---Yleenna--- "X puntahan mo muna si Saff."sabi ko sa kanya minsan habang magkatabi kaming nagpapahinga sa duyan sa labas. Ilang araw na din kasi ang dumaan buhat ng dumating si Xerxes,at sa loob ng mga araw na yon hindi na siya umaalis sa tabi ko! Palagi siyang nakabuntot sa akin. As if naman may paraan para matakasan ko siya! Seryoso lang siyang tumingin sa akin. Na para bang isang napakalaking kasalanan yong sinabi sa kanya. "Nakapagdecide na ako Yleenna,wala na kaming dapat pang pag-usapan."as usual matigas na naman ang tono nito. Na para bang may mali na naman sa sinabi ko! "Please at least linawin mo lang sa kanya ang lahat. Closure kong baga."patuloy na pangungulit ko sa kanya. Umiling siya. "Sinabi ko na sa kanya ang lahat pero anong ginawa niya,nagmakaawa lang siyang wag ko

