[Lexus' POV] Bumuga ako ng marahas na hangin at napatingin sa harapan nang marinig ko ang pamilyar na boses na pumasok mula sa pintuan. Kapagkuwan ay ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa na para bang hangin lang ang taong nakatayo sa aking harapan. "Is that your sweetest way of greeting your Mom, Lexus? Hindi mo man lang ba ako aalukin ng upuan or coffee? You bastard?" Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Hindi ko siya bisita para pakitaan ng mabuti. "You're free to do that in your husband's company not in my company," I answered her in a disrespectful manner. Bakit ko nga ba kailangang respetuhin ang babaeng nanloko sa amin ni Dad? She committed a sin na kahit sinong anak ay mahihirapang magpatawad at makalimot. "Papahirapan ko ang buhay ng babaeng 'yon hanggang sa matanggap mo kami ng

