bc

My Girl Friday (Completed)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
14.5K
READ
others
kidnap
drama
tragedy
sweet
straight
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ginawang pambayad utang si Yleena ng step-brother niyang si Virgo sa pinagkakautangan nito dahil sa pagkalolong sa sugal.

Labag man sa loob ni Yleena ang mga ginagawa ni Virgo wala na din siyang nagawa.

Mapapahamak naman kasi si Virgo kapag tatanggi siya..

Si Virgo na lang ang tanging pamilya na natira sa kanya matapos maaksidente ang mga magulang nila. Dalawang taon na ang nakaraan.

Kaya walang nagawa si Ylenna kundi sundin ang kapatid niya,hanggang sa makilala niya ang taong pinagkakautangan nito.

Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata.

Alam niya may kakaiba sa kanya.

Pero hindi niya alam kung ano.

Hanggang sa sinabi nito kung paano niya mababayaran ang pagkakautang ni Virgo sa kanya.

Gagawin siya nitong girl friday.

Isang babaeng utusan.

At handang gawin ang lahat ng pinag-uutos ng amo niya.

Kahit labag sa loob ay pikit mata siyang pumayag sa gusto ni Xerxes.

Magampanan kaya niya ng maaayos ang pagiging girl friday niya?

#ThE_3rd_story

(alamin ang lihim na katauhan ni Xerxes na kahit ang mga kaibigan niya ay hindi alam..)

chap-preview
Free preview
prologue
My girl friday. Prologue #yleenna "What happened Virgo?" Nahintatakutan kung tanong ng makita ko siyang duguan ang mukha. At maraming pasa sa katawan. Virgo is my step-brother. Kami na lang dalawa ang naiwan magmula ng mamatay ang kanya-kanya naming mga magulang. Agad ko siyang nilapitan. "Dont you dare touch me,Ylenna."Galit na wika niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit galit siya sa akin parati. Magmula ng mamatay ang mama ko at ang papa niya ay high blood na siya sa akin. "Lumayo ka sa akin!"Pagtaboy niya sa akin. "But you need my help."I insisted. " Yeah right. Do you really want to help me?"Seryosong tanong niya sa akin. Napalunok ako. Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman sa tulong na nais niyang ibigay ko sa kanya. "Gagamutin ko ang sugat mo." "Not that kind of help."Agad na sagot niya. "So what kind of help?"Tama ata ako ng hinala. May ibang tulong nga siyang kailangan sa akin. "Anong tulong Virgo?" Lakas loob kung tanong sa kanya. "You!"Matipid lang niyang sagot. "Ako?" "Yes ikaw nga. Ikaw lang ang makakatulong sa akin."This time nahihirapan na siyang magsalita. Dala ata ng marami niyang pasa at bugbog sa katawan. "Paano Virgo?"Naguguluhang tanong ko. Nahahati ang kalooban ko,gusto ko siyang gamutin kaso ayaw niya. May ibang gusto siyang tulong mula sa akin. "Just wait and see."Sagot niya lang na. Na mas lalong nagpagulo sa isipan ko. "Anong plano mo? Ano ba kasing nangyari sayo?" "Dont mind me magiging ok lang ako once na matulungan mo ako." Kakaiba talaga ang kaba na naramdaman ko. Ano kayang plano ni Virgo! Ano naman kaya ang nangyari sa kanya. "Mangako ka na tutulungan mo ako." Napatingin lang ako sa kanya. Nagdadalawang isip akong tumango sa gusto niya. Masama kasi ang kutob ko. "Ayaw mo akong tulungan?" "Hindi naman sa ganon Virgo,pero sabihin mo naman sa akin kung anong gagawin ko." "Nakita mo ang nangyari sa akin?" Napatango ako. Bugbog sarado siya.. "Just tell me what happened. Bakit ka nabogbog" "Pinabugbog ako ng taong pinagkakautangan ko." "May utang ka? Bakit ka nangutang? Anong ibabayad natin sa kanila,paubos na ang perang naiwan sa atin ng mga magulang natin."Nahintakutang wika ko. Ang kapatid kung to puro sakit na lang sa ulo ang ibinibigay. "Kaya nga kailangan mo akong tutulungan. Kung hindi,hindi mo na ako makikita kahit kailan." Nahintakutan ako sa narinig na sinabi niya "Paano nga kita matutulungan Virgo?" "Simple ikaw ang ipangbayad utang ko."Diretsang sagot nito. Halos lumuwa ang mata ko ng marinig sinabi ng step-brother kung si Virgo. Ano daw ako ang ipangbabayad niya sa utang niya. Oh,no. Bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat. Halos manginig ang bosee ko sa sinabi niya. No,ayaw ko."Ayaw ko."Nanghihinang wika ko. Ngumiti siya ng pagak."Then panoorin mo na lang akong mamatay sa mga kamay nila." Siya papatayin? Kinabahan ako. Hindi ko maaring pabayaan si Virgo nag-iisa na lang itong itinuring kong kamag-anak. "Ganon ba talaga kaseryoso ang lahat? Papatayin ka agad? Diba pwedeng kasuhan ka muna tapos makulong?" Napailing siya. "Sana ganon lang kadali ang lahat" "Bakit ka ba kasi nagkautang? Sabihin mo?" "Natalo ako sa sugal!" Napatutop ako sa bibig ko.Hindi ko matanggap na dahil lang sa sugal,posible siyang bawian ng buhay."sa sugal? Dahil lang sa sugal?"Ano ba kasing pinaggagawa ng lalaking to. "Nagkautang ako sa isang pasugalan,ilang araw na nila akong hinahunting hanggang sa makita nila ako kanina at naabutan kaya heto bogbug sarado ako. Pinagbantaan pa nila ako na papatayin kapag hindi nakabayad sa araw na ito. Mga delikadong tao sila."Mas lalo akong ginapangan ng takot ng marinig ang mga sinabi niya. Mga delikadong tao pala tapos ibibigay niya ako doon. " Paano ka nakakasiguro na tatanggapin nila akong pangbayad?" "Hindi ko alam. Pero baka tanggapin ka. May ari ng isang club na nagseserve ng mga babae ang taong pinagkakautangan ko." "Ggawin mo akong bugaw?"Hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi siya sumagot. Kita sa mukha niya ang pagkabahala. "I'm sorrY Yleenna kung pati ikaw nadamay sa gulong to.." Napayuko na lang ako. Ano pa bang magagawa ko. Nandito na to. Hindi ko man siya kadugo pero tinuring ko na rin siyang kapatid. Huminga ako ng malalim. Wala na akong choice ayaw kung mamatay ang kapatid ko. Alam kong mapanganib ang susuungin ko,sana lang maging ok na ang lahat.Sana di na mapahamak pa si Virgo. Mabuti kong tanggapin akong pangbayad ng pinagkakautangan niya. "Sige payag na ako. Pero please lang Virgo tigilan mo na ang kakasugal." "Salamat Yleenna." "Gagamutin na kita." Saka pa lang siya pumayag na gamutin ko. #bar. Abot-abot ang kabang naramdaman ko ng dalhin ako ni Virgo sa Club x. Nahihilo na ako sa mga ilaw dahil hindi talaga ako sanay sa ganitong lugar. Akala ko doon na kami maghihintay sa pakay namin. Pero nagkakamali pala ako.. Naglakad kami ng naglakad hanggang sa marating namin ang dulo ng bar. May nakatayong parang bouncer pero narealize ko na iba ang binabantayan nila. Tumango si Virgo sa mga bouncer na nandoon. Parang may hinawakan si Virgo sa isa sa mga dingding na nakahilera doon. Secret passage? Hindi na ako umimik basta sumunod na lang ako sa kanya. Kahit hindi na ako halos makahinga dahil sa mga nangyayari sa akin. Tama ba na pumayag ako sa gusto ni Virgo? Paano kung mapahamak ako? Oh,no bakit ngayon ko lang naisip ang lahat ng ito. Kung kailan sa tingin ko hindi na pwedeng umatras. Huminga na lang ako ng malalim. Ng tuluyan na kaming makapasok sa loob. "Anong lugar to Virgo?" "Shhhh. Its X secret haven." Hindi na lang ako sumagot dahil hindi ko din naman kilala ang taong tinutukoy nito. "Virgo! Mabuti bumalik ka!" Tumango lang siya sa lalaking mukhang gangster nanginig yata ako ng makita ang lugar na pinasukan namin. Sa loob ng bar ay may isa pang bar. Pero ang bar na ito ay puno ng kalaswaan. Full of women. Naked women. Ganito din ba ang kababagsakan ko? Pakiramdam ko gusto ko ng tumakbo Paalis sa lugar na ito. Bahagya kung kinalabit si Virgo. Pero hindi na niya ako pinansin. "Nandiyan ba si Boss X?"Tanong niya sa mga mukhang gangster na nandoon. Itinuro naman ng mga ito ang isang pintuan na sa aking hinuha ay isang office. Ito na talaga. Lord please guide me. Sana lang diko to pagsisihan. Tumingin ng matiim si Virgo sa akin. "Are you ready nasa loob ang big boss. Im sorry pero hindi ka na pwedeng magback-out."Hindi ko alam kung lungkot ba yong nahimigan ko sa boses niya. "Its ok Virgo. Sana lang maging maayos ang lahat." "Don't worry gagawa ako ng paraan para matubos ka dito." "Sana lang magawa mo pa akong maalis sa lugar na ito ng malinis Virgo." Saka ko inilibot ang tingin sa buong paligid. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. "Lets go Yleenna,masamang paghintayin si Boss X." Tumango na lang ako at nagpatianod sa kanya.. Halos hindi na ako makahinga talaga,nanginginig ang mga tuhod ko sa takot ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng office. " Anong masamang hangin ang nagdala sayo ditO Virgo? Dala mo na ba ang pangako mong bayad sa napakalaki mong utang sa akin. O kailangan pa kitang lumpuhin para marealize mo ang pagkakamali mo." Napaiktad ako sa sobrang lamig ng boses na nagsalita na diko makita kung saan nagmula. Nakakatakot siguro siya. Anong gulo ba kasi tong pinasok ni Virgo. Maya-maya pa ay nakita ko na ang lalaking nagsalita. Hindi ko sinasadya na magtama ang mata naming dalawa pero nakakatakot ang uri ng tingin na ipinukol niya sa akin kaya nauna akong nagbaba ng tingin. "Sino yang kasama mo!? Alam mo na bawal magpapasok ng mga taong hindi member sa club ko."Malamig na wika niya. Kita ang galit sa mukha niya. Nakakatakot siya. Nakakatakot ang boses niya. As in. Kaya nagtago ako sa likod ni Virgo. "Siya si Yleenna step-sister ko."Halata ang kaba sa boses ni Virgo. Kaya kinabahan na rin ako. Kitang-kita ko ang pagkunot ng makinis niyang noo at ang mas lalong pagsingkit ng mata nito. Shit,ang cute niya. No ang hot niya! Hey sira nasa alanganing sitwasyon ka na nga nakuha mo pang mag-isip ng kalandian. Saway ko sa sarili ko. "So?" "Kung tatanggapin mo Boss siya sana ang gagawin kung pambayad utang. Dito na muna siya hanggang naghahanap pa ako ng perang pambayad sayo.." Mas lalo akong nilokob ng takot ng makita kung hinagod niya ako ng tingin mula hanggang paa. Kinilabutan yata ako sa uri ng tingin na pinukol niya sa akin. Ang harsh niyang tumingin. Parang hinuhubaran na niya ako. "Siya? Siya ang gagawin mong pambayad?"Nang-uuyam na wika nito."Eh parang manang naman mag-ayos to. Paano ko naman to mapagkikitaan ha Virgo!?" Ako Manang? Abat antipatiko na lalaking to.. Fyi maganda kaya ako. Kaso hindi lang talaga ako marunong mag-ayos. Walanghiya nilait ako! "Boss pwede naman siyang ayusan ng konti. Maganda naman itong kapatid ko." Huh,salamat,Virgo. Pero nangangalaiti na talaga ako sa galit. Kaasar. Ilang ulit pa niyang hinagod ang kabuuan ko. Halos hindi naman ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. "Hmmm,tama ka,ok naman ang size ng dibdib niya. Maputi,maganda ang katawan. Ok tatanggpin ko siyang paunang bayad mo Virgo. Tandaan mo pauna pa lang ha di ka pa talaga bayad!" Ano? Gaano ba talaga kalaki ang utang ni Virgo sa lalaking hambog na to. Na kahit ako ay paunang bayad pa lang. Shit pati yata kaluluwa ko kulang pang ipangbayad sa lalaking to. Pambihira. Tsssk. "Salamat Boss X," "Wag kang magpasalamat may utang ka pa rin sa akin. Tandaan mo,sisingilin kita everytime na diko magustuhan ang performance ng babaeng ito." Walang hiya ka talaga! Walang galang sa babae. "Umalis ka na!"Matigas na wika nito. Napatingin ako kay Virgo napailing ako. Wag mo akong iiwan sa impyernong lugar na to,Virgo,pagka-usap ko sa kanya gamit ang isip. Pero wala na din siyang nagawa ng damputin na siya ng mga gangster na nasa labas kanina. Napatingin na lang ako sa lalaking nasa harap ko. Ang lalaking nasa harap ko ngayon ay isang taong halang ang kaluluwa at walang puso......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
714.0K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.1K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
57.8K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook