-paumanhin niya “It’s ok , halika sa VIP room , nag-reserve na ako ng isa, andun na sila”. “Sinong sila?”, nagtatakang tanong niya “Oh sorry, I forgot , andito ang mga BRATS (tawag sa grupo ng mga kaibigan nila na binubuo ng limang babae kasama siya at tatlong kalalakihan). “So you mean pati siya andito?, tanong niya dito “Sorry Savvy, nagulat din ako , akala ko di siya dadating eh, nagchat kasi ako sa GC natin, eh diba di naman umaatend ng mga lakad natin yun , after well alam muna , kaya kampante ako, pero promise kung alam ko lang na dadating yun , sana di ko na lang sila sinama , sana puro girls na lang ang niyaya ko”, mahabang paliwanag nito, kitang-kita ang guilt sa mukha. “It’s ok, kaya ko namang maging civil sa kanya, atsaka hindi naman porke nagkahiwalay kami , eh hindi niyo na rin siya ituturing na kaibigan diba”. Iisa lang kasi ang circle of friends nila ni Derrick kaya siguro maayos ang naging samahan nila ng maging sila na dahil naging magkaibigan na muna sila nito before siya ligawan. Ipinakilala ito sa kanya ng pinsan nitong babae na kasama rin nila, kaya sila naging close. “Nasasaktan ka pa rin ba?,curious lang ako , syempre kaibigan kita Savvy at hindi ko nakitang umiyak ka pagkatapos ninyong maghiwalay”. Kung alam lang nito na dahil sa pagluluksa niya matapos niyang mahuli ang kataksilan ng kasintahan nawala ang iniiingatan niya pero hindi niya iyon kayang sabihin dito kahit pa nga sila ang sobrang close sa grupo nila. “Hmm oo , apektado pa rin ako ,pero hindi na katulad ng dati, syempre nagtagal kami, at yun ang unang beses na nahuli ko siyang niloloko ako kahit pa nga siya na mismo ang umamin na matagal ng may nangyayari sa kanila ng babae niya behind my back.. Masakit pero I choose to move-on.” “I’m happy for you girl, fighting, mare-realized din niya kung sino ang sinayang niya!”, pagchicheer nito “Halika na nga , ng mabati ko na din sila” Pagkatapos ay sabay na nilang tinungo ang VIP room. Hindi niya alam kung namamalikmata siya pero bago siya tuluyang pumasok sa kwarto ay lumingon siya sa counter. Nakaupo roon si Zach na matiim na nakatitig sa kanya at may hawak ng alak.Hindi na niya ito pinansin at tuloy-tuloy ng pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD