KABANATA 8.

1993 Words
A-Anong ginagawa mo?” utal na tanong ni Shyane. “Why are you so hard-headed? Bakit ayaw mo ako pakinggan? Isang gabi at wala pang isang araw tayo magkasama pero ginugulo mo na ang sistema ko Shayne..” sa halip ay pabulong na balik tanong ni Damien Their faces were just an inch away from each other. Ang kanilang mainit na mga hininga ay tumatama sa mukha ng bawat isa. Ang mga mata ay magkalapat, at ang mga labi ay konting-konti na lang ang distansya, na konting usad niya lang ay tuluyan na iyong magkalapat. “U-umalis ka sa ibabaw ko…hindi—hindi ako makahinga…” itinukod nito ang kamay sa kanyang dibdib at marahan na tumutulak. Sa halip na sundin ang sinabi ni Shayne, hinuli niya ang mga pulso nito at itinaas iyon sa uluhan nito. Ang kanyang paningin ay ngayon nakatuon na sa mga labi nito. Mga labi na tila nag-aanyaya sa kanya na halikan niya. The urge of kissing her and tasting her luscious lips was so damn hard for him to ignore. Ang lakas ng hatak sa kanya na halikan at tikman ang labi ni Shayne. Ang hirap kalabanin ang sarili. Ang hirap supilin ang damdamin. “D-Damien—” Hindi na natuloy ni Shayne ag gustong sabihin. Sinakop ng labi niya ang labi nito. **** Shayne couldn't move. Nanigas siya sa ilalim ni Damien. Ang kanyang mga mata ay tila na duling na nanlalaki habang nakatitig sa mukha ni Damien. Parang pinako ang kanyang katawan sa couch. Bawat himaymay ng kanyang balat ay tila biglang uminit. Ang t***k ng puso niya ay umaalon sa loob ng kanyang dibdib, at ang sikmura niya ay tila may libo-libong kulisap na nagsiliparan sa loob. Ni hindi siya makahinga. Damien's lips are pressing against hers, he svcked her lips hard, then forcefully thrusting his tongue. Gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan. Ang kanyang mga kamay ay napahawak sa damit ni Damien sa magkabilang tagiliran nito at mariin na nakakuyom. She couldn't breathe. Napasinghap siya kasabay ng pagsalakay ng labi ni Damien sa loob ng kanyang bibig. The moment she felt Damien's tongue inside her mouth, all she could do was close her eyes. Damien's tongue is wandering inside her mouth harshly, na tila may hinahanap, at nang matagpuan nito ang kanyang dila ay marahas na sinipsip nito iyon. A soft moan escaped from her throat. It is tickling. It is hot. Kiliti at init na gumapang sa bawat himaymay ng kanyang balat at nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kaugatan, na humahaplos sa kanyang buong pagkatao. The feeling is alien to her. She has never been kissed by a man. This was her first. Damien was her first kiss. Ang kaninang marahas na pag-galugad ng dila nito sa loob ng bibig niya ay naging marahan, naging masuyo na mas lalong nag pasiklab sa init na kanyang nararamdaman. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na tumutugon. Hindi niya alam paano ang tamang paghalik, ngunit ang kanyang labi ay tila may sariling pag-iisip at sinusunod ang bawat paghagod ng labi nito sa kanya. She even moved and thrust her tongue inside Damien's mouth. Ang kaninang mahigpit na pagkagapos ng mga pulso niya sa kamay ni Damien ay biglang lumuwag at ang isang kamay nito ay masuyo na humawak sa kanyang kanan na pisngi habang patuloy ito sa marahan at senswal na paghalik sa kanya. Dear God! Naliliyo na siya. Lalo pa at tumutunog na ang kanilang halikan. ‘Shayne, tumigil ka! Hindi ito tama!’ Sigaw ng munting tinig sa kailaliman ng kanyang utak. Gusto niyang tumigil at manulak ngunit hindi niya magawa. Masyado nang inalipin ng masarap na init, kiliti, at nakakaliyo na pakiramdam ang buo niyang pagkatao. Sunod-sunod na tunog ng doorbell ang biglang pumutol sa mainit na tagpo. Nagising ang mga diwa na panandalian na nakalimot. Naimulat niya ang nakapikit na mga mata. Si Damien naman ay naangat nito ang mukha. Kapwa ay hindi kumukurap na napatitig sa isa't-isa. Magkaugnay ang mga titig at nababakas sa mga mata ang kalituhan. Damien's lips were wet. Kumikinang pa iyon at namamasa. Sigurado siya na maging ang kanyang mga labi ay namamasa rin at namumula iyon. Damien swallowed hard then whispered her name, “S-Shayne…” Tuluyan na nagising ang kanyang diwa. Agad na lumapat ang kanyang mga palad sa dibdib ni Damien sabay marahas na tinulak niya ito. Hindi napaghandaan ni Damien ang ginawa niya kaya marahas na nahulog ito sa sahig. “Shît!” Bumangon ito na sapo ang likod ulo. Samantalang siya ay nataranta. Hindi niya alam kung saan siya tutungo. Sa kwarto ba? Sa kusina? Sa laundry area? Tumakbo siya tungo sa kanyang silid. Sakto naman ang pagbangon ni Damien at humakbang ito. Nagkasalubong sila sa gitna. Kapwa na natuliro. Tumungo si Damien sa kaliwang bahagi, ganun din siya. Lumihis siya sa kanan, lumihis din ito sa kanan. Nang kumaliwa siya ay bigla din ito kumaliwa dahilan upang sila ay nagkabungguan. Marahas na tumama ang kanyang ulo sa ba-ba nito at kapwa na napasigaw ng aray. Mabilis na hinawakan siya ni Damien sa kanyang magkabilang balikat. Inangat nito ang kanyang mukha. “A-Are you okay?” utal nitong tanong sa kanya sabay lunok. Bumuka ang kanyang bibig upang sana sumagot. Ngunit muling tumunog ang doorbell. Mabilis na pinalis niya ang kamay ni Damien at pagkatapos ay kumaripas ng takbo tungo sa kanyang silid. Marahas na isinara niya ang pinto na umalingawngaw sa buong kabahayan. Mabilis na tinungo niya ang kama saka malakas na tumili. Ibinagsak niya ang katawan padapa at ibinaon ang mukha sa unan saka inihampas ang mga kamay sa kama at wasiwas ng mga binti kasabay ng mga tili. “Anong ginawa mo, Shayne? Ang gaga mo talaga!” Ano na lang ang iisipin ni Damien tungkol sa kanya? Ang tanga niya. Ang rupok niya. Dapat tinulak niya si Damien, sinipa at pinagsasampal, ‘di naman kaya ay suntukin ang labi nito. Pero hindi. Hindi niya ginawa. Sa halip tumugon siya. “Shayne!!!” Tumili siya ng tumili. Bumangon siya. Kinuha niya ang unan at pinaghahampas iyon. Muli siyang humiga at nagpagulong-gulong sa kama kasama ng walang humpay na pagtili. Insi na inis siya sa sarili niya. Pagkatapos tumili at gumulong-gulong sa kama ay tumihaya siya at tumitig sa kisame. Paulit-ulit na huminga siya ng malalim at pilit kinalma ang sarili. Nakatutok ang paningin sa kisame ngunit ang mukha ni Damien ang kanyang nakikita. Napalunok siya ng mariin. Wala sa sarili na nahaplos niya ang kanyang mga labi. So that's how it feels. Tila pa niya nalalasap sa labi ang masarap na halik ni Damien. She still feels his soft lips on her. Hindi naman matamis na parang asukal, ngunit bakit ang sarap? Mas masarap sa tsokolate. Mas masarap sa kahit anong dessert. Mas masarap sa kahit anong putahe. Tumugon siya sa halik ni Damien. Tama kaya yung ginawa niyang paghalik? Nagawa niya kaya ng tama? Uminit muli ang kanyang mukha. Kapagkuwan ay muli siyang napatili ng malakas. Ito ang nakuha niya sa sobrang curiosity niya. Gusto niya lang naman kanina silipin kung ano ang meron sa loob ng silid nito, kung bakit ayaw siya nitong papasukin. Gusto niya lang naman gumawa ng mga bagay na dapat gawin sa loob ng bahay upang masuklian kahit papano ang kabutihan nito sa kanya. Pero heto ang napala niya. Naparusahan siya. Isang masarap na parusa na hinding-hindi niya makakalimutan. O isang parusa na gusto niyang muling ulitin. “Shayne!! Ano itong iniisip mo?!” Muli siyang tumili. Mumultuhin na talaga siya nito ng nanay niya. ***** “He was shot by an unknown individual. Sa investigation ng mga pulis, lumabas na isang banyaga ang gunman.” wika ng lalaking private detective na kausap ni Damien. Damien took a deep sigh, habang ang kanyang paningin ay nakatuon sa isang larawan na kanyang hawak-hawak. It was Shayne's