Chapter 4

999 Words
"Dad, talaga bang 3 months kayong mawawala ni Tita Alicia?".Katatapos lang ng kasal ng dalawa at nagsabi ang mga itong gugugulin ang honeymoon sa Maldives pagkatapos ay lilibutin ang iba pang mga bansa na karatig niyon. "Darling, don't worry ok?, babalik din naman kami kaagad, gusto lang namin ng Tita mo na samantalahin ang bakasyong Ito lalo pa at madalang kami parehas magbakasyon", pag-aalo nito sa kanya. "Ok dad , I understand, basta mag-iingat kayo ha ?". "One more thing anak, baka magulat ka na next week pupunta dito si Zach ,sa kanya kita inihabilin ok ? Be good anak " "Daddy, ok lang na man sakin na mag-isa dito and besides kasama ko naman ang mga katulong, wag mo na siyang papuntahin dito daddy please!" "I forgot to tell you darling na kasabay naming aalis ang mga katulong , binigyan ko muna sila ng bakasyon na isang buwan , after a month pa sila babalik, driver lang ang naiwan , kaya kayo na ni Zach ang bahala dito, spend this time para makilala ninyo ang isat-isa , mabait si Zach savvy ,and I don't like you rolling eyes on him ,kala mo di ko napansin ha ? ,nung nasa restaurant tayo panay ang pambabara mo sa kanya" "Dad, I don't like him , he's such a brute , I don't like his presence, kaya Dad wag mo na siyang papuntahin dito ,I can stay with Suseth(her best friend) while you are away",tawad pa niya. "No savvy , my decision is final , gusto kong pagbalik namin ng Tita mo magkasundo na kayong dalawa , no more arguments ok?,you know me, I just wanted the best for you darling,and it will be the best sight for me Kung makikita kong magkasundo kayo ni Zach". "Okay dad, whatever" , labas sa ilong na sabi niya. "We're going, be good here anak " "Ingat dad, ingat tita Alicia ", sabay beso sa dalawa. Nang mapag-isa'y naisipan nalang ni Savannah na matulog maghapon tutal napuyat siya kahapon dahil sa kasal ng dad niya. Takipsilim na ng imulat niya ang mga mata, dali-dali siyang naligo at nagbihis.She decided to eat her dinner outside.Wearing a leather con body dress which has a leather top that captures those assets of her ,she confidently walked inside of the restaurant. While waiting for her order , she scanned the whole restaurant.She's inside a Japanese style restaurant since she is craving for Japanese food. Her forehead creased when she saw Zachary together with a woman who looks like a snake the way she almost hug the brute. At talaga nga namang Kay liit ng mundo nila ,dito pa talaga sila nagkita,mas lalo siyang napaismid ng mapansing sa malapit na table pumuwesto ang dalawa. Kung ilalarawan ang mukha ni Savanna ay maaring ilarawan Ito bilang isang bulkan na malapit Ng sumabog.Hindi Niya alam Kung bakit inis na inis siya na nakikitang kulang na lang maghalikan ang dalawa."Malanding lalaki", nanggigigil na sabi niya.At talagang iniisip ng Daddy niya na makakasundo niya Ito ,no way in hell na makikipag-usap siya dito ng maayos. "Nagseselos ka Lang," Sabi ng utak niya , "And why would I be, it's just a one night stand, " patuloy na pagkumbinsi Niya sa sarili para pagtakpan ang nararamdaman."Hindi ako nagseselos , kahit makipag threesome pa siya, hmmp malandi". Ibinuhos niya ang atensyon sa kanyang pagkain ng i-serve Ito, Hindi na niya pinansin ang dalawa.Pagkatapos kumain, dumiretso siya sa Isa sa mga bar sa BGC , binalak niyang uminom ng kaunti bago dumiretso ng bahay ,ayaw niyang pumunta muna sa bar ng kaibigan , paniguradong maalala Lang niya ang katangahan niya nung gabing iyon. "Lemon Martinis", she said to the bartender. "Right away ma'am, alone?" "Yeah,", pinapanuod niya Ito habang busy sa paghalo ng alak niya. Matapos ang ilang shots ng alak , napgpasyahan niyang sumayaw. Hindi pa siya ganoong nagtatagal sa dancefloor ng mapansing niyang may sumasayaw sa gilid niya. "Hey there gorgeous," the brunette guy whisper her. "Hi",she replied back in flat tone. "Alone?, Up for fun?" "Playboy" , Savannah thought in her head , this kind of person is what she hated the most , her ex kind. "No, just wanna dance" "Hmm ok" , pagkuwa'y umalis ito sa tabi niya. Nang mapagod ay napagpasyahan niyang umuwi na, palabas na siya ng mabunggo ng isang babae ,nabuhusan pa Ng alak ang suot niyang dress. "What the hell, look what you've done , watch were you are going miss", mataray na Sabi nito sa kanya. Mula sa pagkakayuko ,iniangat niya ang tingin upang makita ang babae, at kapag siniswerte ka nga Naman , ang babaeng nakabunggo sa kanya ang babaeng kasama ng bruhong lalaki kanina. Itinaas niya ang kilay at pinasadahan Ito ng tingin " It's your fault missy , look at my dress , it's ruined because of that drinks of yours, say sorry ", she demanded "And why would I?", hirit nito "You don't know me?",dagdag pa ng maarteng babae "No, Kung artista ka man , di talaga Kita makikilala , I don't watch television, I'm more into modelling,and besides I doubt it , Wala naman sa mukha mong papasa Kang artista , baka clown sa perya pwede pa ", pang-aasar niya dito. "You!" Akmang susugurin siya nito ng dumating si Zachary na pakiwari niya'y galing restroom base sa daang tinahak nito. "Anne , what's going on here", the person who own that low baritone voice spoke. "Baby Zach, look , she don't know me , at sabi niya mukha daw akong clown sa perya", maarteng wika nito na pinalambing pa ang boses , "Nakakasuka ", isip niya .Naghanap pa talaga ng kakampi. Hindi na niya inantay na magsalita ang lalaki na mukhang nagulat ng makitang siya ang nang-inis sa date nitong mukhang clown.Dali-dali na siyang lumabas ng bar. "Savanna wait", narinig niyang tawag ng lalaki. Mas binilisan niya ang paglalakad ,Ng marating ang sasakyan , pinaharurot niya iyon paalis sa lugar na iyon. "So much for a day!", wika niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD