WILMA Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili. Nagpaikot-ikot pa ako sa salamin para makita kung bagay ang puting bikini sa akin. Hindi ako kaputian pero maganda ang hubog ng katawan ko at matangkad din ako. Mabibilog ang mga dibdib at balakang. Nang masiyahan ako ay saka ako lumabas ng cottage ko. Ibinalabal ko ang puting see through cover sa baywang ko. Alam ko, nakita ko sa mga mata ni Felix ang bahagyang paghanga nito nang makita ako. Nakatitig ito sa akin habang papalapit ako sa grupo. May catering services na hired ni Betsy kaya't sagana sa pagkain sa mesa. May dalawang waiters din na nakaposte sa bawa

