WEIRD FEELINGS

1709 Words
KITTY'S POV: "Kumusta? "Sabad ni Catherine ng makauwi na ako at hinuhubad ang suot kong wig. Nginitian ko sya saka niyakap. "Congrats, bati na kayo... " Para namang bata na talon ng talon sa kama ang gaga. Hinalikan pa nya ako sa pisngi at parang temang na niyuyug yog pa ako. "Promise ate, mag aaral na talaga ako ng mabuti... "Natutuwang sabi nya pa. Seeing her like that, parang nakahinga na rin ako ng maluwag. After mom died. Ako na rin ang tumayong mommy sa kanya. Kapag nasasaktan sya at nadadapa noon ako ang madalas na gumagamot sa kanya while Dad is busy with his woman and his business ako na lang ang umako ng obligasyon nya bilang daddy namin maliban sa financial dahil nagpapadala naman talaga ito ng pera samin. After we eat. Nagprepare na ako matulog. Nauna pa si Cath sakin. Nagshower muna ako bago matulog.Saka humiga sa kama. Magkaiba kami ng kama ni Cath nasa right sya at left side naman ako divider lang namin ay ang shelves ng mga libro ko. Pinikit ko ang mata ko para matulog pero... parang movie na nagpla-play sa isip ko ang nangyari kanina. Why do I have to think about it? Why do I have to think about the kiss? Umiling iling ako. Maybe Iam just being tired. Pumikit ulit ako pero, para yatang nakatattoo na sa isip ko ang halik na yun. This is weird? Umupo ako sa kama. Bumaba ako ng kwarto saka tumungo sa kusina. I need to drink water. I feel dehydrated. Pagkatapos ng halik na yun, ang huli kong natatandaan ay nagpaalam na ako sa kanya para umuwi pero ito mismo ang naghatid sakin hanggang sakayan.He also make sure na makakauwi ako ng ligtas. Kong hindi lang talaga malalagot ako kay Dad dahil baka sabihin nya na lumandi na agad ako kahit di pa tapos ang pag aaral ko e, sa service namin ako sasakay papunta sa EK malas nga lang dahil baka idetain naman ako ni Dad lalo na ata pauwi na ito next week after business trip kasama ang secretary nito. Matapos uminom ng tubig ay dumiretso na ako paakyat. Okey na ako. Once I went to sleep I m sure Ill forget this unforbidden happenings between him and me.                                                **** "Hi Kitty... " Umagang umaga. Bumungad kaagad sa harap ko si Giovanne. Nasa klase ako pero hindi ko kasabay ang kapatid ko. Pang hapon kasi sya ngayon. Wala pang gaanong estudyante at kaming dalawa lang talaga ang nasa loob. "Oy kumusta, balita ko bati na kayo.. "Bungad ko. Kahit alam na alam ko naman talaga. Umupo ito sa mismong tabi ko. "Yes were fine. Kami na ulit... "Hindi pa nito mapigilang mapangiti. "Thanks to you"Marahan pa nya akong tinapik sa balikat. "Wala yun... " Maya-mayay umalis na rin ito at nagpaalam na. May klase na din daw sya e. Muntik pa nga itong madapa kakamadali e. Maya-maya rin ay dumami na ang mga estudyante at nagsimula na ang klase. Habang nagtuturo ang prof namin sa harap ay naaagaw naman ng pansin ko ang try out sa baba. May nagbabasketball kasi sa baba. Ang alam ko PE ni Giovanne ngayon, naikwekwento kasi sakin yun ni Cath minsan. Napapansin pa daw nya na may mga pasa si Giovanne dahil sa kakalaro ng basketball. "Miss Dela Cruz... nasa labas ba ang klase ko? " Nanlamig nalang ako dahil sa narinig ko nalang ang pangalan ko. Bakit ba kasi tumitingin pa ako sa labas e. "Sorry po maam... " "Please pay attention...Ikaw pa naman ang napipisil bilang Suma-cumlaude and now your mind is floating somewhere? "wika ng professor namin. Napayuko nalang ako.                                           **** Weekends ngayon, kaya nasa bahay lang ako. Si Catherine naman ay kasama si Giovanne, may date daw kasi sila ngayon. Wala si Dad kaya malaya sya maglandi, at isa pa bukas palang ang uwi nito kaya lubos-lubusin na nya. Nasa garden lang ako habang nagbabasa ng pocketbook. Kapag kasi walang klase pocketbook lang ay masaya na ako. Tapos ko na rin naman gawin yung obligations and reports ko kaya malaya na akong makapagbasa ng favorite kong story. Hindi ako palalabas kaya libro lang ay buhay na ko. "Goodmorning Kitty... " Muntik ko pang mabagsak ang hawak kong libro dahil sumulpot bigla ang ulo nitong si Giovanne. Teka bat nandito to? "Hi ate? naisip ko kasi na dito nalang kami maglunch kasi wala kang kasama e... "wika naman nito sa gilid ko. "Kayo bahala... "Sabi ko saka nagkatinginan pa silang dalawa. "Iwan ko muna kayo dito ah. Magluluto lang ako ng lunch natin.. "Presenta ni Cath. Inilapag ko ang hawak kong libro. "Ako na" Napatingin ako kay Giovanne dahil parehas pa kami ng sinabi. "Hindi ka marunong magluto----" "Ate naman"angal naman ni Cath na pinapatahimik pa ako. "Okey sige, basta wag mo lang sunugin yung bahay natin ah.. " Natawa tuloy si Giovanne sa sinabi ko habang si Cath naman ay nagmartsa papasok. Napahiya ko ata?                                                  **** "Ang gaganda naman nyan... " Andito ako ngayon sa garden at nagdidilig na ng halaman ng lumapit si Giovanne sa akin. Kampante pa naman ako na nagbabasa sya ng magazine sa may balcony pero nasa tabi ko na pala sya. "Ah oo mga roses yan ni mommy.."sagot ko habang patuloy sa pagdidilig. "Eh ito--what the----- " Kasalukuyan kong dinidiligan ng hose yung isang orchid at pagharap ko, hawak ko pa nga pala yung hose kaya nabasa ko sya. Hawak pa naman nya yung isang piraso ng carnation na napitas nya. Agad kong binagsak yong hose na hawak ko at kinumusta sya. "HALA! Okey ka lang ba? " Hindi sya nagsalita pero yumuko sya at walang sabi-sabing kinuha ang hose at itinapat sakin. "Ayan, quits na tayo... "tatawa tawang sabi pa nito. Nakagat ko nalang ang ibabang labi sa inis. "Gusto mo pala yaan ah... " Pinilit kong agawin yung hose sa kanya pero malas ko lang dahil basang basa na ako. Pinapasiritan nya talaga ako habang tawang tawa sya. Kitang kita ng dalawang mata ko ang pantay nitong mga ngipin. Ang saya na nakakahawa... Binawi ko bigla ang tingin ng mapadako ang mata ko sa labi nito. Bakit parang naiilang ako. Kailangan ko na yatang uminom ulit ng tubig. "Pasok lang ako, nauhaw ako bigla e... ikukuha na din kita ng tuyong damit, baka mamaya awayin pa ako ng kapatid ko kasi hinayaan kitang basang sisiw dyan... "sabi ko rito at pumihit paalis. Paghakbang ko paalis, hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nadulas ako sa basa. Naramdaman ko nalang na hinigit nito ang braso ko at kinabig nito ang bewang ko. "Okey ka lang... " Sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Kulang nalang yata magpalitan kami ng hininga. Naramdaman ko nalang na bumilis ang kaninay mabagal na pagpintig ng puso ko. "Ayos ka lang ba...? " Bumaba ang tingin ko sa pagbuka ng labi nya. Saka automatic na itinulak sya. "Sige,  dadalhan nalang kita ng damit... "pahabol ko ,nang tuluyan na akong makaalis. Anong bang nangyayari saken?                                              **** "Sama ka samin huh... sa canteen ,with Giovanne ate" Umiling iling ako. "Mauna na kayo may tinatapos pa akong report e. Alam mo naman malapit na yung presentation... "Explain ko kay Catherine ng gumawi sya sa room ko. "Sige, basta sabay ka samin umuwi ah... " Nginitian ko sya. "Pipilitin ko... "Sabi ko nalang. Nagpaalam na ito sakin at dumiretso na sa labas. Saka lang ako nag stay sa loob ng classroom. Sa totoo lang talaga,tapos na ang mga reports ko kahapon pa. Gusto ko lang talaga lumayo sa dalawa dahil... Parang may bahagi sa akin na nagbago. "Hoy miss masungit.... " Napasipol pa ako ng makita ko si Rivu na nakadikwatro pa sa labas na parang may inaantay. "Magaling na ba yang -----" Di ko pa tinutuloy ang sinasabi ko pero tinakpan nya na agad yung pagitan ng hita nya. "Bakit gusto mo makita? "Confident nya pang sabi,dahilan para lampasan ko sya. Umuna pa sya sakin, at gulat pa ako ng dumipa sya. "...Bat ang sungit mo huh. Menaupause ka ba? " "Gusto mong isa pa! "sabay nguso sa gitna ng hita nya. Tumawa lang ang loko. "Tapang ah. Masungit na matapang hmmm... mas interesting ka pa pala kay Cath e... ligawan kaya kita.. " Nang mga oras na yun, ako naman ang natawa. "Hindi ako interesado... Tabi! " "Pano kong ayokong tumabi... Wag magiging akin ka rin.. " Tumalikod na ako para sa ibang direksyon nalang ako dadaan pero tong baliw na to hinigit nanaman ako. "Hoy teka ano ba" Bingi pa yata dahil kahit anong sabihin ko hindi nya ako napapansin. Tumakbo pa kami at huminto lang sa tapat pa ng male cr. "Sinabi nang ayoko ------Giovanne? " Napa 'O'clock shape nalang ang bibig ko dahil hindi ko akalain na hindi pala si Rivu ang humatak sakin. "Sabihin mo lang sa akin kapag kinukulit ka noon dahil, manghihiram sya ng mukha sa aso.. "Giit nya. "Nasan si Catherine? Bat di mo sya kasama? "Tanong ko naman. "Nasa canteen, I was just going to pee when I saw you, harassed by Rivu... simula ngayon sasabihin mo sakin kong may umaaway sayo okey... "sabi pa nya habang nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko. Hindi ko alam kong ngingiti ba ako,pero I just remain silent. "Thank you for your concern. Umihi kana... "Nginuso ko pa ang cr, nandoon na rin naman na kami. "Promise me...call me pro-protektahan ko kayo ni Cath., Kitty" Inalis ko ang kamay nito sa magkabila kong balikat saka umiling. "Dont worry about me. Mas kaya ko ang sarili ko. You should protect my sister shes weak , alam kong nandyan ka lagi para sa kanya...so please  save her more from future pains and sorrow"ako. Pumihit na ako paalis. Why do I feel strange whenever he is around. Kong di pa kasi ako umalis, baka atakihin na ako dahil sa mabilis na pintig nitong puso ko. Pagtalikod ko. Saka ko nalang pasimpleng hinawakan ang dibdib ko. Andyan pa rin. Hanggang ngayon patuloy sa pagbilis ang pintig noon. Ano ba talagang meron sa kanya,bakit ko nararamdaman to? I know there really something fishy going on and Iam afraid to know it. Baka kapag nalaman ko yun, malaking impact na pagbabago ang mangyayari sa buhay ko at sa kanilang dalawa.                          -------ONE. LUSTFUL. NIGHT-----------                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD