Harold Isang underground party ang aming dinaluhan. Isa itong party na bawal parin ang karahasan sa loob sa kabila ng mga myembro ng malalaking g**g na naimbitahan. Ang mangangahas, matatalsik. Kumatok si Jey-em ng kung anong ritmo roon bilang passcode noong nasabing party. Dalawang bouncer agad ang bumukas. Sumalubong sa amin ang ingay ng loob. Ang nakakaliyong beat ng dj at ang mga naroon na sinasabayan na ang ritmo. "Black Army!" may kung sumigaw roon at itinuro kami kaya mas lumakas ang hiyawan at itinaas ang kanilang mga party cups na kulay pula. Humiyaw narin kaming pito nang pumasok kami at dumeritso agad sa gitna. Napunta na sa peak ang kanta kaya naging marahas ang kanilang mga kilos. Binigyan lang kami ng mga drinks saka rin nagsisabayan sa ibang sumasayaw.2 May namataan ako

