Kitty as Catherine

1346 Words
KITTY'S POV: "Tulungan mo naman akong magsorry kay Giovanne, sige na ate! " Kanina pa ako kinukulit ni Catherine habang nasa loob ng library. Its been two weeks when both of them broke up at iyak ng iyak tong si Catherine sakin. Sinabi nya na bet lang daw ang nangyari kaya nya nahalikan yung finalist sa campus king pala namin na si Jacob. Hindi ko kasi namukhaan yoon dati dahil na rin sa nakatalikod iyon sa akin. Competetive kasi itong si Catherine kaya yung barkada nya raw ang nagsabi na halikan si Jacob bilang consequence sa laro nila at yung prizes sana noon ay ang trip to tagaytay kaya daw ginawa na nya. Ilang beses na daw syang nagpaliwanag pero hindi daw siya pinakinggan ni Giovanne kaya ngayon sa akin na sya nanghihingi ng pabor dahil nagiging close na daw kami. "Sige na ate, ikaw lang naman kinakausap noon e. Dedma kayo yun sakin.. " Napansin nya ata na kinakausap ako ni Giovanne lately lalo na noong nasa hallway dahil nagpaturo ito sa akin tungkol sa case study nila. "...Bibilhan nalang kita ng pizza pag uwi..kapag tinulungan mo ko... " Suhol pa nya habang busy ako sa pag susulat ng assignment namin sa socio. "....Ah,ililibre nalang kita sa starbucks ng capuccino... " "Oh kaya-----" "Mag aral ka, yun lang ang gusto kong marinig. Pumasok ka sa klase dahil pag nagkataon baka repeater ka. Okey! "Dugtong ko. Ngumuso sya sa akin at saka bumuntong hininga. "Oo na po. Ate. Mag aaral na. Basta tulungan mo ko kay Giovanne... " Tinatamad na binalikan ko sya ng tingin. "Call... " Napapalakpak pa sya ng marinig iyon sa akin. "So ganito ang plano.... " Lumapit pa sya sa akin saka bumulong. Nanlaki nalang bigla ang mata ko sa narinig. "Seryoso ka ba? "                                                                    **** "Giovanne may gagawin ka ba mamaya? " Andito ako ngayon sa harap mismo ng classroom nya, pero lunchtime naman kaya walang mga tao. Inintay ko talaga matapos yung klase nya,buti nalang vacant namin kaya malaya akong nakalabas ng building namin. "Oy kitty... ikaw pala bakit? "Nakangiti pa nyang sabi pagkakita sakin. Nanlalamig na yung kamay ko sa kaba. Nanlalapot na rin ng pawis sa kamay ko yung hawak kong dalawang ticket ng Enchanted kingdom. "Kasi ano... Si Catherine kasi ayaw ako samahan sa EK, e dalawa na yung ticket ko, sayang naman saka... kaw lang kasi yung kilala ko dito maliban kay Catherine... kong pwede sana... Ano... " "Sure... " Napaawang nalang ang labi ko sa narinig,saka napangiti. Sa susunod hindi na ako papayag na tulungan kay Cath. "Mamaya ah...mga 1 ah half day lang kasi klase namin ngayon...intayin mo ko sa gate okey"ako. " Sige Sure! 1pm tapat ng gate. "sagot nya. Kumaway pa ako para magpaalam. Si Catherine naman ngayon ang kakausapin ko regarding sa nangyari. "Okey na Catherine. Pumayag na sya magkikita na daw kayo mamayang 1.." Halos pabulong ko pang sabi dahil baka may makarinig paniguradong lagot na pag nagkataon. Napakunot nalang yung noo ko. Chi-neck ko pa kong open pa ang line pero tumatakbo naman ang oras. "Hoy.. Andyan ka pa ba? " "....Kasi ano e... si Mr Valdez, may pinapagawa saking project para daw sa mga absenses ko. Kapag daw di ko natapos ngayon ibabagsak nya ako e... "Mangiyak ngiyak na sumbong nya sakin. "Pano si Giovanne nasabi ko na e... " "Samahan mo muna sya ate, magpanggap ka munang ako pwede? " "I-cacancel ko nalang  wala sa usapan natin yan Cath" Gulat nalang ako ng umiyak si Cath mula sa phone. "Mahal na mahal ko sya ate, sige na. Please ngayon lang to e. Kong hindi lang dahil sa report na to pupunta ako sa kanya pero... Huhuhu.. " Bumuntong hininga ako. "Oo na last na to.. Ah? " Biglang sumigla ang boses nito. "Oo promise ate. Salamat.. "maya-mayay pinatay na nito ang linya. Kong hindi lang kita kapatid.                                                              ***** Hindi ako mapakali habang nasa jeep,binago ko ang meeting place namin na imbis na sa gate ay sa mismong sa EK na kami magkita. Buti nalang ay pumayag na ito. Suot ko ang wig na binili ko pa sa palengke. Katulad ng buhok ni Cath. Kapag nga nakikita ko ang itsura ko sa salamin ay nagugulat pa rin ako. Akala ko kasi hindi ako yun e. Naka school uniform pa ako dahil diretso na ako ng sakay kanina. "Dito na po tayo... "wika ng driver kaya lumabas na ako ng jeep. Sa mismong entrance na ako bumaba. "Cath... " Hindi sana lilingon kaya lang naalala ko nalang na ako nga pala muna si Cath. Lumingon ako at nakita ko na sa di kalayuan si Giovanne. Nakakunot ang noo nya at pasakay na ng Jeep. Kaagad akong lumapit at pinigilan ko sya. Galit na galit nga talaga sya kay Cath. "Teka lang wag ka naman umalis oh.. "Pigil ko rito. "Bat ka ba nandito, ginamit mo pa ang kapatid mo para makipagkita ako sayo? "may inis na sa tinig nito. "Kasi ayokong mawala ka sa akin"sabi ko nalang as if Iam Cath,panigurado naman na ganun din ang sasabihin nito dito. "Ayaw na kitang makita Cath. Diba break na tayo, why are you here.Let me go... magmove on na tayo"Pilit na humihinahon na sabi nito. "Ayoko! "Sabi ko nalang saka hinatak sya papasok sa entrance. Ang main goal ko lang naman e pagbatiin ang dalawa at bilang ate, ayokong umuwing bigo para sa kapatid ko. Huminto kami sa nagrerecieve ng ticket habang hatak hatak ko sya. Nagmumukha tuloy akong nanghaharass pero, sa ngayon. Ini-off ko muna ang paki ko. Pagpasok namin, para syang namatayan dahil ang lungkot ng mukha nya. Alam ko naman na labag sa loob nyang sumama sakin pero okey lang. Paaamuin ko sya. "Mocha flavored ice cream... gusto mo yun diba.. "Sabi ko pa pero hindi man lang sya sumagot. Madalas na kwenekwento sa akin ni Catherine noon na gustong gusto daw ni Giovanne ang mocha flavored icecream, kaya alam kong hindi yun hihindi kahit na hindi sya nagsasalita. Sa di kalayuan may nagtitindang icecream vendo machine. Bumili ako ng dalawa at isinalang ang cone sa mocha flavor.Matapos noon ay bumalik ako kay Giovanne pero nanlaki nalang ako ng makita kong palabas na sya. Dali dali akong tumakbo para higitin sya papasok. Patuloy pa sya sa pag angal pero nung isinubo ko sa kanya yung icecream ay natahimik nalang ito. Tama nga si Cath.                                                              **** "Nasisiraan ka na ba, alisin mo to! "Iritadong wika nya habang pilit inaalis ang posas na fake. Yes, bumili ako ng laruang posas doon sa booth para hindi nya ako maisahang makaalis. Di rin ako makapaniwalang matibay ang pagkakagawa sa posas na yun dahil kahoy sya. Take note nasa bulsa ko rin ang susi.. "Wala ka ng kawala... "natatawa ko pang sabi. Immitating Cath,pero mas lalo pa ata syang sumimangot sakin. Hinigit ko sya papunta sa Ferris wheel para sumakay kami doon pero ayaw nya talaga,pero no choice sya dahil mas malakas ako. Member din kasi ako ng taekwondo maliban sa pagiging bookworm. "Tara na... " "Aish!"Angal nya. Pagpasok namin inayos ko pa yung lock nya, saka ako nagayos ng lock ko for safety at sinara ang pinto ng isa sa ferris wheel. Napansin ko nalang na nakatitig si Giovanne sa likuran ko. Tumingin din ako doon,papalubog na pala ang araw. "...I  miss you"Sabi nya dahilan para mapatingin ako dito. "Ikaw din, miss kita... kaya sana magbati na tayo... "Panimula ko. Maya-mayay iniangat nya ang isang braso na hindi nakaposas at hinawakan bigla ang mukha ko. Automatic na napalunok ako. "I love you Cath, until now... you still reminded me the old you... "wika nya. Pinilit kong hindi mailang pero parang may mali na yata. "Mahal pa rin kita... and I will accept your apology"Malumanay nitong sabi. Napangiti ako. Gusto ng pumakpak ng tenga ko dahil sa wakas natapos na din,bati na rin sil-------- Napasinghap nalang ako nang bigla nyang hinawakan ang mukha ko. All of a sudden. He claimed my lips without a word. Now what? Should I act like Catherine until now? Or pushed him as if Iam Kitty?                                               -------ONE.LUSTFUL. NIGHT------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD