Devonne Pagkatapos ng mahabang usapan namin ni Daddy. Sa veranda ako nagtungo para makalanghap ng hangin. Pero bago pa man ako makalayo, biglang may sumulpot na pamilyar na mukha. Si Manang Charo na tila kinikilig pa sa tuwa dahil nakita niya ako. Kasama niya si Kuya Rody, siya siguro ang nagsabi sa Manang, na dumating na ako kaya magkasama sila sumulpot sa harapan ko. Si Manang Charo ang pinakamatagal naming kasambahay kaya siya ang mayordoma rito sa Villa Tauson. Si Kuya Rody naman matagal ng driver ng daddy ko. Limang taon pa lamang ako, siya na ang driver ni daddy. Magkapatid sila ni Manang Charo, matanda si Manang sa Kuya Rody. “Ate Devonne. Ang ganda-ganda mo naman, anak,” bungad ng Manang Charo, kita ang genuine niyang saya. Napangiti ako namiss ko ito kapag tinatawag niya akong

