Devonne
Kinabukasan parang walang nangyaring away sa pagitan namin ni Sir Ibarra, dahil sa kotse nitong winasak ko ang salamin.
Parang hindi ako umiyak sa harapan ni Andrei kahapon. Dahil na reveal sa kanya na mahal ko si Sir Ibarra. Aside kay Sofia. Wala akong pinagsasabihan at kung hindi nga lang nahulaan ni Andrei. Wala rin naman akong balak na sabihin iyon sa kaniya.
Trusted friend naman si Andrei, kaya okay lang na i-kwento ko ang sobrang pagkagusto ko sa professor na ubod ng yabang at arogante.
Maaga akong pumasok dahil papasok na rin si Sofia, sobrang na miss ko na rin ang kaibigan kong iyon, kaya dumating ako ng campus six fifteen pa lang ng umaga hindi pa gaanong matao.
Ayaw ko naman magtambay sa waiting shed dahil maingay ang iilan na dumadaan ng mga estudyante. Gusto ko ng tahimik na lugar. Kagabi pa ako malungkot pagkatapos naming umuwi ni Andrei at ihatid sa condo unit ko. Tahimik akong umiyak. Mahirap din kung tutuusin ang solo flight sa condo. No choice nga lang dahil wala na akong Ina. Kailangan maging matatag dahil kawawa naman si daddy kung magpasaway pa ako sa kaniya.
Nag-iisip nga ako ng paraan paano ko makakalimutan si Sir Ibarra. Ngunit inabot na ako ng hatinggabi wala akong mahagilap na solusyon.
Ayaw ko naman gamitin si Andrei kahit willing ang kaibigan kong iyon maging fake boyfriend ko. Lalo na alam ko may damdamin si Andrei sa akin. Hindi ko iyon gagawin pareho kaming talo, sa bandang huli maaari din masaktan ko si Andrei. Panigurado iyon dahil lantad naman sinasabi ni Andrei, na mahal niya pa rin ako.
“Devonne!” napalingon ako dumating na si Andrei.
Sinamaan ko ng tingin hindi pa inalok umupo na sa tabi ko inakbayan ako.
“Oh? Maaga?” saad ko sabay taas kilay pa.
“Bawal ba?” nagpapa cute na sagot nito sa akin.
“Walang bawal nasa malaya tayong bansa.”
“Good!” maikli nitong sagot.
“Matinong tanong, Andrei. Bakit ang aga ng pasok mo?”
“Maaga naman talaga kapag araw ng biyernes ang pasok ko. Palibhasa may crush ka na, kaya hindi mo na alam ang tungkol sa akin,”
“Sira, hindi ganun. Ikaw kung ano ang iniisip. Kasi ngayon lang naman din kita nakita so ngayon ko lang din alam.”
“Minsan kasi dalawin mo ako sa building." Sinaman ko siya ng tingin. "Bakit agad sasama ang tingin hindi pa naman ako tapos mag-usap. Dalawin mo naman minsan si, poging Andre, bilang kaibigan,” ngisi nito sayang-saya dahil nabuska niya ako.
“H'wag na oi! Baka mamaya niyang umasa ka pa, ayaw ko naman makita nasasaktan ang kaibigan ko dahil binasted kita.”
“Grabe ka, Ms. Tauson. Ang sakit noon ah! Hindi man lang naisip na matagal ko na siyang mahal,” wika nito umarte pa nasaktan nakahawak sa dibdib niya.
“Tara matagal pa naman seven AM. Breakfast muna tayo sa canteen,” sabay tumayo.
Napanunguso ako. “Hmm, total ginawa kitang tagapakinig kahapon sa pagsintang pururot ko. Sige mag-almusal muna at ako ang magbabayad. Let's go,” ani ko at tumayo na rin sabay yumakap sa braso ni Andrei.
Nag-umpisa kaming lumakad.
Ngumiti at bumulong sa akin si Andrei. “Kapag ako biglang nasuntok dito pananagutan mo ako, Ms. Devonne,” aniya nagbibiro.
“Sino naman gagawa noon sa ‘yo?” ismid ko pa sa kanya.
“Aba malay mo meron sa tabi-tabi. Halimbawa ang professor mo, baka lang nand'yan lang nakasunod sa atin. Naku sinasabi ko sa 'yo Devonne. Ayaw kong mabangasan ang guwapo kong mukha,” sagot pa ni Andrei, sabay lingon sa likuran niya.
“Ang arte. Bilisan mo na lang para hindi tayo abutin ng time,”
Binitiwan ko rin si Andrei, ngunit hinawakan ko siya sa kamay upang hilahin.
Pagdating sa canteen. Si Andrei ang umorder. Hindi naman matao kaya mabilis itong nakabalik sa akin.
Nasa phone ko ang atensyon ko dahil nag-text si Daddy. May balita na raw sa kapatid ko malapit na raw namin makita.
Kaya nakangiti na lang ako sa phone nakatitig sa labis na saya at iyon pa ang naabutan ni Andrei.
“Sino ang ka text mo?”
“Si Daddy. Andrei! Ang saya nakita na raw ang bunso naming kapatid. Akalain mo iyon mabubuo na kami,” nakangiti kong kwento kay Andrei.
“Happy for you. Alam ko kasi matagal mo na iyan pinagdarasal,”
Tinawag si Andrei ng tagagawa ng coffee dahil tapos na ang order niya. Iniwan muna ako upang kunin iyon ni Andrei. Napunta ang atensyon ko sa pinto ng canteen may iilan na pumasok at kasama na ang iniiwasan ko na si Sir Ibarra.
Parang may sapi ulit hindi maipinta ang mukha ng professor ko na kararating lang.
Ganito nga siguro kapag gurang na. I wonder kung tigang na ito bakit laging mainit ang ulo.
Mahinang humalakhak si Andrei nakarating na pala sa harapan ko ng hindi ko napansin.
“Ikaw talaga kababae mong tao alam mo mga ganiyan,”
Narinig pa talaga nito napaka linaw ng tainga.
“Sus? New generation na ngayon, Andrei. Mapagi-iwanan ka kapag wala kang alam sa mga trending ngayon.”
“Oo na lang para matapos. Kain na tayo, mamaya ka na mag-imagine sa Sir, mo. Kung iniisip ka rin ba niya,” sabi nito sabay bumunghalit ng tawa dahil natigilan ako.
“Mapanakit ka,”
“Aba Ms. Devonne, real talk lang ako. Malay mo mauntog ka na dahil tinamaan ka,”
“Awat na po. Sakit na sakit na sa dibdib. Kumain na lang tayo,”
Natahimik lang kami ni Andrei ng umpisa na kaming kumain. Dumaan sa table namin si Sir Ibarra, hindi ko nga lang pinagkakaabalahan pansinin. Dedma lang para siyang hindi nakikita.
Pisti talaga itong si Andrei, sarap pitikin sa itlog eh. Nang makalayo kasi si Sir Ibarra. Tinadyakan ang paa ko umaalog ang balikat. Ewan kong saan ba ito natatawa sabunutan ko na ito mahalata kami nito ni Sir Ibarra, sa ginagawa niya.
“Parang totoo naka move-on na ah. Nice proud ako sa 'yo ngayon promise,” sabi nito na kina halakhak ko.
Lentek talaga. Hindi tuloy matapos tapos ang pagkain namin ng almusal dahil kanina pa panay joke ni Andrei. Talaga gusto lang nito inisin si Sir Ibarra. Sabi-sabi kanina, takot siyang masapak ni Sir. Eh, siya naman ang gumagawa ng dahilan para masapak. Bahala siya kita ko pa naman sa sulok ng aking mata. Parang gusto siyang sunugin ni Sir Ibarra, sa mga tingin nito.
Maaga pa rin talaga nang makatapos kami ni Andrei, mag-almusal. Quarter to seven pa. Maari na rin naman akong pumasok sa classroom namin doon ko na lang naisip antayin si Sofia.
“Lakad na Andrei, kanina ka pa nagsasabi late ka na pero hindi ka pa rin lumalayas,”
Kakamot-kamot sa buhok nito.
“Gusto lang kitang pasalamatan dahil ngayon lang ulit kita na kasamang mag-almusal simula ng mag-shift ka ng course.”
“Akala ko kung ano na. Ba-bye na Andrei, mas malapit ako kaya mauna ka na lumakad,”
“Yes my friend,” may halong biro na sagot nito sa akin.
Natawa na lang ako at sandali ko pa siya inihatid ng tanaw bago ako lumakad patungo sa classroom namin.
Unti-unti ng nagdadatingan mga estudyante ng accounting department. Dahil kumain kami ni Andrei. Naisip ko muna dumaan sa powder room upang magsipilyo. Mamaya may naiwan pa sa ngipin ko ng kinain kong spaghetti.
Imbis na deresto ako sa classroom. Powder room muna ako pumunta. Ako lang ang tao. Kaya mabilis kong naisagawa ang pakay ko. Nag-CR pa nga ako para hindi na ako lalabas mamaya.
Nakasanayan ko na talaga magdala ng toothbrush sa bag. Hindi ko iyon inaalis sa bag ko maging toothpaste rin. Nagsuklay pa ako sinipat ang sarili sa salamin. Nang makita ko ayos naman aking sarili. Nagpasya na akong lumabas ng CR para lang magulat sa lalaking sumulpot sa aking harapan at sapilitan akong hinila pabalik ulit sa CR.
Nag protesta ako.
“Sir bitiwan mo ako papasok na ako,” pakiusap ko sa kaniya ngunit nag mistula lang bingi si Sir Ibarra. Ni locked pa ang pinto ng powder room at pininid ang likuran ko sa pinto.
Ikinulong ako sa magkabila niyang braso madilim ang mukha nito.
“Ano bang ginagawa mo Sir Ibarra?! Palabasin mo na ako rito, sisigaw ako,”
“Really?” naghahamon niyang sabi.
“S-Sir Ibarra,” nataranta kong sabi dahil diniin n'ya ang kanya sa akin. Hindi ako makagalaw dahil ang ulo ko nasa gitna ng magkabila niyang braso.
“Hanggang almusal kasama mo pa iyong Totoy na iyon?!” nagtagis ang bagang na tanong sa akin.
“Magkasama rin ba kayo magdamag huh?!” matigas ang tinig nito.
Galit ang mata madilim ang mukha ni Sir Ibarra.
“Ano!? Sira na na ang ulo mo Sir? Bitiw!”
“Oo, pakakawalan kita pero pagkatapos nito,” sabi nito at mabilis na hinila ang batok ko sinibasib ng halik ang labi ko.
Dahil nabigla ako ng una niyang pananalakay sa labi ko. Hindi ako naka tanggi. Ngayon na bumalik na ako sa huwisyo pilit ko siyang tinutulak. Ngunit kinakagat lang ang labi ko parang sinasabi niya, na huwag akong komontra dahil bawat pagtutol ko. Paparusahn niya ako ng malupit na magugustuhan ko.