5 Years Ago...
KITTY'S POV:
"GIOVANNE! GIOVANNE! GIOVANNE! "
Rinig kong sigaw ni Catherine kasama ang iba pang girls na katabi lang namin at may hawak pa na pom-poms sa dalawang kamay nakikicheer sya at nakikisabay sa mga ito.I know shes really proud of him nakikita ko yun sa mga mata nya.
Nandito kami sa bench, dito mismo sa gym ng St Ignacious University. Nanonood lang ako dito sa katabi kong si Catherine habang pangiti-ngiti pa kapag nakakashoot ng bola si Giovanne.
Giovanne is 25 years old, he is the MVP player sa mismong basketball team namin. He got the looks, the attitude and the built kaya siguro marami ding humahanga sa kanya iba pa kay Catherine.
Giovanne is goodboy,mabait sya sa lahat kaya naman madami talagang kakompetensya si Catherine pagdating sa mga babae ,madalas ding nagseselos yun at nagsusumbong sakin pero, pinaparamdam naman ni Giovanne na sya lang talaga ang mahal ng kapatid ko.
Tama, kapatid nya ako. Si Catherine, ang twin sister ko,Iam Kitty.Mas matanda ako kay Catherine dahil una daw akong lumabas kay mommy sabi ni Dad.Kahit na kambal kami marami pa rin kaming pagkakaiba. Madaldal si Catherine, tahimik lang ako.Makulit sya at palaaway pero ako hindi.Marami kaming pagkakaiba pero iisa lang pagkakatulad namin syempre yun ay sa mukha namin,si Kath ay maiksi ang buhok habang ako naman ay mahaba.
Catherine usually had a rebelious and a bubbly personality pero nag iiba iyon kapag kasama nya si Giovanne. Nagiging babaeng babae sya, medyo mahinhin at pacute pero kapag kasama ang kaibigan nya ay iba na ang usapan lalo na kapag kasama nya ako.
"Ate Kitty antayin mo nalang ako sa bahay a... sabihin mo kay manang Lourdes may ginawa kaming rehearsal sa theatre arts huh..ah malalate lang muna ako sa pag uwi. Bahala ka na kay Dad kapag tinanong ako ah"Sabi ni Cath bago sya nagpaalam sakin para umalis at pumunta sa team red,andun kasi si Giovanne.
Minsan nagseselos ako kay Giovanne dahil mas madalas nyang kasama ang kapatid ko kesa sakin. Noong hindi pa kasi sila, madalas na kaming dalawa lang ang magkasama. Maraming kaibigan si Kath pero kapag lunch time ako lang talaga ang kasama nya sa pagkain dahil, enjoy daw sya pagkasama ako,pero ngayon hindi na kagaya dati ,laging si Giovanne nalang ang kasama nya.
Tumayo na ako para umalis sa bench.Tapos na rin naman ang basketball game.
May quiz nga pala kami.
Kailangan ko munang pumunta sa library.
****
"...Sinabi ko na nga ba dito kita makikita, Kitty De la Cruz.. "
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang nag iisang lalaki na nasa harap ko lang. Binalik ko ang tingin sa binabasang libro at nagsulat ng mahalagang notes para sa quiz mamaya.
"...Suplada? Ibang iba ka talaga kay Catherine... "
Patay malisya lang ako at patuloy sa pagbabasa pero nawala nalang sa kamay ko ang libro.
Hinanap ko ang libro at nahanap nalang ng mata ko iyon sa kamay ng epal sa harap ko.
Sya si Rivu, isa sya sa manliligaw ni Catherine na maaga palang binasted na nya. He is arrogant, a prat leader and rebelious son of the university president.Mukhang pagtitripan nanaman yata ako.
Umupo pa sya mismo sa table at parang wala lang na nililipat lipat ang page ng libro.
"Ano bang meron sa librong to para, hindi mo ko pansinin...? "
Nakita ko pang ngumisi sya at dahan dahang tumingin sakin. Umupo pa sya ng indian seat at iniyuko ang ulo para magkatapat ang mukha nya sa mukha ko.
"Akin na! "mahinang wika ko dahil baka mapagalitan kami ng librarian.
Nakakaloko nanaman syang ngumiti saka itinaas ang libro.
"Kunin mo.. "
Inis akong tumayo at pilit na inaabot ang libro pero, tumayo rin sya at itinaas nanaman ang libro.
Kakainis na talaga sya!
Pilit kong inaabot pero mas lalo pa nyang itinataas, malas ko lang dahil ang tangkad nya sakin.
"...Isa! Rivo!anu ba!"
Hindi ko na napigilang laksan na ang boses ko kaya napaimik na ng quiet ang librarian.
"Kunin mo kasi"tatawa-tawa pa ang gago. Kala mo naman nakakatuwa sya.
Naniningkit na ang mata ko sa sobrang inis,kaya walang salita ko syang sinipa sa hita. Kala nya ah.
Napasigaw sya sa sakit kaya napalabas tuloy kaming dalawa,para syang kangaroo na talon ng talon dahil sa sakit,pero naawa ako bigla.
"Masakit ba? Ikaw kase eh.. "nakangusong sabi ko pero, nangigigil na yung mukha nya.
Kesa antayin ko pa syang magalit ay tumakbo na ako paakyat.
Napalakas yata.
****
Alas singko na ng hapon ,kakalabas ko lang ng klase,si Catherine, hindi sya pumasok kanina.
Nag aalala na ako sa kanya. Tinatawagan ko sya pero hindi man lang sya nagrereply sakin.
Binuksan ko ang payong ko para hindi mabasa ng ulan saka lumabas na ng gate ng school pero huminto ako.
Napapaisip tuloy ako.
Dapat kasi di ko nalang pinayagan si Catherine na sumama kay Giovanne paniguradong hindi yun mangyayari. Baka pag nagtuloy-tuloy to bumaba ang grades nya.
Pumihit ako papasok at tuluyang naglakad. Hahanapin ko si Cath, hindi pwedeng hindi kami uuwing magkasama.
Naglakad lakad ako papunta sa bawat rooms umakyat sa engineering building kong saan doon ang building ni Giovanne pero gulat pa ako ng makita kong nagmamadaling lumabas si Giovanne,nilampasan nya ako na parang di nya ako nakita.
Hinabol ko sya.
Bakit mag isa lang sya?
Nasaan ang kapatid ko.
Kapag nalaman ko na may ginawa sya sa kapatid ko lagot sya sa akin-----
Napahinto ako, nang mapahinto rin sa pagtakbo si Giovanne. Basang basa na sya ng ulan habang nakatingin lang sa malayo.
Tumingin din ako sa tinitignan nya pero napaawang nalang ang labi ko ng makita ko si Catherine na may kahalikan sa may stockroom.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Giovanne, parang nakikita ko na ang susunod na mangyayari.
Tumakbo ako palapit kay Giovanne, at mabilis na hinigit ang braso nito,saka umiling sa harap nito.
Gulat pa sya ng makita nya ako.
Nababasa na rin ako ng ulan dahil sa naiwan ko ang payong ko dahil sa takot sa mga mangyayari.
"....Mahal ko sya,pero bakit nya ako sinasaktan. Kitty? "
Yumuko sya sa harap ko. Tumutulo na ang basang buhok nito dahil sa ulan.
Malalim syang bumuntong hininga saka nagtatakbo palayo.
Umiling iling pa ako ng makita kong patuloy si Catherine sa pakikipaghalikan sa lalaki, kapatid ko sya pero parang hindi ko na yata sya kilala.
Gusto ko sana syang lapitan at sabihing tigilan na nya ang lalaki pero sa ibang direksyon tumakbo ang mga paa ko.
****
Mas lalo pa yatang lumakas ang ulan. Tumigil ako sa tapat ng waiting shed. Nakita ko si Giovanne na tahimik lang na nakaupo sa sementadong upuan.
Dahan dahan nyang iniangat ang mukha nya at nakita ko ang namumula na nitong mga mata na halatang galing sa pag iyak.
"Cath-----Kitty? "
Hindi ko alam kong papano ko sya icocomfort never pa naman ako nagkaboyfriend kaya, wala akong experience sa lalaking broken.
Umupo ako sa tabi nya.
"Sorry... "Nakayuko ko pang sabi.
Gumihit ang ngiti sa labi nito kahit hindi naman nakikita ang saya sa mga mata nito.
"...Galit ako sa kanya Kitty"sya.
"Alam ko,kaya ako na ang nanghihingi ng sorry para sa kanya.. "ako.
"Its useless... sya ang may kasalanan hindi ikaw... "sya.
Tumahimik ako. Hinayaan ko lang syang walang imik.Tama naman talaga sya e.
Ganitong ganito noon si mommy ng mahuli nya si Daddy na nambababae.Galit na galit sya kay Daddy noon and with a blink of an eye. We lost her.
Mom did suicide.
Its a traumatic thing, at ayaw na ayaw ko ng mauulit pa iyon. I hate Giovanne for snatching the attention of my sister pero ayoko naman na baka gayahin nya rin si mommy.
"...Sobrang sakit."
He pointed his chest while saying those.
Automatic na tinapik ko ang likuran nya.
"Ilabas mo lang yan. Hindi ko man naramdaman yang nararamdaman mo pero alam kong masakit talaga yan.. "Sabi ko rito.
"Thank you.. for being here.. Kitty"
Napangiti nalang ako ng ngumiti sya sa akin.
-------ONE.LUSTFUL.NIGHT---------