My Girl Friday. Chapter22 #Lost. #Yleenna. "Please Virgo gumising ka,"iyak na ako ng iyak. Awang-awa ako sa nakikitang ayos ni Virgo,ang dami niyang tama at duguan talaga ito. "Yleenna,may mga magdadala na kay Virgo sa hospital."dinig kong wika ni Xerxes mula sa likuran ko. Pero diko siya pinansin. Na kay Virgo ang focus ko. Hindi ko inakalang sa ganito aabot ang lahat. Ang pagbuwis ng buhay niya. Naisip kong sapat ba na kabayaran ang buhay niya,para sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya. "Virgo lumaban ka."halos hindi na ako makahinga dala ng matinding pag-iyak ko. Tingin ko kay Virgo,mukhang wala na itong buhay. "Yleenna calm down. Makakasama sayo yang ginagawa mo. May mga magdadala na sa kanya sa Hospital."dinig kung wika na naman ni Xerxes sa akin. Napailing na lang ako. Pa

