Umaaray ako sa sakit tuwing dadampian ako ng gamot sa mukha ko. Hindi ako p'wedeng uminom ng pain reliver dahil sa pinagbubuntis ko, kaya sobra ang pagtitiis na ginawa ko. "Masakit!" daing ko kay Greyson habang nakahiga ako sa kama at nakapatong ang ulo ko sa hita niya. Siya ang naglilinis ng lapnos ko at ramdam ko ang pag-iingat niya habang dinadampian ako ng mabilis na pampatiyo sa lapnos ko. "Sorry." Napatingin ako sa kanya at kita ko na seryoso siya pero napapangiwi kapag umaaray ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya. Nagpapasalamat ako at hindi siya nagbabago sa akin at patuloy akong nililinisan ng sugat.. Balitang-balita nung nakaraang mga buwan ang pagkita sa bangka ni Marie Go, Doctor Peralta, at iba pang tauhan ni Nika na tinapon sa harap ng presinto. Alam ko na si

