Stanley Pagdating ko sa tambayan, nadatnan ko agad sila sa may pool ng billiard. Seryosong seryoso sa tinatayo nilang building gamit ang mga card na pinagpapatong-patong lang. Ni ang pagpasok ko ay hindi nila pinansin. "Seryoso niyo ah?" Tinapik ko ang pool sanhi para malaglag isa isa ang card at nadismaya agad ang mga mukha. Napatingin si Sid sa akin, "ang kj mo." "Matayog na sana iyon," si Jey-em. "Naglalaro pala kayo? Di ko napansin." sabi ko at nagtungo roon sa sofa. Tinabihan naman ako ni Jey-em at binigyan ng kinuha niyang beer sa loob noong ref. Kahit si Trenz na may nakabara pang lollipop sa bibig ay tumabi narin. Nakabulsa sa suot na berdeng jacket ang magkabilang kamay. "Jey-em, hindi ka ba hinahanap sa inyo?" tanong bigla ni Trenz. Nasa gitna pa ako ng dalawa. "Sino bang