father's image. He was on the ground lying and soaking in his blood. Ang sunod na larawan ay nagpagimbal sa kanya. “Is it her?” Alam naman niya na si Shayne ang sa larawan. Ngunit parang ayaw iyon tanggapin ng kanyang sistema. Hindi siya makapaniwala. Hilam sa luha ang mukha ng bata at banaag ang matinding takot sa mga mata. “Yes, it's her. She was kidnapped by that time and her father came to rescue her. But his father got shot, at nasaksihan niya iyon. Dumating ang mga pulis at natagpuan siya sa loob ng isang abandonadong sasakyan malapit sa kung saan nakabulagta ang ama niya.” God! Parang nilukumos and dibdib niya. “She was tied, and her mouth was covered with tape. If I am not mistaken, she was 12 or 13 years old at that time.” Dagdag pa ng private detective. Marahas na napabuga siya ng hangin. He needs to breathe, dahil para siyang biglang kinapusan ng paghinga. Now, he knew why Shayne acted hysterically during the time he fetched her at the club. She has a childhood trauma. “Do you know the reason for the gunshot?” he asks the detective. “Her father was once a right-hand, of a mafia. Umalis ang ama niya sa organization. Mula Brazil ay lumipad ito patungong pilipinas. Sa pag-alis nito ng organization ay kasamang nawala ang millions of dollars ng organization at ang ama ni Shayne ang suspek. Kaya hinabol ito dito sa pilipinas hanggang sa pinatay ito.” Hanggang sa umalis ang Private detective ay hindi nawala sa isip ni Damien ang mga nalaman niya tungkol sa katauhan ng ama nito. Ang hirap paniwalaan na sa murang edad nito ay dumanas na ito ng matinding trauma. Now he understands why Shaina, raised Shayne in different ways. Kita ang katatagan sa mukha nito at pagiging palaban. He again took a deep sigh. Hindi niya hahayaan na muling dumanas pa ito ng hirap. Tulad ng pinangako niya kay Shaina. Aalagaan niya ito, gagabayan, protektahan at mamahalin. Mamahalin? Mamahalin bilang ano? Kapatid? Kaibigan? O mamahalin bilang babae na bumubuhay ng matinding pagnanasa niya bilang lalaki? Wala sa sariling napalunok siya ng mariin. The kissing scene that had happened earlier vividly played in his head. Maging ang init ng katawan ni Shayne ay tila pa iyon kumakapit sa kanyang katawan. Her redolent scent, ay tila kumakapit pa rin sa katawan niya. And her lips— Jesus! It's so soft and sweet at ang katawan ay sobrang lambot. It was as soft as silk. Napatanga siya kasabay ng sunod-sunod na paglunok. God! He was fvcked! So fvcked up! “Damien!” Pitik ng mga daliri sa harapan ng kanyang mukha ang nagpapitlag sa kanya. “Natalia!” Sambit niya sa pangalan ng matalik na kaibigan sabay kurap. “Bakit napatanga ka dyan? Anong nangyari sa'yo? Ano pinasakit ba ng bago mong alaga iyang ulo mo?” Hindi lang ulo niya ang pinasakit ng pusakal niya kundi maging ang ulo niya sa ibaba. Shayne is stirring his whole being. Nagulo ang buong sistema niya sa pagdating nito sa buhay niya. “Naayos mo na ba ang mga papeles niya? We need to leave the country next week for Russia.” “Naayos ko na. The passport will be delivered to you tomorrow. Here,” isang envelope ang nilagay ni Natalia sa harap niya na pinatong nito sa ibabaw ng mesa. “That is her school documents. May katigasan ang ulo ng batang iyon pero matalino. She has the highest grades throughout her school semesters.” “Hindi na siya bata. She is a grown woman.” Hindi niya alam. But he hates the thought that Shayne is young. Maybe because she is capable of awakening the heat of his lustful desire? Oh, Jesus! He is insane. Natalia let out a soft laugh then took a deep sigh. “Pull yourself together, Damien. She is Shaina's daughter.” “I am fully aware, Natalia.” “Good then. I just don't want you to make the same mistake again. Don't let history repeat itself.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD