Chapter 9

1048 Words
Tinanghali siya ng gising kinaumagahan. Mugto ang kanyang mata marahil dahil sa pag-iyak niya ng nagdaang gabi. Dahil kumakalam na ang sikmura, diretso siyang nagtungo sa dining para maghanap ng makakain. Katulad kahapon ay may pagkain ulit na nakahain na roon , talagang pinangatawanan ng binata ang sinabi nitong siya ang magluluto tuwing umaga. Natuwa siya sa munting note na nakita kasama ng pagkain. “Enjoy eating , I’m off for work - Z”, Magana niyang kinain ang almusal. Pagkatapos maligo, naisipan niyang tawagan ang kaibigan gamit ang spare phone niya para tanungin kung nakuha nito ang kanyang clutch bag. Pagkatapos ng ilang ring , sinagot ng kaibigan ang kabilang linya. “Hello brat na may kapatid kunong sobrang yummy, bakit ka napatawag”, malanding bungad sa kanya ng kaibigan. “Nakuha mo ba yung clutch bag ko kagabi , nakalimutan ko eh, spare phone ko nga lang gamit ko ngayon buti nalang nakasave din number mo dito.” “Hay naku girl, di ba nasabi ni Papa Zach na nasa kanya na gamit mo?” Nangunot ang noo niya sa narinig “ Nakay Zach?, bakit nasa kanya?” “Ganito kasi girl , pagkatapos ng mala teleserye mong pag walk-out dahil sa bugok mong ex(err !! sorry for the term) nilapitan ako ni Papa Zach, kala ko nga hihingin na niya number ko , ibibigay ko na sana,hihihi ang hot talaga”tila binubudburan ng asin ang boses nito , kulang na lang tumili. “Tapos?” tanong niya dahil natigil ito sa pagkwento. “Tapos di naman pala, itinanong lang kung nasaan gamit mo, nakita atang di mo dala eh,tapos ayun tinuro ko, kinuha niya .Akala ko nga magkakagulo pa, pagkakuha niya kasi ng gamit mo , nakasalubong niya pa ex mo, nabangga ata siya palabas , juskoo girl kung nakita mo, kulang na lang suntukin niya. Ano nga palang nangyari sayo kagabi , nahabol ka ba ni Zach?”, tanong nito “Hindi, umuwi na ako sa bahay sakay ng taxi”, “Taxi?, wala ka bang sasakyang dala kagabi?” “Mahabang kwento , kwento ko na lang sayo next time”, sabi niya dito , ayaw ng idetalye ang nangyari, “Ok brat, basta pag kailangan mo ng kausap andito lang ako ok?, What are friends for di ba?,” “Yeah I know that brat, I promise babawi ako ng kwento sayo, bye I gotta go , call you next time”, “Take Care Sav”, “You too Suseth”, then she ended the call. Pagkatapos ng tawag sa kaibigan, naisipan niyang magtungo sa mall at mamasyal , doon na rin siguro siya kakain ng tanghalian tutal ay magsho-shopping din siya. Wearing her chanel peach poloshirt dress that she paired with her latest chanel gold-tone handbag and her killer heels , she’s off to the mall. Napapatingin ang ilan sa kanya habang siya’y naglalakad, bahagya pa nga siyang natawa sa isang binatilyo na nabangga sa salamin ng mall dahil sa kakatingin sa kanya. She’s walking confidently towards the boutique na paborito niyang puntahan ng mahagip ng paningin niya si Zach na kalalabas lang ng isang boutique habang inaalalayan ang isang babaeng hindi nalalayo ang tangkad sa kaya. Well she’s 5’9 so sa tantiya niya’y mga 5’6 ang babae. Nang mapatingin si Zach sa kanya ay inirapan niya lang ito at nagdire-diretso sa loob ng boutique.”Akala ba niya’y nasa opisina ang lalaki at nagtatrabaho, hindi naman siya nainform na babae na pala ang trabaho nito at mall ang opisina, tskk”. “Bakit naman niya sasabihin sayo , di ka naman niya girlfriend”, susog ng utak niya Dahil sa katotohanang iyon ay ipinag sawalang-bahala na lang niya ang nakita at ipinokus ang atensyon sa pamimili. Trenta minutos ang ginugol niya sa boutique na iyon, bumili siya ng mga bagong damit na pambahay, bumili rin siya ng mga bagong lingeries, hindi niya alam kung para saan pero dahil nagustuhan niya ang mga kulay ay binili na din niya iyon. Using her credit card na bigay ng Daddy niya , binayaran niya ang mga pinamili. Ayaw niyang galawin iyon pero dahil di pa niya nababawi ang kanyang clutch bag kung saan nakalagay ang lahat ng kanyang mga cards ay wala siyang choice kundi iyon ang gamitin . Paglabas ng boutique ay nagulat siyang naroon si Zach at tila may hinihintay, nakaupo ito sa isa sa mga upuang naroon. Akmang lalagpasan niya ito ng tawagin siya nito. “Hey Addy”, Gulat siyang nilingon ito hindi akalaing siya ang iniintay. “What?”, she asked him Hindi agad ito nagsalita nakatitig lang sa kanya na may tinging nananantiya kaya tinanong niya muli ito “Zach, what is it?, may kelangan ka ba?, may pupuntahan pa kasi ako” “Hmm, just wanted you to know na nandito lang ako dahil may kameeting ako kanina, natapunan kasi ng juice ang damit niya kaya sinamahan ko lang para bumili, kasalanan ko kasi kung bakit siya nabasa”,mahabang paliwanang nito. “And?”, nakakunot-noong tanong niya, naguguluhan kung bakit tila nagpapaliwanag sa girlfriend ang tono nito. “Wala naman, baka lang kasi mamis-interpret mo yung nakita mo kanina”, “Okay”, yun lang nasabi niya sa mahinang-boses, gulat pa rin dahil sa sinabi nito. “Sige, I gotta go, ingat ka sa pag-uwi Addy, see you later sa bahay”, then he swiftly kissed her on her cheeks, mabilis lang iyon kaya halos hindi niya naramdaman. Andon na naman ang puso niya sa mabilis na pagtibok niyon, tila magkaka-heart attack siya dagdagan pa ng tila mga paru-parong naglilikot sa kanyang tiyan. Paglingon niya’y likod na lang nito ang naabutan habang tinatahak nito ang daan palabas.Hindi na kasama ang babaeng nakita niya kanina. Doon pa lang siya nakabawi. “ Aba ang lalaking iyon, tila nawiwili sa kahahalik sa kanya, makakabawi rin siya dito”, naghihimutok na wika niya sa isip. “At paano mo babawian Savannah?, hahalikan mo din?, “ wika ng malanding konsensya niya. “Tsk, asa pa siya, subukan niya lang na halikan ako ulit, gagamitin ko talaga sa kanya ang natutunan ko mula sa taekwando class ko”. Sa isip niya’y naiinis siya sa ginawa ng lalaki pero may parte rin sa kanyang di niya maipaliwanag. Dahil sa kaiisip sa ginawa ng lalaki, hindi niya namalayang napadpad na siya sa harap ng paborito niyang fastfood chain, ang Jollibee. Dahil ginugutom na rin ay napagpasyahan niyang kumain. Pagkatapos kumain ay itinuloy niya ang pamamasyal at pamimili. Namili na rin siya ng groceries sa katabing supermarket ng mall para may mailuto siya mamaya.Dapit-hapon na ng umuwi siya ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD