[Anastasia's POV] Hindi ko napigilan ang sarili ko kung kaya malakas ko siyang napalo sa balikat. Akala ko magre-react ito ngunit parang ewan na binuhat ako ni Lexus at maingat siyang naglakad papunta ng dagat. Hindi lang mga panga ko ang nangatog kung hindi buo kong katawan nang maramdamang tumama sa puwetan ko ang malamig na tubig dagat. At kung hindi lang mahigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa katawan ko ay baka mabilis na akong bumalik sa kinatatayuan namin kanina. "Lexus!" I hissed at him. Umangat lang ang kilay nito at inosente akong tinitigan. "Bakit? I'm just admiring my girlfriend. You really taste sweet and tempting." Ngumiti pa siya sa akin at mabilis na hinalikan ang noo ko bago niya ako dahan-dahang ibinaba. Ayoko sanang kumapit sa braso nito pero mas komportable ako

