Isang malaking two storey house at pinaghalo ang kulay ng puti at gray ang nakapahid sa bahay. Ang ilang bahagi ng pader ay purong salamin at napakalaki ng lupain upang masakop ang day care school na pinatayo ni Greyson para sa akin. Nakalipat na kami dito sa bahay at ginugol ko ang oras ko sa pag-aayos ng bahay para makalimot sa nangyari sa akin patungkol sa mukha ko. Hindi na muli ako napilit ni Greyson na lumabas ng bahay dahil sobra akong na-trauma na baka maulit muli ang nangyaring noong nakaraang buwan nung bumili kami ng gamit ng baby namin. Palagi kong suot ang scarf kahit nasa bahay lang ako. Baka may biglang pumunta sa bahay namin at mabigla kung makikita ang mukha ko. Mabuti at malayo sa kapitbahay ang bahay namin, dahil kung hindi ay baka may makakita sa mukha ko. Napahaplo

