XYLER'S POV: "Boss, pinapatawag mo daw ako?" diretsong sambit ni Xavier pagkapasok niya sa aking opisina. "Yes, Xavier... ihanda ang mga kailangan natin, may lalakarin tayo," diretsong sagot ko. Kaagad niya akong tiningnan nang diretsuhan na natataka ito sa sinabi ko. "Lalakarin? Saan boss?" tanong niya. "Aalis tayo mamayang gabi upang pasukin ang hideout ni Maximo Clemente. Panahon na upang pagbayaran niya ang kasalanan niya sa akin, ang pagpatay niya kay Papa. Xavier," diritsong sagot ko. "Okay boss, ngayon din ay aalis ako," sambit niya, kasabay nito kaagad siyang tumalikod mula sa akin at mabilis na nagpahakbang patungo sa pintuan. "Wait," sambit ko. Kaagad siyang napahinto at saka nilingon ako. "Boss," sabi niya sabay lakad pabalik sa akin. "Everything is fine there, Xavier?"

