WILMA Nagkayayaan kaming magkakaklase na mag-outing sa beach dahil katatapos lang din ng exams namin at kahit paano ay nakapasa kami. Tanggal na rin ang grounds ni Papa dahil pumasa ako sa exams ko kaya double celebration iyon para sa akin. Friday noon kaya pwede kaming maglibang hanggang Sunday. Ilan lang sa amin ang walang dalang kapares. Kasama namin sina Betsy at ang boyfriend niyang basketbolista ng university namin na dx na niya ngayon; ang kambal na sina Jenny at Perry na single din noon; si Erika at ang boyfriend niya rin that time; at si Gari na male hunting ang trip noon sa beach. Syempre hindi mawawala sina Elaine at Felix. Nakaplano na lahat noon nang sumama ang paki

