Devonne Kinabukasan maaga akong nagising dahil maglilinis ako ng condo unit ko. Kagabi pa ako nagplano nito bago ako matulog gusto ko mag-general cleaning sa aking condo unit. Mayroon naman naglilinis kapag sabado pero gusto ko lang talaga maglinis ngayon. Para bang biglang sipag ko ngayon. Kahit nga ako namamangha rin sa aking sarili. Kasi kapag bakasyon, pinaka maaga kong gising alas-nueve na ng umaga. Pero ngayon alas-siyete pa ng umaga gising na ako. Pagbangon ko galing sa kama. Unang sinilip ko ang phone ko. Napangiti ako ng makita ang maagang chat ni Ibarra. “Good morning, beautiful. Patungo na ako ngayon sa office. Kumain ng almusal ‘wag magpagutom.” Kinilig ako. Nag-reply ako baka mabasa niya kapag hindi siya busy. Ako: Good morning pogi. Kagigising ko lang at yes! Kakain ko

