Naging tahimik ang paligid sa pag-alis ni Natalia. Gusto pa sana nitong makita si Shayne at makausap bago ito umalis, ngunit pinigilan niya. Sinabi niyang wag istorbohin at natutulog ito. Hindi naman talaga ito natulog. Narinig pa kasi niya kanina ang mga pagtili nito sa loob ng silid nito.
Tinanggal niya ang malaking picture ni Shaina na nakasabit sa pader sa mismong paanan ng kanyang kama. Maging ang mga larawan na nasa maliit na stand frame na nakapatong sa ibabaw ng bedside table niya. Bitbit ang mga larawan tungo sa study room na kanugnog ng kanyang silid na nasa kaliwang bahagi.
Sa isang malaking bookshelf ay may isang pulang encyclopedia sa pinakagitna. Tinanggal niya ang encyclopedia. Sa wall kasi kung saan nakapwesto ang pulang encyclopedia ay naroon ang isang button. Isang button bilang susi sa pagbubukas ng isa pang pinto na nasa likod ng bookshelf.
Damien automatically pressed the button. Umikot ang wall at bumukas ang pinto. Agad na pumasok siya. Kapagkuwan ay inilibot ang paningin sa loob ng secret room. Ang pagbubukas ng pinto na iyon ay tila pagbukas ng mga alaala mula sa nakaraan.
Muli ay naging sariwa ang mga pangyayari sa buhay niya dalawang dekada na ang nakaraan. Mga masasakit na alaala at masayang alaala na iniwan sa kanya ng dalawang babaeng minahal niya. Nasa loob ng silid na iyon ang iba pang larawan ni Shaina kasama ng larawan ng kanyang ina.
Nakakabit ang mga larawan sa pader. Tila kahapon lang nangyari ang lahat. Ang lungkot ay biglang bumangon sa kaibutruran niya. Ngunit isang tinig ang biglang umalingawngaw sa isip niya. He should move on. Kailangan niyang tanggapin ang lahat ng mga nangyari. Lahat ay nangyari na at wala na siyang magagawa upang baguhin pa iyon.
Iniwan niya sa loob ng silid ang larawan ni Shaina, pagkatapos ay agad na lumabas siya. Paglabas niya ng silid niya ay agad na muli niya iyong isinara at saka muling ibinalik ang encyclopedia. Kapagkuwan ay lumabas siya ng silid at tuloy-tuloy na tumungo sa tapat ng pinto ni Shayne.
Nakapamewang siya. Kapagkuwan ay humugot ng malalim na paghinga. He wanted to knock on her door and told her to come out. Darating kasi ang caretaker na maglilinis ngayon ng bahay. Gusto niyang e-grabbed ang pagkakataon na iyon upang yayain itong kumain sa labas.
But after what happened earlier, he felt so damn uneasy.
Kung hindi siya nagkakamali, the way Shayne responded to his kisses, alam niyang siya ang kauna-unahang kahalikan nito sa ganoon na paraan ng paghalik. Nangangapa ang labi nito kanina. Halatang sinusunod lang ng labi nito ang bawat galaw ng labi niya. Nanginginig pati.
Hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.
He feels so damn proud!
He is her wildcat first kiss, damn it!
Oh, boy!
That kiss earlier was the sweetest kiss he had ever tasted. Napahilamos tuloy ang mga palad sa kanyang mukha. Muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi sabay umiling.
‘You are now insane, Damien. Tuluyan ka ng nababaliw!’
Patawarin siya ng Diyos sa nararamdaman niyang ito. Alam niya kasi sa sarili na isa itong malaking kahibangan. Patawarin din sana siya ni Shaina sa kalapastanganan na ginawa niya sa anak nito.
Inangat niya ang kanan na kamay. Kinuyom niya iyon at saka kumatok. Isa, dalawa, at ikatlo na katok bago ito sumagot.
“B-Bakit? N-Natutulog ako.”
Hindi niya napigilan ang sarili na tumawa ng mahina. Natutulog? Natutulog pero sumagot pa.
“Natutulog ka?” tanong niya.
“Oo. natutulog ako.”
God, ano ba ‘tong babaeng ‘to? Hindi siya naiinis. Sa halip na a-amuse siya. She is fvcking lying. How come she was asleep when obviously she was wide awake? May sumasagot bang tao habang natutulog?
“E sinong kausap ko ngayon kung natutulog ka? Ano iyan, nanaginip ka habang kausap mo ako?”
Hindi na ito sumagot. Maybe she realized her mistake. Hindi mapuknat ang pagkapuknit ng kanyang mga labi. Lumipas pa ang ilang segundo at hindi pa rin ito sumasagot. Bumilang siya ng tatlo bago muling inangat ang kamay saka muling kumatok.
