HER POV:
Gabi na ng makauwi kami dito sa condo ni Dok.Ayos naman ang lahat pagkauwi kanina. Si Dok naman ay nagpatuloy na sa loob ng kwarto nito.Mukhang napagod din ata sya. Halata rin na medyo malungkot sya at wala yata sa mood kaya nag paalam na sya kanina sakin na magpapahinga na raw muna sya sa kwarto.Sinabi nya na pag nagutom daw ako ay pumunta ako sa kusina at kumain roon.
Kanina sa sasakyan naalala ko pa ang sinabi nya ,nagdecide na daw sya na dumito raw muna ako habang di pa ako nakakaalala.He will do anything daw para maalala ko yung nakaraan ko at naisipan nya rin na magpaimbestiga na tungkol sa nangyari sa akin noon. Kwento nya rin sakin na balak na nya noon na imbestigahan ang kaso ko,pero kailangan nya ang lead at alam ko raw sakali kung sino ang kriminal once na gumising ako pero malas lang ay hindi ito nangyari dahil nga sa pagkawala ng ala-ala ko.
Umupo ako sa two sitter sofa.Isinandal ko ang ulo sa headboard at pumikit sandali para sana umidlip dahil mas maaliwalas sakin ang living room kesa sa kwarto ko ,ngunit hindi ko inaasahan na biglang may papasok sa isip ko.
Sh*t bigla akong napamulat.
Nakita ko sa isip ko ang mukha ng lalaking yun.Ang bawat lungkot.Ang bawat sakit habang tinitignan nya ang babae sa puntod na yun,parang sumasalin sakin yung mga nararamdaman nya...
Werdo mang sabihin pero bakit parang konektado ang feelings na yun sa akin.Pakiramdam ko nasisiraan na ako kung iisipin ko yun pero bakit?...
bakit ...?
Napansin ko nalang na lumabo ang paningin ko na parang na blurred ang bawat nakikita ko.
Hanggang sa sunod sunod na likido na ang lumalandas na sa mga mata ko.
Umiiyak ako?
Bakit? ano bang meron sa lalaking yun?
Umiling iling ako.
Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at no choice na pupunta mamaya sa kwarto para matulog na rin,dahil hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam.
**************
"Goodmorning.."
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Bukas na pala ang bintanang salamin habang may lalaki akong nakikitang nakatayo sa harap ko.Humarang ito sa bintana ,dahilan para maayos ko itong makita, si Dok pala yun.
Sa kaliwang kamay nito'y isang tray na may lamang toasted bread, sa tabi nun ay pritong itlog at ham at may mainit at umuusok pang kape sa tasa.
"...Kain ka na."sabi nito matapos ilapag ang tray sa kama ko.
Basa pa ang buhok nito na halatang kakaligo lang nito.Suot nito ang white polo at brushed ang buhok.
"...ako na po bahala sa sarili ko Dok..."sagot ko
"I insist, your sick.I need to take care of you Misty.."sabi nya habang inaabot sa akin ang toasted bread na halos isubo na nun sakin.
"Wag na po kayo mag alala ako na po Do-----ho?"pinutol nya ang sasabihin ko.
"-Call me Bixhun.."Nakangiti pa nyang wika.
"...pero di ho ba doc po ang tawag ng lahat sa inyo at nakakahiya naman ho kung di ko kayo galangin"
Bigla itong sumimangot." Magagalit ako kapag Dok pa rin ang itatawag mo sakin at mag ho-ho ka pa sakin, kahit na parang same age lang naman tayo.Please call me my name.I would be glad .."
Sunod-sunod na tango lang ang sagot ko para di na makipag talo pa.Kinuha ko na rin ang pagkain sa tray at inumpisahang lantakan yun.
" After that maligo ka at magbihis, andun na sa cabinet ang mga kailangan mo."sabay turo sa puting walking closet sa harap ko.
"Teka dok-este Bixhun?di ba may pasok ka pa sa clinic..?"
Umiling sya sakin.
"I need to go to my clients party..you'll be my date today and please say yes" May pagmamakaawa na sa boses nito.
"Sige.."Nahihiyang sagot ko.
Pagka alis pa lang ni Bixhun ay tumungo na ako sa banyo.Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya , walang dahilan para tanggihan ko sya. Napakabait nyang tao at nagtyaga sya noong nacoma ako nun at kahit maliit na bagay na ganito ay handa ako.
Sampung minuto ay natapos din ako sa paliligo.Nakatuwalya ang ulo ko at nakabalot naman ng tuwalyang dilaw ang katawan ko.
Sunod lang naman ng banyo ang walk in closet kaya madali ko na itong napuntahan.Pagbukas ko ay bumulaga sa akin ang ibat ibang klase ng damit. Hindi ko alam ang tawag sa mga yun,pero pinili ko ang walang kamay na mabulaklak na damit.Wala na akong inaksayang oras at sinuot ko na iyon.
Mula sa salamin ay nakita ko ang repleksyon ko.Hindi ko maikakailang sakto ang mga yun sa katawan ko at kitang kita ang hugis ng kurba niyon ng humapit na ang damit na yun sakin.Maputi ako kaya nababagay ito sa pulang kulay nag bestidang iyon.
Ngumiti nalang ako sa salamin habang sinusuklayan ko ang may kahabaan kung buhok.Nag lagay rin ako ng lipstick na nakapatong sa table na kaharap ang malaki at bilog na salamin.Hindi na ako naglagay ng kung anu-ano dahil mas gusto ko lang namang maging simple.Matapos nun ay lumabas na ako sa kwarto.
Muntik pa akong mapaatras sa gulat ng pagbukas ko ng pinto ay si Bixhun agad ang bumungad sakin.Naka 'O' shape pa ang bibig nito ng tignan ako mula ulo hanggang paa.Hanggang sa may inilabas itong kung ano sa nakatagong kamay nito sa likuran nito.
Isang pulang sapatos na may kumikinang pang bato sa gitna ng strap noon.
"I think it fits with you my lady..."sabi pa nya at nakuhang yumuko."Pwede ko bang isukat sa paa mo to, aking Cinderella?"Wika nya habang nakatingala sakin.
Isang tipid na ngiti lang ang sagot ko.
Tyaka nya tuluyang sinuot ang sapatos na yun sakin.
"Perfect,Tara na..."Sabi pa nya ng matapos na sya.
HIS POV:
"This place is beautiful...." I said while looking at the perfect view at nakasandal sa barandelya ng 2nd floor beach house.
Andito ako ngayon sa Balesin specifically ISLA BENITEZ, it's my supposedly 2 years of marriage and my Dad keeps on telling me that I need to unwind , due to problems and marriage failures that Iam facing now ,at baka daw dito sa out of town na to magbago pa ang isip ko ,at baka marealize ko na mali ang desisyon ko na magpa-annual.I keep on insisting that I don't want to go pero sabi nya na di nya iinumin ang maintainance nya if I wouldn't go at alam kong kaya nitong gawin iyon, kaya no choice kundi pumunta nalang.Dad is good at blackmailing me.
Nakakatawa nga eh, Dad invited everyone I mean, my colleagues and our clients para hindi daw ako gumawa ng gulo at syempre hindi sya mawawala sa celebration ko na to.Dad is busy now talking with his partners in business at this moment.Pangatlong table ko sya at kausap si Mr. Valenzuela our major stockholder katabi naman nito si Mr Dionicio, who owns this beach house.They are all wearing Hawaiian shirt and shorts.
"Hey...cheer up! ang lalim naman ng iniisip mo?"
That voice.
Lumingon ako roon,Damned!it's Catherine. "...How awful seeing you here...ex wife"madiing wika ko.
Tumawa sya at inayos ang black tinted sun glasses." Not yet darling...intayin mong makapirma ako.But the thing is, hindi yun mangyayari.."Nang aasar nitong sagot.
I clenched my teeth.Pinipigilan kong mainis sa sinasabi nya kaya sa dagat nalang ako ulit tumingin pero tumabi pa syang lalo sakin.
"Be kind to me darling...there's so many eyes here.Boss ka pa naman."Patuloy nya pa ring pang aasar sakin.
Iniiwan ko nalang sya doon and I went down para maglakad lakad nalang sa tabing dagat.
Damn! kung hindi lang dahil Kay Dad,at kung hindi lang sipsip tong si Cath sa Dad ko I won't be here.B******!
Umupo ako sa may dalampasigan habang nilalaro ang puting buhangin roon.
The cool breeze makes me calm,and also the greenish colored ocean in my front. Inviting me to swim.
Kitty...are you happy up there?
I said while looking at the sky.Its been 2 years when she's gone and it is also her death anniversary, baka kaya naaalala ko sya ngayon.
I'm brave at everything but, remembering her ,makes me weak and vulnerable.
Namalayan ko nalang ang mga paa ko na nagpatuloy sa paglalakad.Hanggang sa tubig nalang ang mga iyon.
I love her...I'm f*******! love her..Why do I need to realized it? it's too late,why not when she's alive?
This pain is penetrating all over me and I can't even felt an ease.
May naririnig akong sigawan sa paligid pero, ang malaking alon nalang ang nakikita na nakaabang sa akin.
Is it the time?...magkikita na ba tayo Kitty?
Naramdaman ko ang pagbulusok pababa ,nasa malalim na parte na pala ako ng dagat and Im no where to go.
I don't know how to swim either..
I close my eyes and ready for my end.But I felt ,someone pull me from the deep.
Mula sa kalaliman ay nakaramdam ako ng malamig na hangin na humahampas sa balat ko.
Naramdamdaman ko na din ang malalakas na bayo sa dibdib ko.
"Please breath, ...please..."
Those sweet voice,reminded of my Kitty.
ONE.LUSTFUL.NIGHT