[Anastashia's POV] Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang boses ni Lexus mula sa pintuan. Hawak nito ang isang bouquet ng pink tulips at mukhang kagagaling lamang sa press conference na pinuntahan niya. Gusto ko mang sabihin kay Dylan na tapusin nito ang pagkukuwento ngunit hindi ko na nagawa dahil dumating ito at inabot sa akin ang mga bulaklak. "M-mabilis yatang natapos ang press conference niyo, Lexus?" kinakabahang tanong ko at umaktong inaamoy ang bulaklak na ibinigay nito kahit ang totoo ay nanginginig pa ang aking mga tuhod sa narinig ko mula sa aking best friend. As much as I want to ask him about it, sa tingin ko ay mas mabuti pang itago ko nalang ito sa aking sarili upang huwag ng madagdagan ang stress na nararamdaman niya ngayon. Napailing na lamang ako nang makitang mat