Hindi ito sumagot. Ngunit bigla ay bumukas ang pinto.
Sumalubong sa kanyang paningin ang nakakunot na noo ni Shayne, sabog maging ang may kahabaan nitong buhok. Her face looks messy because of her messy hair, but fvck! It makes her look even prettier and damn cute.
“Ano ba?” singhal nito sa kanya. Ngunit ng magtama ang kanilang mga mata ay mabilis itong napayuko. Napanguso ang mga labi kasabay ng pamumula ng mukha. “Sabi ng natutulog ang tao, ‘e…” bulong nito.
Ang sarap lang kurutin.
From a wild cat, she suddenly turned into a kitten. A smitten little kitten.
Ang sarap lang pisilin ng magkabilang pisngi at lumukusin muli ng halik ang mga labi.
“Ngayon gising ka na. Magbihis ka at lalabas tayo. Sa labas tayo mag-dinner.”
“B-Bakit—”
“Stop asking questions, Shayne. Sundin mo na lang ang gusto ko.”
Napakurap ito at napatitig sa kanya. Ang mga labi ay bumuka ngunit muli nito iyon itinikom kasabay ng pagkapako ng paningin nito sa labi niya.
“Magbibihis na…” Shayne answered puckering her lips.
“Good!”
Ngumisi siya. Padabog na tinalikuran siya ni Shayne. This smitten kitten was really something.
*****
Lupaypay ang balikat na nakatingin si Shayne sa kanyang mga damit. Sa dami ng damit na nasa kanyang harapan, hindi na niya alam kung ano ang susuotin.
Magpapantalon ba siya?
Mini skirt kaya?
Naibagsak niya ang katawan sa kama sa ibabaw mismo ng mga damit niya. Ang mga mata ay nakatuon sa kisame at ang mga kamay ay nakadipa sa kama.
Ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit ba siya bigla naging conscious sa sarili niya? Hindi naman siya ganito kaninang umaga, sa mga nakaraan na mga araw at taon.
Bakit naman biglang nagbago bigla ang katauhan niya? Ang personality niya.
Naangat niya bigla ang kanan na kamay at hinaplos ang mga labi. Dahil ba ito sa nangyaring halikan nila ni Damien? Pakiramdam niya kasi, bigla ay may sumibol na hindi mapangalanan na damdamin sa kaibuturan niya.
Uminit bigla ang mukha niya at napakagat labi siya, kasabay ng pagkurap ng mga mata at paulit-ulit na paglunok.
“Shayne! Shayne!”
Sinampal niya ang sarili.
Para na kasi siyang sira. Kapag nababakanti ang isip niya ang mukha ni Damien at ang pinagsaluhan na halik ang naglalaro sa isip niya.
Sunod-sunod na katok mula sa pinto ang nagpabalikwas sa kanya.
“Shayne!”
It was Damien's voice.
Ang mamang masarap humalik, nababagot na ‘ata ito sa kakahintay sa kanya.
“Sandali lang. Nagbibihis pa ako.”
Mabilis ang kilos na hinablot niya ang kulay bughaw na pants at ang loose spaghetti strap hanging tops na kulay gray. May pagmamadali na sa kanyang kilos. Pagkatapos magsuot ng damit ay agad na pinusod niya paitaas ang may kahabaan na itim niyang buhok.
Humarap siya sa salamin at saka sinipat ang sarili. Her shoulder was exposed, ang mukha ay walang kolorete, at ang bandang pusod ay litaw na litaw. Regalo sa kanya ng kanyang tita Natalia ang damit na iyon. Hindi pa niya iyon nasusuot ni minsan.
Natatakot kasi siya na magsuot ng revealing na mga damit. Laging sinasabi kasi sa kanya ni Superiora, na kapag nagsusuot siya ng mga revealing na damit ay talo pa niya ang mga super model.
Matangkad siya at Latina. Makinis din ang kanyang kutis. Namana niya ang kutis at tangkad na iyon sa ama. His father was 7 feet tall at ang ina naman ay 5’3 lamang. Kaya laging sinasabi ng mga kapitbahay niya na mahirapan daw siya magkaroon ng asawa kapag height ang pag-uusapan.
Mas matangkad kasi siya sa mga lalaking Pinoy na nakilala niya minsan. Kapag gwapo kinukulang naman sa height. Kung minsan naman ay kasing tangkad niya, mukha naman ang problema at ugali.
Napangiti siya ng matapos sa pag-aayos. Lipstick lang naman na kulay pula at konting powder lang. Pero para sa kanya sapat na iyon. Muli niyang sinuyod ng tingin ang kabuuan.
“Huwag na huwag ka magsusuot ng damit na kita ang puson Shayne. Maging dahilan ka pa ng pagkakasala sa mga mata ng mga lalaki. Ang masaklap baka ka pa magahasa.”
Tinig iyon ni Superiora na umaalingawngaw sa kanyang pandinig. Parang gusto tuloy niya hubarin ang damit. Ngunit kasama naman niya ang gwapong mamà na masarap humalik kaya okay lang.
Sa tangkad ni Damien at kisig nito at sa gwapo nito, siguradong walang maglalakas loob na bastusin siya. Ang isipin na iyon ay naghatid sa kanya ng kiliti sa sikmura.
Just by thinking about Damien, rumaragasa agad sa pagpintig ang puso niya at naghahatid ng kiliti na dulot ng tila libo-libong paru-paro sa sikmura niya.
Naglapat siya ng pabango sa leeg. Pagkatapos ay nagpahid ng lotion sa balikat at mga braso. Nagsuot siya ng sneakers. Nang matapos ay nilingon niya ang kanyang kama.
Grabe! Nagkalat talaga ang mga damit niya sa ibabaw ng kama. Pero bahala na. Ayusin na lang niya mamaya pagdating niya mula sa labas.
Binuksan niya ang pinto upang lumabas. Ngunit pagbukas niya ng pinto tila biglang lumundag ang puso niya. Damien was standing in front of the door. Nakaangat ang kanan na kamay nito at bahagyang nakakuyom. Akma siguro itong kumatok sa pinto at nabitin iyon sa ere dahil sa bigla niyang pagbukas.
“I–” he swallowed hard while meeting her gaze. “I was supposed to knock on the door.” Ibinaba nito ang palad at mariin na ikinuyon sa tagiliran nito.
Shayne just blink her eyes. Ang kanyang paningin ay natuon sa mga mata ni Damien. She can't help but feel amused. Ang berde nitong kulay na mga mata ay biglang nag-iba ang kulay. Bigla iyon tila naging bughaw. Marahil ay nagre-reflect sa kulay ng suot nitong t-shirt na bughaw ang kulay ng mga mata nito.
O baka naman nagsuot ito ng contact lense. Sa sobrang curiosity niya, ay hindi niya napigilan na angatin ang kanan na kamay sabay akmang damhin ng hintututro ang isa sa mga mata ni Damien.
Biglang hinawakan ni Damien ang pulso niya, sabay atras ng ulo nito ng bahagya. “Are you going to point your finger on my eye? Gusto mo ba akong bulagin?”
“H-Hindi. Na ko-curios lang ako.”
“Curious about what, huh?”
Hinila siya nito sa pulso, sabay ang mga braso nito ay pumaikot sa kanyang bewang. Pinatalikod siya nito mula rito at sabay niyakap siya mula sa likuran at pinagkrus nito ang kanyang mga braso sa kanyang bandang puson habang hawak ang kanyang mga pulso.
“Ang mga mata mo. Na-curios ako. Dati kasi green, ngayon kulay blue naman—teka bitawan mo nga ako!” Nagpumiglas siya. Ngunit the more na pumiglas siya ay mas lalo lang hinihigpitan ni Damien ang pahawak sa pulso niya at pagyakap nito sa kanya.
Diyos ko! Ang humirap huminga.
“You know what they say? Curiousity, kills the cat!”
“Pakialam ko. Hindi naman ako pusa!”
Alam naman niya ang inig sabihin ng sinabi nito. It was an English idiom. Kaya lang mas gusto niyang sumagot ng may sarkasmo. Hindi lang sa gusto. Minsan hindi niya talaga mapigilan ang bibig.
Damien laugh.
“You are my cat, Shayne. My wild smitten cat…” bulong nito sa kanyang punong tenga. Ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kanyang leeg at tenga.
Heto na naman siya. Umaalon na naman sa paghurmintado ang tibók ng puso niya. Libo-libong paru-paru na naman ang nagsiliparan sa sikulmura niya. Gumapang maging ang kilabot sa katawan niya.
“B-Bitawan mo nga ako!” Muli siyang pumiglas. Ang hirap na kasi.
Ramdam niya ang init ng katawan ni Damien na humahalo sa kanya. Maging ang bukol sa kanyang likuran. Isang mahiwagang matigas at malaki na bukol. He was wearing a track pants. Ngunit hindi iyon hadlang upang hindi niya maramdaman ang matigas at malaki nitong simbolo na bumubukol sa likuran niya.
Nilingon niya ito sabay tingala. Sumalubong sa kanyang paningin ang mapula na labi nito. Nakikita niya maging ang mga baby beard na tumutubo sa ba-ba nito. Umangat ng bahagya ang paningin niya.
“Bitawan—”
Again. Shayne felt stiffened, as Damien's lips touches hers. Maging ang pagtibok ng puso ay tila biglang tumigil.