{EARLIER....}
HER POV:
"Unfortunately your face cannot been recovered dahil sa matinding pinsala nun ,nung mahulog ka sa bangin ,luckily my bestfriend insists to reconstruct your face and live the way you want it to be."
Nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin ng sabihin nya yun sakin.Itinaas ko ang kaliwang kamay para haplusin ang bawat parte ng mukhang nasa harap ko ngayon.
This face is beautiful kung tutuusin parang modelo ang mukhang nasa harap ko ngayon the nose bridge is high and narrow ,pero hindi pa rin naman ako to.
"Naaalala mo na ba kung sino ka?" dagdag na tanong ni Doc habang nakatitig pa rin ako sa salamin.
Umiling ako.
Kahit anong isip ko.
Kahit anong pikit ko at isip ko ,hindi ko pa rin maalala ang lahat,para akong batang nawawala sa isang lugar na hindi alam ang daan palabas.
Nang subukan kong isipin iyon muli ay biglang kumirot na ang ulo ko.Halos sabunutan ko ang sarili ko ng sumakit iyon hanggang sa unti-unti nang tumitindi ang sakit nito.
"Doc...ang sakit---ahhhh"Napasigaw na ko dahil hindi ko na talaga kaya.
" Breath in....breath out"wika nya habang pinapakalma ako ni Doc. Ngayon ay nasa tabi ko na sya.Nanatitili pa rin itong kalmado habang sinasabi yun.
May kinuha syang kung ano sa isang box na malapit samin, maya-mayay itinurok nya iyon sa may braso ko.
" Dont worry you'll be fine"Malumanay nitong sabi.
Pakiramdam ko unti-unting nawawala ang sakit at para bang kumakalma ako sa sinabi nyang yun. Bumibigat na rin ang mata ko kaya unti-unti na akong napapapikit.
" Sleep tight now...Miss" Yun nalang ang huli kong naaalala.
**********
"Sigurado ka bang dyan ka lang Misty?"
Si Doc yun. Hindi ko alam kong sasagot ako sa kanya dahil hindi pa rin ako sanay na tawagin sa pangalan na yun. Hindi daw nya alam ang itatawag nya sakin , hindi daw naman nya alam ang pangalan ko pumayag nalang ako kasi wala din naman akong clue kung ano ang itatawag nya sakin.
Nasa kotse nya ako ngayon, kakatapos lang kasi ng libing ng isa sa doctor na kaibigan daw nito at isinama nya ako roon para makalabas labas naman daw ako.
"Misty...sigurado ka bang hindi ka sasama? " sabi nito na nasa labas na ng kotse nya.
Umiling ako.
May dadalawin rin daw kasi sana ito sa ilayanan na parte ng memorial park. Hindi na nito sinabi kung sino yun pero wala rin naman akong balak pangunahan ang pagkapribado nito kaya di ko na inalam.
Sobrang tahimik lang simula ng umalis si Doc.Nasa parking area lang ako ngayon malapit pa rin sa sementeryo kung saan inilibing ang kaibigan ni Doc.Buti nalang ang ganda ng langit ,sobrang payapa nya ngayon.
Habang nag aantay napansin kong may umiiyak na bata na parang nagmamaktol dun sa babae na para bang ina nito, tinuturo nito yung mamang papasok sa loob ng sementeryo na may dalang mga ibat ibang klase ng lobo na may drawing na mga cartoon character na lagi kong nakikita sa suot ng mga bata na pumupunta sa clinic ni doc. Marami rami pa rin ang tao sa loob dahil nandun pa rin ang iilang kamag anak ng doktor kaya siguro pumasok si mamang tindero ng lobo.
Nakaramdam ako ng awa. Namalayan ko nalang na nakalabas na pala ko ng sasakyan. Hawak ang isang libo na binigay sakin ni Doc nung pumunta kami sa libing ng kaibigan nito.Sabi kasi nya sakin ay bumili daw ako kung nagutom daw ako.
Dala ang isang libong peso nilapitan ko ang bata.
" Gusto mo ba ng lobo.."sa mahinahong wika ng nakayoko rito para magkapantay kami.
Tumango ang bata matapos kung sabihin yun.
"Bibilan ka ni ate ng lobo antayin mo ko ah"Malambing kong sabi. Sabay pahid ng luha nito sa magkabilang pisngi.
Tumayo na ako at dumiretso sa direksyon kung nasaan ang mamang nagbebenta ng lobo.
Lumiko si manong, kaya lumiko na rin ako,pero pagliko ko nawala nalang ulit ito sa paningin ko.
Napapakamot na ako ng noo dahil ambilis nitong nawala ,pero binaliwala ko lang yun at nagpatuloy sa paglalakad.Kailangan kong mahanap yun dahil paniguradong inaantay ako ng bata.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng marinig kong may nagsalita sa may kaliwa ko.
"...Its been a while ...Hi Kitty.."
Hindi ko sana papansinin yun pero biglang nagcrack ang boses nito.The way he says those I felt something strange happening on my system.
Automatic na lumingon ako sa boses na narinig ko kanina. Nakaupo ito sa may gilid ng isang nitso hawak ang isang bote ng alak. Hindi ko maiwasang mapatigil at manatiling nakapanood doon.He was looking at the grave of a woman.
Tinungga nya ang alak at halata sa itsura nito ang pagkamiss sa kung sino mang taong nakalibing roon.
Then he begun to cry. Those eyes of his... nakaramdam ako bigla ng lungkot sa mga yun.
" Bakit ka umiiyak?"
Doon ko lang narealize na nasa harap na pala nya ako.
Iniangat nya ang tingin sakin at kusang gumalaw ang kamay ko para pahirin ang luhang nasa mga mata nito.
"Sino ka?"
Nang mga oras na yun. Doon lang ako nahimasmasan. His eyes turn a clueless gaze at me.
Hindi ako nakapag salita. Doon lang ulit nagsink in sa akin na kay manong na nagtitinda ng lobo nga pala ako pupunta.
Asan kana ba manong?
"Ay sorry , nawala kasi ako saka akala ko ikaw yung kaibigan ko. Sige na bye" Nakangiti kong dahilan habang paalis na, hahabulin ko pa kasi si Manong tindero.
" Wait....Miss"
Imbis na dumiretso sana ako paalis ay naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagkahawak nito sa braso ko, dahilan para mapaharap ako ng malapitan dito.
His eyes met mine.Napatitig na rin ako doon. Hindi ko na mabilang kung ilang segundo akong nakatitig sa kanya ,hanggang sa ito na mismo ang yumuko at binitawan ako.
"Im sorry for being rude..."Naging malamig na ang boses nito.
Inintay kong magsalita sya muli pero hindi na ito umimik kaya umalis na lang ako doon ng tuluyan.
Habang hinahanap ko si manong napansin ko ang mabilis na pintig ng puso ko.Hindi naman ako tumakbo,ni hindi naman ganito kanina habang nag hahanap ako ng tindero pero bakit iba nung makita ko ang estrangherong lalaki na yun.
"Miss bibili ka?" Napaawang ang labi ko ng makasalubong ko na si manong na tindero ng lobo. Wala na kasi ako sa isip ko habang naglalakad kaya ngayon ko lang ito napansin.
"Opo ,isa nitong..."sabi ko na tinuturo yung lalaking drawing.
"Ah ben10"Sabi ni manong.
Maya-mayay dala dala ko na sa kamay ko ang lobo.
Magustuhan sana ito ni totoy...
HIS POV:
That woman...jezz!
"I knew it your here!"
Luminga ako sa may kaliwa ko and I felt dismay. Catherine is here. Ang lakas nyang guluhin ako dito?
Hindi ko sya pinansin ,sa halip ay tumayo nalang ako at humakbang paalis.
"Giovanne...lets fix our marriage.."
"Giovanne...mahal kita, I know we can settle this for once..."
Rinig ko mula sa likuran ko pero wala pa rin akong pakealam.
"...She's dead Giovanne.Kahit anong gawin mo di na sya babalik!"
Napahinto ako.Kinuyom ko ang kamao ko. I felt like I was struck by a lightning by what she said.
"My heart died as soon as she leaves in this world. So stop it now Cath.Stop loving me! My heart only belongs to her...to Kitty "
Nakita kong pumatak ang luha sa magkabilang pisngi nito, I know I hurt her, and Iam not guilty about it. Lolokohin ko ang sarili ko kung hindi ko aaminin sa sarili kong masaya akong naging malaya na sa kanya and I won't trade it to Gold.
"Then...you wont get the annullment that you wanted!lets both be misserable!"Galit nitong sabi at tuluyang umalis sa harap ko.
-ONE LUSTFUL NIGHT--