Nakatingin ako sa aking pambisikong orasan na nasa aking kaliwang kamay, mag-alas-otso na ng gabi. "Boss, everything is ready," banggit ni Xavier na nakatayo sa aking harapan. "Mabuti kung ganun, Xavier. Ilang oras na lang ang hihintayin natin. Siguraduhin na dala ang lahat ng ating mga kailangan, Xavier, papunta doon," sabi ko nang diretsahan sa kanya. "Wag kang mag-alala, boss. Naayos ko na ang lahat at nasa loob na ng sasakyan ang mga gamit na ating gagamitin mamaya," sagot ni Xavier nang diretsahan. "Kumusta ang pagmamanman nila sa loob, Xavier, ng hideout ni Maximo Clemente? May natanggap ka na bang balita mula sa ating mga tao na nasa loob ng hideout ni Maximo Clemente? Nakausap mo na ba sila?" tanong ko nang direkta sa kanya. "Yes, boss. Everything is ready there, at may mga bo

