Devonne Pagkababa ko pa lamang ng van, agad kong naamoy ang sariwang hangin ng probinsya. ’yung tipong amoy damo, lupa, at konting usok mula sa mga nagluluto sa kalan de uling. Nakapapanibago lang kasi ilang buwan na rin kasi mula nang huli akong umuwi sa aming Villa Tauson, ang lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. Kinilig ako ngayong nasa harap ko na ulit ang pamilyar na daan papuntang villa namin, parang gusto ko ng tumakbo kahit malayo pa ang kinatatayuan ng Villa rito sa parking lot namin. “Finally,” I whispered. Ramdam ang pagsikip ng dibdib ko puno ng excitement. “Kuya Rody, ako na lang po rito. Iyong paper bag na lang po ang iyo,” wika ko ng pareho n'yang bitbitin sana ang mga bagahe ko. “Ayos lang po, Ate Devonne,” aniya sabay hinawakan ang maleta ko ngunit nauhan ko nat

