Devonne “Devonne…!!” malakas na tili ni Sofia pag-accept ko ng tawag niya. Tulog na tulog ako alas-diyes na pala ng umaga tinatamad pa akong dumilat ng mata ko kung hindi lang sa video call ng kapatid ko. “Tulog ka pa? Grabe naman ‘yan sis pinuyat ka na ni Sir Ibarra bakit alas-diyes na ngayon masarap pa ang tulog mo?” “Bakasyon ngayon kaya bumawi ako,” tugon ko sabay naningkit ang aking mata dahil tumingin ito sa paligid ko parang mayroon hinahanap. “Wala si Ibarra kung hinahanap mo,” saad ko sa kaniya kinahalakhak niya. “Akala ko kasi napuyat ka sa alam mo na kaya tinanghali ka ng gising,” “Hindi ah. Nagbawi lang talaga ako ng tulog kasi nga bakasyon,” saglit akong tumigil dahil ako naman ang mayroon hinahanap. “Nasaan pala si Vienne?” “Tulog pa hind ko na lang ginising baka may t

