Devonne
Biglang nabahag ang buntot ko nang itigil ni Sir Ibarra, ang kotse nito hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Mga limang hakbang sa kinatatayuan namin ni Andrei ganun ang tantiya ko.
Napalunok ako ng bumaba sa kotse si Sir Ibarra, parang kasing itim ng ulap na may masamang panahon ang hitsura sa dilim ng mukha nito.
Si Andrei, nakita kong napangiwi bagamat hindi makikita ang takot nito para kay Sir Ibarra, ngunit nakikita ko slight nag-aalala si Andrei.
“Wasak ang salamin,” sabi ni Andrei napakamot din ito sa kilay niya.
Umayos ako ng tayo at ipinakita matapang ako dahil kagagawan naman ng hambog na si Sir Ibarra kaya nagawa ko iyon.
Paano kung nahagip niya kami ni Andrei, sa galit niya sa kalsada. Hindi ko mapalalampas iyon lalo na't wala kaming ginagawang masama ni Andrei. Kung mayroon siyang pinagdadaanan na problema. H'wag niya kami idamay. Pisti siya nakakairita na ang ginagawa niya.
“Si, Sir Montanez, pala,” mahinang sabi ni Andrei, nakatingin kay Sir Ibarra na sobra ang pagkunot ng noo.
Tumango ako hindi lang ako umimik. Ngunit naghalo ang takot at galit sa dibdib ko para sa professor ko dahil kasalanan ko rin binato ko ang kotse niya.
Napaka isip bata naman ng inasta nito kanina. Sa totoo lang bigla lang sumulpot. Akala ko nga umuwi na ito kasi kanina pa naman wala hawak na subject ang binatang professor.
Ano pa ang pinagpuputok ng butse nitong professor namin, na pinaglihi ng sama ng loob. Gago talaga. Akala ko ba wala siyang pakialam sa akin. Ngunit itong ipinakikita niyang ugali parang isang binata na lihim nagseselos.
“Pasensya na Devonne. Dapat talaga hindi tayo nagbibiruan sa daan baka nakaharang tayo,” sabi pa ni Andrei na halatang guilty.
Umiling ako. “Hindi ah! Bandang gilid pa naman tayo,” laban ko na totoo naman talaga.
“Tara lapitan natin, Devonne. Manghingi tayo ng sorry kay, Sir Montanez,” sabi pa ni Andrei.
“Naku hindi na, Andrei. Hayaan natin siya kung gusto niya siya ang pupunta rito dahil siya ang may kasalanan hindi tayo. Hindi ko rin kasalanan na binato ko ang kotse niya. Pinakita ko lang na hindi lahat kaya n'yang sindakin.
Kung alam lang niya kung gaano ko kamahal si Sir Ibarra, baka pagtawanan ako ni Andrei.
Kasi nga good catch si Andrei. Mayaman din ang pamilya nito, kaya nga maraming babaeng gustong mapansin nito. Sadyang hindi lang pinapansin ni Andrei. Ngunit sabi naman tanggap niyang hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya.
“Lapitan natin bago pa siya ang pumunta rito. Ayan na nga, Devonne. Parang gusto ni Sir Montanez, manakal ng tao sa galit na nagbabadya sa mata nito.”
Ngumisi ako. “Akong bahala sa ‘yo. Sagot kita r’yan sa professor namin mata lang niya ang walang latay.”
“Parang mali yata, Devonne. Kasi baka tayo ang bigyan ng latay tingnan mo, basag na basag ang salamin sa likuran,” anang Andrei.
“Kaya naman natin ‘yan bayaran. Hati tayo ano payag ka? Kung ayaw mo naman. Sagot ko na lang, hihingi ako ng datong kay, Daddy,” wika ko ng pabiro. Napangiti na lang ito kaya pansin ko ng bigla kong pagpaling ng tingin kay Sir Ibarra, umigting ang panga nito.
Nakalapit na si Sir Ibarra, bigla akong nilukuban ng takot dahil sa panga nito naggagalawan.
Wala sa isip napahawak ako sa braso ni Andrei na inasar ako ng binata.
“Kanina ang lakas ng loob huh? Ngayon mukhang umurong ang maliit na dalaga,” tudyo nito sa akin.
“Nakita mo naman parang sasakmalin ako ni Sir Ibarra sa tingin nito. Itago mo ako Andrei,” wika ko kinahalakhak nito.
Anong nakatatawa sa sinabi ko? Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako natatakot ako sa galit ni Sir Ibarra ngayon sa amin nakatingin.
“Sabi ko naman sa ‘yo sibat na tayo inantay pa natin maabutan tayo. Paktay na tayo Andrei. Ako lang pala dahil ako ang bumasag sa salamin ng kotse niya," bumungisngis ko pa pero ang totoo takot na ako.
“Ako ang bahala sa ‘yo,” saad ni Andrei na kinasalubong naman ng kilay ko.
Sandali anong naiisip nitong kalokohan mukhang may pilyong naglalaro sa ngisi ng labi nito.
Pabiro kong siniko. “Ayusin mo lang Andrei! Ipakukulam talaga kita, I swear, kapag nalagay ako sa alanganin.”
“Hindi iyan basta sunod ka lang sa agos,” wika nito kinindatan ako kaya inirapan ko.
“Ano bang problema mo ha?!” iyon agad ang bungad ni Sir Ibarra, pagdating sa harapan namin hindi ma drawing ang mukha nito.
“Tika lang po, Sir Ibarra, ha? Parang baliktad yata. Kami dapat ng boyfriend ko ang nagtatanong niyan sa ‘yo, hindi ikaw. Muntik mo lang naman kami sagasaan ah!"
“Boyfriend mo?” tanong nito na parang domoble ang galit sa mata nito. Nagsalubong ang kilay para bang nagkaroon ng panibago siyang problema.
“Malinaw po ang pagkakasabi ko, Sir?"
“So, mag-boyfriend kayo, at dito kayo sa daanan ng sasakyan naglalampungan,” may galit sa boses nito.
“Bakit nakita mo po ba, Sir Ibarra, naghahalikan kami? Nakita mo rin ba nagma-make-out kami, sa open area na ‘to? Diba wala? Kung makabintang ka akala mo kung sinong santo na matino—”
“Paano ang atraso n'yo ng ‘boyfriend’ mo sa nabasag kong kotse?”
“Bagay lang sa iyo dahil muntik mo na kami sagasaan. Kulang pa nga iyan buti wala akong armalite. Kun'di pasasabugin ko iyang kotse mo at ng malusaw rin ang kayabangan mo.”
Sumingit sa upasan si Andrei.
“Sir Montanez. Ipaaayos na lang po ang salamin na nabasag pasensya na po kasi nabigla lang ang girlfriend ko,”
“Hindi ikaw ang may atraso sa akin. Itong war freak mong girlfriend. Kaya ‘wag kang sumabat sa usapan ng may usapan,” malamig ang boses na sabi ni Sir Ibarra kay Andrei.
Napangisi si Andrei alam kong napahiya ito kay Sir Ibarra. Hindi lang maka porma dahil nga iginagalang nito bilang professor.
Tumikhim ako hindi ko nagustuhan ang ugaling ipinakita ni Sir Ibarra, kay Andrei.
“Tayo na Andrei, hindi matatapos ang usapan kapag galit ang kausap mo.”
“Dalhin mo na lang po, Sir Ibarra, sa pagawaan at ibigay na lang po ang resibo sa akin sa pagpapagawa mo at babayaran ko lahat,”
“Hindi pwede ako lang ang magpagawa niyan at hindi ka kasama,"
“Bakit hindi p'wede? Ako ba ang mag-aayos niyan?" sabi ko pagkatapos tumingin ako kay Andrei. “Tara na, sabi ko naman sa 'yo kanina, umalis na tayo kasi mahirap kausap itong professor namin,"
“Ms. Tauson!” mariin na sabi ni Sir Ibarra ngunit hinila ko na si Andrei at hindi pinakinggan ang pagtawag nito sa pangalan ko. Hindi ko nakita ang umaapoy na panibugho sa mata ni Sir Ibarra, habang nakasunod ang tingin sa amin ni Andrei.
Nang dumating kami sa restaurant malapit lang din naman sa school nagtataka ako kay Andrei, tahimik ng binata. Naka order na rin kami ng pagkain.
“Hoy!” pinitik ko ang aking daliri sa harapan niya.
Ngumiti ito.
“Crush mo ba si Sir Montanez?”
Natigilan ako sa biglaang tanong ni Andrei. Mind reader ba si Andrei? Kay daling mabasa ng aking isip. O talaga lang na halata niya na may gusto ako kay Sir Ibarra.
“Oo, pero dati pa iyon," pag-amin ko.
Natawa ito naiiling.
“Ikaw talaga hindi ka man lang tumanggi. Dati? Parang malabo. Kita naman na hanggang ngayon, crush mo pa at sure ako na mahal mo rin,” aniya nakangiti ngunit halata malungkot ang mata.
“Wala naman akong dahilan para itanggi,” bumuntonghininga ako.
“Andrei. Sorry, ha? Kung pwede nga lang ibaling sa iyo ang pagtingin ko kay Sir Ibarra, ginawa ko na. Kaso hindi talaga natuturuan ang puso. Pero tanggap ko na hindi niya ako magugustuhan. Ang ginagawa ko na lang. Binibigyan ko na lang siya ng sakit ng ulo, para ma stress sa akin. Diba, napapansin niya ako kapag galit,” sabay sinamahan ko ng masayang tawa, ngunit hindi ko mapigilan may luhang tumulo sa aking mata.
Naging emosyonal ako sa harapan ni Andrei. Bigla akong humikbi. Gusto kong ibuhos ang lahat ng hinanakit ko kanina.
"Hey, anong nangyari sa 'yo?" nag-alala si Andrei.
"M-mahal ko siya, A-Andrei, ngunit hindi niya ako nakikita," pautal-utal na sumbong ko sa kaniya.
Sobra na akong nasasaktan dahil gustong-gusto ko si Sir Ibarra. Ipinakikita ko sa ibang tao na masaya ako. Na strong ako ngunit ang totoo malungkot ako.
“Bulag si Sir Montanez dahil hindi ka niya nakikita. Maganda, mabait at matalino ka, Devonne. Sinayang niya ang isang diamond na katulad mo,”
“Change topic na nga tayo at kumain na. Hayaan na natin ang gurang na iyon ganun talaga matanda na mahirap espelingin,”
“Gurang pero crush mo at iniyakan ngayon,” pang-aasar pa ni Andrei sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at itinuon ko na lang sa pagkain ko ang tingin ko.