#Yleenna "Buntis ako! Kaya ako nagsusuka! Ayaw ko sa amoy ng pabango at sabon. Buntis ako kaya ganon. Kaya wag ka nang mag-alala sa akin!" kitang-kita ko ang pagtahimik niya. "Tigilan mo na ako X,buntis ako at si Xander ang ama!" "Si Xander? "kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Halata ding di siya makapaniwala sa narinig na sinabi ko. 'Oo si Xander,bakit nagdududa ka?"buong tapang na wika ko. Hindi na lang ako nagpahalata na maging ako ay nagulat din sa sinabi ko. Hindi ko napag-isipan ng maayos ito. Bigla siyang natahimik ng marinig ang sinabi ko. "Im sorry Yleena,but I guess dika na mapapanagutan ni Xander."malungkot na wika niya. Ako naman ang nabigla ng marinig ang sinabi niya. Ano kayang nangyari kay Xander. May masama kayang nangyari sa kanya. "Anong nangyari kay Xander?

