Pagkatapos kumain ay dumiretso sila ni Zach sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Nasa private room ang mga ito sa loob ng bar sa isla.Nagtatawanan ang mga ito ng madatnan nila, wala doon si Derick at Abby na kanyang ikinatuwa. Hindi niya kailangang magpanggap na ayos siya kapag nasa paligid ang mga ito.Ipinagpasalamat niya na hindi gaanong mugto ang kanyang mata , hindi na ito halata pagkatapos niyang maglagay ng light make-up kanina. “Savvy, you’re here!” masiglang bati sa kanya ng mga kaibigan.Samantala, nginitian naman ng mga ito si Zach na tumango lang. “Kausapin ko lang sila” paalam niya sa binata pagkatapos ay dumiretso sa mga kaibigang babae na nag-iniintay. “Zach pare, dito ka muna sa amin” anyaya naman sa binata ni Mon at Brix na nasa isang table nag-iinom. “Are you okay?” mahinan

