Trenz Bago pumunta sa tambayan, dumaan muna ako sa isang convenience para bumili ng iilang lollipop. Ito nalang ang ginagamit kong pamalit sa sigarilyo. 2 Maaga pa kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para hindi takpan ang aking mukha. Ayoko namang mapagkamalang kawatan dahil sa ayos ko. Mabilis kong kinuha sa isang pasilyo ang tunay kong pakay at akmang pupunta na sa counter nang may napansin akong babae. Palinga linga ito, yumuyuko at may suot na cap. Nagkasalubong ang aking kilay nang may pinagpapasok siyang iilang tinda sa kanyang suot na damit. Nailing nalang ako nang nag-akma na itong palabas. May CCTV tapos magnanakaw siya? Bago pa man siya makalabas ng tuluyan ay hinablot ko na ang kanyang braso. Nanlalaki ang kanyang mga mata at nabalot ng takot ang mukha nang dukutin k

